PATAY ang isang vendor makaraaang saksakin ng kanyang nakaalitan sa Malate, Maynila kaninang madaling araw.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles John Duran ng MPD-Homicide Section, naganap ang pananaksak sa biktimang si Michael Moreno, 34, dakong alas 12:00 ng hating gabi ng suspek na si Jesus Lomayno, Jr., 19, na agad naaresto ng mga barangay tanod.
Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang humantong sa pananaksak ng suspek sabiktima.
Naisugod pa sa Saint Claire Medical Center dahil sa malubhang sugat sa dibdib na kanyang tinamo.