TINUTUGIS na ngayon ng pulisya ang isang barangay chairman matapos na takasan nito ang responsibilidad sa pagsagasa sa isang menor de edad sa Caramoan, Camarines Su, Huwebes ng umaga.
Habang ikinasa na ang pagtugis, isinampa na agad ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa suspek na si Woody Lara, incumbent barangay kapitan ng Barangay Daraga.
Nakaburol na ngayon sa kanilang bahay sa Barangay Tawog ang labi ng biktimang si Willie Jay Lopez, 8-anyos na nagtamo ng matinding kapansanan sa ulo.
Sa ulat naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga sa harapan ng isang gasolinahan sa nasabing barangay.
Bago ito, naghihintay ng masasakyan ang biktima at ang kanyang tatay na si William sa tapat ng isang gasolinahan nang bigla itong suwagin ng motorsiklo na minamaneho ni Lara.
Imbes naman isugod sa ospital, inabandona ni Lara ang nasagasaan at tumakas sa hindi malamang direksyon.