Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagang ‘police asset’ pinagbabaril, dedo

$
0
0

PATAY ang isang 32-anyos na dalaga na umano’y dating “police asset” nang pagbabarilin ng isang nakamaskarang lalaki sa harapan mismo ng kanyang kasintahan habang papauwi na ang dalawa kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Jocelyn Eugenio, residente ng 2511 Galvez Compound, Aurora St., sa naturang lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo at katawan nito.

Batay sa isinumiteng ulat kay Pasay police chief S/Supt. Rodolfo Llorca, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente ng pamamaril sa kanto ng P.C. Santos at Tolentino St., habang naglalakad pauwi ang magkasintahan.

Ayon sa kasintahan ng biktima na si Peter Gako, 43, family driver, bigla umanong sumulpot ang maskaradong lalaki na walang damit pang-itaas, naka-maong na pantalon at may taas na 5’6, kasama ang dalawa pang lalaki at bigla na lamang pinaputukan ang biktima.

Duguang nakabulagta na ang biktima ngunit nilapitan pa ito ng suspek at patuloy na pinagbabaril upang tiyakin na patay na.

Sinabi naman ni Gako sa pulisya na hinabol din siya ng suspek subalit naubusan na ito ng bala kaya’t tumakas ng palayo sa lugar hanggang maisugod niya sa pagamutan ang kasintahan.

Idinugtong niya na sa loob ng limang taon nilang pagiging magkasintahan, wala siyang alam na kaaway ang biktima bagama’t aminado siya na dati itong nagsilbi bilang police asset at responsable sa pagkakadakip sa ilang malalaking drug pushers sa lungsod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>