NAHULIHAN ng shabu ang isang Nigerian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)Terminal 1 sa Pasay City.
Base sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nakumpiska kay Sandy Michael Owogodore ang may 3.1 kilo ng shabu.
Nabatid na dumating sa NAIA Terminal 1 ang suspek sakay ng Thai Airways flight number TG-624 mula sa Cairo, Egypt.
Nabatid na may reservation din ang suspek sa isang hotel sa Makati.