Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 bebot laglag sa PDEA

$
0
0

DALAWANG kababaihan ang nahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust at search warrant operations sa magkahiwalay na lugar ng Cavite at Davao.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Araceli Paredes, alias Cely, residente ng Caballero Compound, Barangay San Jose, Dasmariñas, Cavite at Dana Mylene Rabadon y Villar, alias Mylene Laguilia, 29 anyos, housewife, ng Purok Talisay 55, Briz District, Barangay Magugpo East, Davao del Norte.

Batay sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng PDEA-RO-NCR sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva ang bahay ni Paredes sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Florencia B. Formes-Baculo ng 4th Judicial Region branch 34, Calamba City.

Nakuha sa bahay ni Paredes ang may 5 gramo ng shabu, isang hindi lisensiyadong Taurus cal. 9mm pistol at 2 magazine na may 30 rounds na bala at dalawang BPI deposit na nagkakahalaga ng P400,000.

Samantalang si Rabadon naman ay nahuli sa isinagawang buy bust operation sa Davao del Norte kung saan nakuhanan siya ng may 33 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P297,000 noong April 17, 2013.

Si Rabadon ang itinuturong supplier ni Onse Arimao, lider ng Arimao Drug group at Alonto Kamsa na kabilang sa watch list ng PDEA sa rehiyon.

Si Paredes ay kinasuhan ng mga paglabag sa  Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, Republic Act 9165,at karagdagang paglabag sa PD 1866 as amended by RA 8294 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) habang paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article, of Republic Act 9165, ang ikinaso kay Rabadon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>