NILINDOL ng may magnitude 5.1 ang bahagi ng North Cotabato kaninang dakong alas 5:51 ng hapon.
Natukoy ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa layong pitong kilometro sa timog kanluran ng Kidapawan, North Cotabato.
Naramdaman ng mga residente ang pagyanig dahil nasa 10 kilometro lamang ang lalim nito.
Intensity 3 ang naitala sa Kidapawan City, Cagayan de Oro at Davao City, habang intensity 2 naman General Santos City.