NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang lalaki nang pagsasasaksakin ng kanyang sariling kapatid na kanyang naistorbo sa pagtulog sa Pangasinan kaninang madaling araw (Abril 17).
Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Rodrigo Benitez, 39-anyos, ng Barangay Pangalanan, San Carlos.
Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspect na si Roberto Benitez, 42-anyos.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:15 ng madaling araw sa bahay ng suspect.
Bago ang insidente, nag-inuman ang magkapatid sa bahay ng suspect at dahil nakarami na ng paglaklak ng alak ay nakatulog na sa kalasingan si Roberto.
Pero maya-maya lang ay nagising din dahil sa ingay na nilikha ng sariling kapatid.
Sinita ng suspect ang biktima na humantong sa pagtatalo hanggang sa ito ay pagsasasaksakin ni Roberto bago tumakas.