Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bulkang Kanlaon muling nag-alboroto

$
0
0

MULING nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng dalawang (2) volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na magdamag kaninang umaga Abril 26, 2018 (Huwebes).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) katamtaman ang pagbuga ng puting usok sa bunganga ng bulkan.

Nabatid sa Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 2 status ang paligid ng bulkan Kanlaon at nanatili ito sa pag-aalboroto na maaaring mauwi sa pagsabog.

Pinayuhan din nito ang local government unit sa paligid ng bulkan at ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng pagsabog.

Nagbabala din ang Phivolcs sa Civil aviation authorities na payuhan ang kanilang mg piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog at maaaring makasama sa eroplano ang mga hazardous na maaaring ibuga ng bulkan.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>