Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lupa gumuho, dumadaang trak dumausdos sa dalisdis, 4 todas

$
0
0

APAT katao ang namatay habang 54 naman ang sugatan nang gumuho ang lupa na dinadaan ng kanilang sinaksayang trak bago dumausdos sa isang dalisdis sa Ifugao nitong nakaraang Sabado ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Rodelyn Pumecgoy, 22-anyos, Felix Jude Naila, 32-anyos, Joel Labadao, 21-anyos at Joysler Apuhao, 22-anyos.

Sa mga sugatan, siyam ang nasa kritikal na kondisyon sa pinagdalhang ospital sa Santiago City, Isabela habang ang 45 naman ginagamot sa Mayoyao District Hospital.

Ayon kay Cordillera Office of the Civil Defense (OCD) regional director Andrew Alex Uy, naganap ang insidente dakong 4 p.m. sa may Sitio Linayan, Barangay Nalbu sa Mayoyao, Ifugao.

Bago ito, nagmula ang mga biktima sa isang kasalan sa Barangay Alimit at lulan sa isang trak na pag-aari ni Mayor Ronnie Lumayna.

Pagsapit sa lugar, biglang bumigay ang kalsadang dinadaaan ng naturang trak at dumausdos sa isang dalisdis na 100-metrong talampas o cliff.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>