ISANG 59-anyos na negosyanteng babae ang pinasok sa loob ng bahay at binubog bago pagnakawan ng hindi pa nakikilalang mga kawatan lLnggo ng gabi April 29 sa Malabon City.
Agad namang ipinag-utos ni Malabon police Sr. Insp. Carlos Cosme Jr. ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at sa agarang pagkakaaresto nito.
Base sa pinagsamang imbestigasyon nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, dakong alas-6 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay sa Block 41D, Lot 17A, Phase 3 E-2, Brgy. Longos ang biktimang si Fiel Castro, 59 nang pasukin ito ng hindi kilalang suspek.
Kumuha ang suspek ng kahoy at walang sabi-sabing hinataw sa batok ang walang kamalay-malay na biktima upang bumagsak sa sahig ang ginang.
Hindi pa ito nakuntento, hinatak ng suspek sa buhok ang biktima at paulit-ulit na inuntog sa sahig ang mukha nito at tumigil lamang ang lalaki nang hindi na gumagalaw ginang matapos itong magpanggap na patay.
Pagkatapos nito, kinuha ng suspek ang dalawang cellphone na P7,500 ang halaga, cash na pera na aabot sa P10,500 bago lumabas ng bahay at mabilis na tumakas sa hindi amtukoy na direksyon. ROGER PANIZAL