Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Truck helper sinaksak ng kabaro dahil sa utang

$
0
0

MALUBHANG nasugatan ang isang 36-anyos na truck helper nang pagsasaksakin ng kabaro nito matapos na nagtalo dahil sa P600 na utang sa Paco, Maynila kaninang umaga.

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Jessie Silveria, may-asawa, at empleyado ng MACSLINK at residente ng 1003 Int., 60 Mendiola Otis Paco, sanhi ng saksak sa kanang bahagi ng katawan at balikat.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Andrade, 37, binata, isa ring truck driver sa nasabi ring kumpaya.

Sa report ni  Supt. Wilson Doromal, hepe ng Manila Police District (MPD)-station 10 (Pandacan), dakong 10:30 ng umaga nang naganap ang insidnete sa Mendiola Extn., Pandacan, Manila malapit sa Coca-cola warehouse.

Nauna dito, pinuntahan ng biktima ang nakaparada nitong truck upang alamin kung may delivery sila nang nakasalubong nito ang suspek na may dalang bag at sinisingil ang inutang nitong P600.

Sinabi ng biktima na nabayaran na nito ang kanyang utang kamakalawa pa na ikinagalit ng suspek kaya kinuha nito ang isang kutislyo sa kanyang bag at sinaksak ang biktma.

Bagama’t may tama, tumakbo papalayo ang biktima subalit hinabol siya ng suspek hanggang sa nadulas at natumba ang una.

Inakala ng suspek na napatay niya ang biktima kay tumakas ito. Nanag makalayo ang suspek pinilit ng biktima na makatayo at umuwi sa kanilang bahay saka itinakbo ito sa ospital.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Sapos para colorear


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>