MISTULANG ginawang pulutan ang isang nene ng apat na kainuman matapos halayin nang malasing sa abandonadong bahay sa Caloocan City Martes ng gabi, Abril 16.
Nadakip naman si Carlo Diega, 19, ng Saguitarious st., Pangarap Village, Tala ng lungsod habang nakatakas ang mga kasamang sina alyas Obat, Kalbo at Ismael.
Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang yayain ng mga suspek ang biktimang edad 12 na makipag-inuman sa isang abandonadong bahay sa nasabing lugar.
Dahil sa mga kalugar ay pumayag ang biktima at nang malasing ay sinumulan halayin isa-isa ng mga suspek.
Nang makauwi ang biktima at nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa Barangay at madakip ng mga tanod si Diega habang nakatakas ang tatlong kasama.