ARESTADO ang isang lalaki na nagbebenta ng kaanak na menor de edad sa mga dayuhang parokyano sa pamamagitan ng online kapalit ng libu-libong halaga ng salapi.
Lima namang kabataan naman ang naisalba may edad 7 pataas nang salakayin ang hideout ng suspek na si Anselmo Ico, Jr., alyas Jaja Jhoncel sa Barangay Anilao, Malolos City.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), 2016 nagsimula ang suspek sa online pornography at binebenta ang kanyang mga materyales sa halagang mula P5,000 pataas.
Ilan sa aktibidad ng suspek ay ang produksiyon, paggawa, pagbebenta, promosyon, pagpapakalat ng sexual activities ng mga bata o child pornography sa pamamagitan ng online o internet.
Noong Enero 3, 2018, lumiham sa NBI ang National Criminal Investigation Service o NCIS ng Norway NCIS matapos na madakip ang Norwegian na si Ketil Andersen na natunton na bumibili ng mga lewd materials mula kay Ico kasama na rito ang live sexual performance ng mga kababaihang menor de edad na pawang Filipino.
Katuwang sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation Anti Human Trafficking Division at Philippine National Police – Children’s and Women’s Protection ang Homeland Security Agency, Federal Bureau of Investigation, International Justice Mission .
Isasalang sa inquest proceeding ng Department of Justice ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan ng RZ 10364 o Expanded Anti-Human Trafficking of Persons Act of 2012, RA 10175 o cybercrime prevention act of 2012, RA 7610 o special protection children against child abuse, exploitation and discrimination act, RA 9775 o anti child pornography act of 2009. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN