Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bebot tepok sa tarak ng kaalitan

$
0
0

ISANG saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 36-anyos na babae matapos tarakan ng babaeng kapitbahay na nakaalitan nito sa Quezon City, Martes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival ni Dr. Christine Rosende, attending physician sa East Avenue Medical Center ang biktima na si Geraldine Tarictikan, residente ng Santan St., Agham Road, San Roque II, Brgy. Bagong Pagasa, QC dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Agad namang nadakip ang suspek na si Venus Villanueva, 32 at residente rin sa naturang lugar.

Ayon kay SPO3 Jun Mortel ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang pananaksak dakong 6:20 ng gabi.

Naglalakad pauwi sa kanilang bahay si Gil Dela Cruz, live-in partner ng biktima sa lugar nang madatnan niyang nagtatalo ang kinakasama at suspek.

Nagulat na lamang si Gil ng saksakin ng suspek ang kanyang ka-live in na naging dahilan nang pagkamatay nito.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente subalit nadakip din ng mga awtoridad.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>