IBINALANDRA sa kalsada ang isang summary execution victim sa Quezon City, kaninang umaga (Abril 13).
Ang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki ay isinilid sa isang kulay itim na plastic bag at itinapon sa kanto ng Tomas Arguelles at Palanza Streets sa Barangay Santol dakong 6 a.m.
Ayon sa nakadiskubreng si Danilo Tibay ng Barangay 586, Sampaloc, Manila, naglalakad siya sa lugar nang makita niyang nakalawit sa itim na plastic bag ang dalawang paa ng tao kaya ini-report niya ito agad sa awtoridad.
Sa pag-iimbestiga ng Scene on the Crime Operatives ng Quezon City Police District (QCPD) sa bangkay ng biktima, lumabas na may senyales na ito ay pinahirapan muna bago pinatay sa sakal base na rin sa nakitang itim na marka nito sa leeg.