ARESTADO sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang notoryus na tulak sa South Cotabato.
Kinilala ang nadakip na si Ronnie Buan, 27-anyos, ng lalawigan at No. 5 sa target list ng ahensya sa lalawigan.
Si Buan ay naaresto sa mismong bahay nito.
Nakumpiska sa suspek ang isang plastic ng shabu, P500 marked money at bala ng .38 baril.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.