INAASAHANG magiging maulan ang ilang parte ng Mindanao bunsod ng low pressure area (LPA) na naaapektuhan ang southern part ng rehiyon.
Ito ang kinumpirma ng state weather bureau ngayong Biyernes.
“Davao Region, ARMM, SOCCSKSARGEN and the Provinces of Agusan and Surigao del Sur will have cloudy skies with light to moderate rainshowers and thunderstorms. Metro Manila and the rest of the country will be partly cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms,” ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Samantala, inihayag din ng PAGASA na asahan na ang mainit na panahon sa Metro Manila na posible pa ring pumalo ang temperatura sa 36 degrees Celsius hanggang sa mga susunod na araw.