Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

20 menor de edad dinakma dahil sa paglabag sa curfew ordinance

$
0
0

DALAWANGPUNG kabataan na menor de edad ang dinakip ng mga pulis dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 2301 (Quezon City Discipline Hours for Minors) ng lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Quezon City Police District station 3 Talipapa chief Supt. Danilo Mendoza ang mga dinakip na kabataan na may edad 15-taong gulang hanggang 17-taong gulang ay dahil sa ipinatutupad na city ordinance ng lungsod.

Nabatid sa ulat na dakong 3:40 ng madaling-araw dinakip ang mga naturang kabataan sa iba’t ibang barangay ng Brgy. Bahay Toro, Tandang Sora, Baesa, at Brgy. Culiat.

Sinabi ni Mendoza na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng SACLEO (Station Anti Criminality Law Enfrocement Operation) na binubuo ng QCPD station 3 Talipapa, Barangay Public Safety Officer (BPSO) sa iba’t ibang barangay ng lungsod hinggil sa mga menor de edad na pakalat kalat sa kalye sa dis oras ng gabi.

Ayon kay Mendoza ang naturang operation ay bahagi ng kampanya ng PNP at local na pamahalaan ng Lungsod Quezon para maiiwas ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo lalo na dis oras ng gabi.

Agad naman dinala ang mga hinuling menor de edad sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng kanilang mga barangay. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>