Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tanod binurdahan, binasag ang bungo, todas

$
0
0

TODAS ang isang barangay tanod makaraang saksakin at basagin ang bungo sa Brgy. Bagong Silao, Dumalinao, Zamboanga Del Sur.

Nabatid na tinadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at basag ang bungo ng biktima na kinilalang si Galabin Gabino Abing, 60, tanod sa nasabing barangay.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang isang Pradel Julito bilang responsable sa krimen.

Personal na galit ang isa sa nakikitang motibo ng mga awtoridad sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima.

Napag-alaman na tinangay pa ng suspek ang dalang baril ng biktima saka tuluyang tumakas.

Patuloy pa na pinaghahanap ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>