Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Driver ng cement mixer pinatawad ng pamilya ng napisak na kolehiyala

$
0
0

MATAPOS mapatawad ang driver ng cement mixer, hindi na rin magsasampa pa ng kaukulang kaso ang pamilya ng namatay na kolehiyala sa aksidente kahapon, Martes sa Quezon City.

Sinabi ni Ginang Sally, nanay ng biktimang si Mary Cherry Inzon, na mas mainam na magpatawad kaysa magdala pa ng sama ng loob habambuhay.

“Mas magaan sa loob to forgive than to keep painfully. Ayaw niyan ng Panginoon. Ang Panginoon nag-forgive, kapapako sa krus,” paliwanag ni Mrs, Inzon.

Si Mary Cherry, graduating student sa Siena College ay namatay sa isang aksidente nang magbanggaan ang  isang rumaragasang cement mixer at isang pampasaherong jeep sa Araneta Avenue.

Nadaganan ang katawan ni Inzon ng cement mixer na naging sanhi ng pagkamatay nito habang pito naman ang sugatan na dalawa sa kanila ay kritikal.

Sa kulungan, humingi ng tawad ang tsuper ng cement mixer na si Reynald Guarte, sa pamilya Inzon at idinepensa na isang aksidente ang lahat.

Nakahanda na ang awtoridad na kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, damage to property at multiple serious physical injuries laban kay Guarte.

Pero sinabi ni Mrs. Inzon na kapag nakapagpatawad ka sa taong nagkasala sa’yo, ang Diyos ang bahala para makalimutan mo ang sakit na dinulot ng trahedya.

“If you know how to forgive people, God will give you the grace na makaahon sa deep hurt (to recover from this deep hurt),” dagdag pa nito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129