TODAS sa aksidente ang isang lalaking pasahero nang mahulog ang sinasakyan niyang Roro bus sa tulay sa Antique, Biyernes ng umaga.
Dead on the spot ang biktimang si Jerian Manalo, walang tiyak na tirahan, sanhi ng pagkaipit ng katawan
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa Calaugan bridge sa may Barangay Malabor, Tibiao, Antique.
Bago ito, patungong Maynila ang bus na minamaneho ni Romel Pandola residente ng Calamba, Laguna, na may sakay na 44 pasahero.
Pagsapit sa naturang tulay, biglang nahulog ang Ceres Bus Lines sa nasabing tulay na may limang metro ang lalim sa may Sitio Calaugan, Brgy. Malabor.
Bukod sa namatay, dalawa pa ang nasugatan at isinugod sa isang ospital sa bayan ng Barbasa habang minor injuries naman ang tinamo ng iba pa na ginamot lang sa Rural Health Unit (RHU) sa Tibiao, Antique.