TODAS ang isang construction worker matapos makuryente habang nakatuntong sa bakal na scaffolding sa ginagawang palengke sa Valenzuela City Biyernes ng umaga, Abril 26.
Dead on arrival sa Sanctissimo General Hospital si Mario Ramos, 36, ng Rosal st., Karuhatan ng lungsod.
Base sa ulat, dakong alas-7:55 ng umaga, isa ang biktima ang gumagawa sa Save More Market sa Pio Valenzuela st., Marulas at habang nakatungtong sa bakal na scaffolding ay biglang nangisay at bumitin dahil sa safety belt.
Nang makita ng mga kasama ay nilapitan ang biktima subalit nang hawakan ay may dumadaloy pang kuryente sa katawan.
Isa sa mga trabahador ang nagpatay sa switch ng kuryente na naging dahilan upang makalag at madala sa SGH ang biktima.
Isang extention wire ang nakitang nakadikit sa scaffolding na naging dahilan upang makuryente ang biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.