Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Shabu at baril nasamsam sa 3 katao ng PDEA

$
0
0

SWAK sa kulungan ang tatlong kalalakihan matapos madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang mahulihan ng droga at baril sa operation ng mga awtoridad sa  Isabela.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. nakumpiska ang mga droga at baril sa isinagawang operasyon sa isang bahay sa Purok 4, Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela noong  April 11, 2013.

Nabatid sa ulat na dakong 5:00 ng umaga nang ihain ng grupo ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2), Cauayan at Isabela PNP ang search warrant laban kay Nadir Gasanara, 34, at kapatid na babae nito na si Amina, alias Mina, 31, at nakumpiskahan  ng may limang sachets ng  shabu at mga drug paraphernalia.

Habang tinangka namang tumakas ng isa pang suspek na si Gafor Dima, 19, na palabas ng bahay bitbit ang asul na bag hanggang sa  magkahabulan.

Subalit  nadakip  din ng mga otoridad  si Dima  at  nakumpiska sa  dala nitong bag  ang may  limang gramo ng  hinihinalang  shabu,  isang  kalibre  .22 na  baril na magnum  revolver  at  16  na bala at droga.

Nahaharap ang tatlo sa  kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia),Article II, Republic Act 9165, at karagdagang kasong sa paglabag sa Omnibus Election Code at RA 8294 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) laban naman kay Dima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129