NAPISAK ang katawan ng isang ama ng tahanan nang madaganan ng nabuwal na puno ng niyog ang kanilang bahay sa Sarangani province kaninang madaling araw (Abril 21) .
Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Sarabi Andukan, 32-anyos, may asawa at residente ng Taluya, Glan, Sarangani province.
Sa imbestigasyon ng pulisya, mahimbing na natutulog ang biktima at ang kanyang asawa at anak nang biglang matumba ang puno ng niyog at bumagsak sa kanilang bahay.
Bagaman hindi malakas ang hangin kaninang madaling araw, nabatid naman na malapit nng mabuwal talaga sa lupa ang naturang puno ng niyog na 30 talampakan ang taas.
Sa kabutihang palad, swerte naman na hindi tinamaan ang mag-ina ni Andukan.