Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot pinatay ng kalaban sa cara y cruz

$
0
0

NAPIKON sa pagkatalo sa larong cara y cruz kaya nagawang saksakin at patayin ang kalaban nito kagabi sa Sta.Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang kinilala lamang ni Brgy. Chairman Leonardo Dychangco, Jr., ng Brgy.358 one 36 District 3 na alias Mario, walang permamenteng tirahan, tinatayang 45-50 anyos, may taas na 5’5-5’7, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng kulay itim na short pants.

Kinilala naman ang suspek na si Joe Grie Dayao, 45, may-asawa, fish ball vendor ng 2808 Molave St., Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa 2152-A Tomas Mapua St., malapit sa kanto ng Batangas St., Sta Cruz, Manila.

Sa imbestigasyon, naglalaro ng cara y cruz ang biktima at suspek sa isang iskinita sa nasabing lugar hanggang sa matalo ang suspek.

Nang matapos ang laro ay naghiwalay na ang dalawa kung saan umuwi na ang biktima subalit lingid sa kaniyang kaalaman ay sinundan siya ng suspek at dito walang sabi-sabing pinagsasaksak ito sa dibdib.

Nang makitang duguan ang biktima ay agad an tumakas ang suspek dala ng patalim na ginamit.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.


From Male to Female


Arbol genealogico para colorear


Sapos para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


INUMAN QUOTES


RE: Mutton Pies (frankie241)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.5.4 by Vimeo Inc


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Girasoles para colorear


Top 100 Tagalog Love Quotes Collections Online


EASY COME, EASY GO


Re:Mutton Pies (lleechef)


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


FORTUITOUS EVENT