MAHIGPIT na ipatupad ang curfew poara sa mga minor de edad pagsapit ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.
Mungkahi ito ni Cagayan Rep. Jack Enrile sabay kalampag sa mga Barangay Tanods na unang ipatupad ang local ordinances ukol sa curfews lalo na ngayong nakabakasyon ang mga estudyante.
Labis aniyang naka-aalarma ang mga ulat ukol sa pagkawala ng mga bata lalo na sa National Capital Region na meron ng kasong 36 na nag-eedad 17 pababa.
Naitala ito ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula January 2012 bagama’t karamihan aniya rito ay nakabalik o naibalik na sa kanilang pamilya.
“One can just imagine the fear and anxiety of both the children and parents, who, for unknown reasons, are separated from each other,” ani Enrile.
Ang mga Barangay Tanods aniya ang dapat na magbantay sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat sa mga katulad na insidente.