Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

BIR exec ninakawan ng 2 caja de yero, P3M kotse

$
0
0

NABUNYAG na dalawang vault o caja de yero na naglalaman umano ng dollar at peso denominations at isang worth P3 milyong brand new Prado car ang natangay ng humigit-kumulang sa anim-katao na nanloob sa bahay ng isang key revenue official ng Bureau of Internal Revenue kamakailan sa Town and Country Subdivision sa Antipolo, Rizal.

Una nang napabalita na pinasok ng mga magnanakaw  ang kuwarto ng isang division chief ng Rentas Internas at umano’y tinangay ng mga ito ang isang caja de yero na naglalaman ng isang imported na baril at hindi matiyak na halaga ng salapi kamakailan sa main office ng BIR sa Diliman, Quezon City.

Ayon sa source, hindi sa opisina ng BIR main office naganap ang nakawan, kundi sa mismong bahay ng biktimang si Cesar Escalada, chief ng Large Taxpayers Regular Division. Si Escalada ay dating assistant revenue district officer sa Pasay City. Naging chief ng Large Taxpayers Division Office sa Makati City at naging LTDO chief sa Cebu City.

Ayon sa source, sadyang hindi inireport sa pulisya ang naganap na nakawan at itinatago ito sa media upang hindi sumambulat at hindi makarating sa kaalaman ni BIR Comissioner Kim Henares.

Ayon sa source, isang van ang ginamit ng sindikato na nagpanggap na magde-deliver ng appliances sa bahay ni Escalada sa Town and Country Subdivision sa Antipolo, Rizal.

Hinihinalang sangkot umano ang isang dating katulong na  diumano’y boyfriend ng isa sa anim na suspect. Matapos umanong bolahin ng mga suspect ang katulong sa bahay ni Escalada, mabilis na naikarga ng sindikato ang dalawang vault – ang isa ay naglalaman umano ng dolyar at ang isa naman ay naglalaman ng Philppine money  na daang-milyong piso umano ang katumbas – kungsaan tinangay din ang kotseng Prado na worth P3 milyon.

Sinabi ng source na wala ang asawa at mga anak ni Escalada sa kanilang bahay nang pasukin ng mga magnanakaw.
Diumano ang buong pamilya nito ay permanente na umanong naninirahan sa ibang bansa at ang naturang opisyal ay isang ‘greencard holder’ o itinuturing na umano’y isang ‘American citizen.’


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129