Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Runner ng droga, itinumba sa lamayan

$
0
0

POSIBLE umanong onsehan sa droga ang motibo ng dalawang hindi kilalang kalalakihan matapos nilang pagbabarilin  ang hinihinalang runner ng iligal na droga habang nagsusugal sa isang lamayan ng patay sa Quezon City kananing madaling araw .

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Agnes hospital ang biktima na si Antonio Garcia, 41 anyos, at umano’y kilalang runner ng droga sa Gomez St., Brgy Paltok bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Isinugod naman sa Quezon City General hospital ang mga nasugatang sina Erlyn Agustin, 9 anyos, at Marissa Corpuz matapos silang madaplisan ng ligaw na bala sa kanilang ulo at kanang braso.

Batay sa ulat ni SPO1 Johnny Mahilum ng QCPD-CIDU, nangyari ang pamamaril bandang alas 12:45 ng madaling araw sa isang lamayan ng patay sa Ilagan St. Bgy. Paltok malapit sa nasabing lugar.

Sinasabing kasama noon ng biktima ang kapatid na si Aries at magkasamang naglaro ng sugal na “cara y cruz”.

Batay sa ulat paalis na umano ang magkapatid ng biglang sumulpot ang dalawang kalalakihan bago bigla na lamang pinaulanan ng bala ang nabiglang biktima.

Nagawa pa umanong makatakbo ng may ilang metro ng biktima pero bumulagta rin ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129