DALAWANG beses pinasabugan ng M203 ang tahanan ni dating Mayor Manolet Escalante ng Manapla Negros Occidental kagabi.
Nabatid na dakong alas-10:00 kagabi nang pasabugan ang kanilang compound na una nang pinaputukan ang tinutuluyan ng kanilang mga kasambahay.
Ang pangalawang pasabog ay tumama na sa harapan ng kanilang bahay mismo ngunit sa mabuting palad ay walang natamaan.
Ayon sa dating Mayor, may natanggap itong intelligence report kaugnay sa mga armadong grupo na planong gumawa ng karahasan ngunit ito ay kanyang binalewala dahil wala naman aniya siyang kaalitan.
Naniniwala naman ang alkalde na may kaugnayan sa pulitika ang isinagawang pagpapasabog sa kanyang bahay kahit na ito ay hindi naman tatakbo ngayong eleksyon dahil kilala itong tagasuporta ng kumakandidato sa pagka-gobernador.