NIYANIG ng 3.7 magnitude na lindo ang Batanes kaninang tanghali Abril 21, 2013 (Linggo).
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol sa kanluran bahagi ng Sabtang, Batanes dakong`12:38 ng tanghali kanina.
Sinabi pa ng Phivolcs na tectonic ang origin ng lindol at ang lalim sa lupa ay 074 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol.
Samantala, nauna rito naramdaman naman ang 2.8 magnitude na lindol sa silangan bahagi ng Jomalig, Quezon dakong 4:31 ng madaling araw kanina.
Sinabi sa ulat na tectonic ang origin ng lindol at 008 kilometro ang lalim sa lupa.