Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Anak ng kabesa, sugatan sa pamamaril

$
0
0

MASWERTENG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang anak ng isang barangay chairman nang matamaan ng bala sa braso habang sugatan naman ang isang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala makaraang resbakan at pagbabarilin ng amain ng 17-anyos na binatilyo na una umanong minaltrato ng nauna kahapon sa Pasay City.

Kasalukuyang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang sina Roland Laurente Jr., 32, anak ni Barangay Chairman Rolando Laurente ng Barangay 151 Zone 15 at residente ng 321 Edang St., Pasay City, sanhi ng tama ng bala sa kanyang kanang braso at Jose Ronald Luangco, 49 carinderia operator at residente rin sa naturang lugar, sanhi naman ng tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Nadakip naman nina Senior Insp. Rommel Resurreccion, hepe ng Police Community Precinct (PCP)7 ng Pasay police ang menor-de-edad na binatilyo subalit nakatakas na ang kanyang amain na nakilalang si Philip Bendida, dala ang paltik na baril na ginamit sa pamamaril.

Ayon kay PSI Resurreccion, nagulpi ni Laurente Jr. ang binatilyo sa harapan ng Elavil Bus Terminal Edang St bago mag-ala-1 ng hapon matapos silang magtalo kaugnay sa kanilang trabaho bilang mga barker.

Sa halip na magreklamo sa pulisya, nagsumbong ang binatilyo sa kanyang amain na kaagad na sumugod sa lugar, bitbit ang paltik na baril at kaagad na sinapak ang anak ni Chairman Laurente.

Nagtatakbo naman palayo si Laurente Jr. subalit hinabol siya ng suspek at sunod-sunod na pinaputukan ng hawak na armas na nagresulta sa pagkakatama sa braso nito gayundin ni Luangco na nakikiusyoso sa naganap na kaguluhan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129