Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde

$
0
0

SINABON ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde sa isinagawang general accounting and rank information sa Quirino Grandstand kaninang umaga ang
tinatayang 4,5999 na miyembro ng Manila Police District (MPD).

Partikular na kinastigo ni Albayalde ang mga pulis na tinatawanag na “lubog” o pumapasok lamang tuwing a-kinse at katapusan habang ang iba naman ay palaging nasa abroad.

Isang PO2 Alqueros ng MPD Station 6 na nasa ilalim ni Supt. Olivia Sagaysay ang nalaman na laging nasa ibang bansa at mayroong 11 travel sa abroad, habang hindi umano mahagilap ang isang police officer Diaz ng MPD Station 9 na nasa ilalim ni Supt. Eufronio Obong.

Ang dalawang pulis at kanilang station commander ayon sa heneral ay mananagot sa palpak na performance nina Alqueros at Diaz at maliban dito ay mayroon ding 5 na positibo sa paggamit ng bawal na droga.

Aminado si Albayalde na hindi niya kayang baguhin ang ugali ng lahat ng mga pulis sa Metro Manila ngunit habang sila ay nasa serbisyo ay dapat silang sumunod sa mga polisiya.

Hinimok din ni Albayalde ang mga pulis na magtrabaho bilang team, dahil hindi lamang individual performance ang tinitingnan kundi ang buo nilang hanay.

Kapag aniya pangit ang performance ng isang pulis, ang lahat ay nababahiran ng pagkakamali lalo na at nananaig ang command responsibility sa hanay ng PNP. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>