Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Humaharurot na dyip tumagilid; 25 sugatan

$
0
0

TINATAYANG 25 ang nasugatan matapos na tumagilid ang isang humaharurot na pampasaherong dyip sa Ortigas Avenue malapit sa Connecticut St., Barangay Wack-wack, Mandaluyong City.

Batay sa salaysay ni Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer Uldarico Testa Jr., bukod sa drayber ng jeep na biyaheng Rosario-San Juan na si Orlando Ortiz, sugatan din ang 24 nitong pasahero.

Nabatid na malubhang nasugatan ang nakaupo sa unahan ng dyip na hindi pa batid ang pangalan dahil sa pagkakaipit matapos bumangga ang sasakyan sa bakal na istraktura ng MMDA bago sumalpok sa puno ng Narra sa center island.

Kuwento ng isang MMDA street sweeper, mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng jeep at muntik na siyang mahagip.

Agad namang dinala sa San Juan Medical Hospital at Cardinal Santos Medical Center ang mga sugatan.

Iniimbestigahan pa ng Mandaluyong City Traffic Police ang insidente.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>