Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Gingoog City mayor Guingona inambus, sugatan; tsuper, bodyguard, todas

$
0
0

SUGATAN sa ambush si Gingoog City Mayor Ruth Guingona at ang kanyang police escort habang nalagas naman ang tsuper at isang bodyguard nito nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Misamis Orinetal nitong Sabado ng gabi (Abril 20).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng M16 at M14 rifles sa iba’t ibang parte ng katawan ang magkapatid na sina Bartolome at Nelson Velaso.

Si Guingona na idineklara ng mga doctor sa Capitol University Medical Center sa Cagayan de Oro Vity na wala na sa panganib ay nagtamo ng tama ng bala sa iba ibang parte ng katawan pero nakatakda pa rin itong operahan sa kanang tuhod sanhi ng pagkaipit nang bumaligtad ang kanyang sinasakyang van.

Sugatan din sa insidente at itinakbo sa sa Gingoog Sanitarium Hospital ang police escort ni Guingonas na si SP03 Rolando Venirito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Sabado ng gabi sa national highway ng Lower Kapitulangan sa Barangay Binakalan, Gingoog, Misamis Oriental.

Ayon kay Police Supt. Bernardo Mendoza, intelligence officer ng Misamis Oriental police, bago ang insidente ay nagmula ang naturang mayor sa isang coronation night sa pista ng Alagatan sa Gingoog.

Lulan sa Guingona sa kanyang Toyota Highlux van kasama ang ilan pang backup car  nang pagsapit sa Barangay Binalakan ay biglang niratrat ng mga armadong kalalakihan.

Dahil tinamaan ang dryaber, nakabig nito ang manibela kaya bumaligtad ang sasakyan at naipit  ang tuhod ni Guingona na asawa ni dating Vice President Teofisto Guingona at nanay ni Sen. Teofisto  Guingona III.

Samanatala, inamin naman ni North Central Mindanao spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris, na ang kanilang tropa sa Front Committee 4-B ng Misamis Oriental ang gumawa ng nasabing pangyayari.

Nilinaw naman ni Ka Oris na hindi nila tinambangan ang grupo ni Guingona bagkus ang mga police escorts ng opisyal ang unang nagpaputok habang nagsagawa ng checkpoint ang kanilang mga kasamahan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>