Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

“Sanglang-tira” Scam, 5 bebot, arestado

$
0
0

LIMANG babae na miyembro ng “Sanlang-Tira Scam” na nagsasabwatan sa pambibiktima sa mga nais magkaroon ng matutuluyang bahay sa pamamagitan ng sangla ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang entrapment operation sa Maynila.

Sasampahan ng kasong syndicated estafa sa Manila Prosecutor’s Office sa mga naarestong sina Melanie Pasai Languido, 55, residente ng Phase 2, Block 28, Lot 41, Pinagsama Village, Taguig City; Catherine Diorda Gumarang, 36, ng Block 19, Lot 15, Phase 2, Brgy. Pinagsama, taguguig; Eufemia Legarda Robles, 60, Block 47, Lot 32, Phase 2, Pinagsama, Taguig; Jelyn palacios Tolete, 45, ng Block 47, Lot 32, Phase 2, Pinagsama, at Olivia Domingo Aquino , 36, ng Block 22, Lot 26, Phase 2, Brgy. Pinagsama, Taguig.

Sa report ni SPO1 Dennis Insierto, dakong 3:35 ng hapon nang ikasa ang entrapment operation sa isang fast food chain sa Ramon Magsaysay Boulevard corner Pureza St., Sta. Mesa, Maynila.

Napag-alaman naman kay District Police Intelligence Operation Unit Chief,Chief Insp. Rosalino Ibay na apat na walk-in complainant ang unang naghain ng reklamo dahil sa panloloko ng mga suspek sa pamamagitan ng online scam na nakatangay na sa kanila ng mula P20,000 hanggang P30,000 kapalit ng mga pekeng dokumento na isinanglang bahay na maaring tirhan bilang interes.

Napaniwala umano ang mga biktima pero nabigo sila makuha ang sinasabing sanglang bahay na itinuturo sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Nagsama-sama naman ang mga biktima at nagdesisyon na maghain ng reklamo laban sa mga suspek kung saan may tatlo pang bagong complainant ang naghain din ng kaparehong reklamo.

Ang huling complainant ay pinagsanglaan ng bahay sa Maynila at hiningan ng downpayment na P20,000 at nang malaman sa ibang biktima ang scam ng mga suspek ay humingi ng tulong sa DPIOU at ikinasa ang entrapment.

Nakipagkita ang biktima sa mga suspek para ibigay P28,000 bayad sa isinasanglang bahay sa isang fast food kung saan dinakip ang 5 babae. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>