ISANG retiradong staff sergeant ng Philippine Army at isang menor de edad na lalaki ang inaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang entrapment operation sa Cotabato City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuli na si dating Staff Sergeant (SSgt) Eric Case, 47-anyos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at residente sa Kalamansig, Sultan Kudarat.
Sina Case at ang 13-anyos na bata ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), sa pamumuno ni Director Yogi Filemon Ruiz sa buy-bust operation sa Purok Sampalok, MB Bagua, Cotabato City.
Nakatakas naman si Amina Guiabar, 50-anyos matapos matunugan na may mga operatiba ng PDEA.
Nakuha kay Case ang may 13 sachet ng shabu.
Nakapiit na ngayon si Case sa PDEA ARMM Jail Facility, sa PC Hill, Cotabato City at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165, sa piskalya.
Nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata.