Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Prince’ of drug sa Iloilo kulong ng 12 taon

$
0
0

NAHATULAN ng 12 hanggang 14 na pagkakakulong ang tinaguriang prinsipe ng droga sa Iloilo City matapos mapatunayang nagkasala sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong  April 12, 2013.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang sentensiyadong si Jhon Rey Prevendido, alias Otoy, 22 anyos, binata ng  Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.

Sa 20 pahinang desisyon ni Hon. Fe Gallon-Gayanilo, Presiding Judge ng  Regional Trial Court Branch 35 sa Iloilo City, na may petsang April 11, 2013, napatunayang nagkasala ang akusadong si Prevendido ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng  Republic Act 9165 at nahatulan itong makulong ng 12 taon at isang araw hanggang  14  na taon at walong buwan dahil naman sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II .

Pinagmumulta ng korte ang akusado ng halagang P500,000 dahil sa pagtutulak ng shabu at P300,000 dahil naman sa pag-iingat ng iligal na droga.

Si Prevendido ay nadakip noong  February 3, 2009, sa isang  buy-bust operation sa isang motel sa Iloilo City kung saan nakuhanan siya ng siyam na sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Nagpahayag ng kagalakan ang PDEA at ang prosekusyon na humawak sa kaso dahil napatunayan nila na matibay ang mga ebidensiyang naihain sa korte laban sa akusado.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>