Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Obrero, patay sa saksak ng mga kasamahan

$
0
0

PATAY na ng matagpuan ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho sa loob ng ginagawang Red Hotel kahapon ng umaga Abril 25, 2018 (Miyerkules) sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Wharen Bucao, 20-anyos, binata, construction worker, helper, tubong Tanauan, Batangas at residente ng Sitio Muzon, Brgy. Puting Kahoy, Cavite.

Ayon sa pulisya si Bucao ay nasawi dahil sa tinamong limang tama ng saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang dalawang suspek na kasamahan sa trabaho ng biktima na sina Melencio Tamang at Dexter Galupo kapwa construction worker at kasalukuyan pinaghahanap ng mga pulis.

SA imbestigasyon ni PO3 Jerome Dollente ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng barracks sa 4th floor ng ginagawang building ng Red Hotel sa no. 4 Pinatubo St., Brgy.San Martin De Porres,Cubao,QC dakong 7:00 ng umaga.

Sinabi ni PO3 Dollente na huling nakitang magkasama ang biktima at ang mga suspek na sina Tamang at Galupo sa barracks ng ginagawang hotel building sa 4th floor dakong alas-3:00 ng madaling-araw.

Matapos ito natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kasamahan na may tama ng saksak sa katawan.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up operation ang mga pulis laban sa dalawang kasamahan ng biktima na itinuturing ng mga pulis na pangunahing suspek sa krimen. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>