SHOOT sa kulungan ang tatlong carnapper matapos makahingi ng tulong sa taumbayan ang dalawang dancer na biniktima ng mga ito sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Nakilala ang mga suspek na sina Carmelito Feliciano, 18-anyos; Jeffrey Bolivar, 23 at Pierre Angelo Macadangdang, 18, pawang residente ng Bagumbong, QC.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw, sakay ng Mitshukoshi na walang plaka ang dalawang dancer na sina Amiel Jasfer Tacuyog, 22-anyos, ng Sta. Maria, Bulacan; at Janus Jeffrey Gomez, 22, ng Stotsenberg, Caloocan City at pagsapit sa Congressional Village, Bagumbong at hinarang ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.
Pilit na pinababa ng mga suspek sa motorsiklo ang mga biktima at nang may bunutin sa beywang si Bolivar ay pinaharurot na ni Tacuyog ang dalang motorsiklo.
Dumampot ng mga bato ang mga suspek at tinamaan sa hita si Taguyog na naging dahilan upang gumewang at mahulog sa motorsiklo si Gomez na naging dahilan upang magalusan.
Iniwan na ng mga biktima ang motorsiklo at tumakbo hanggang sa makahingi ng tulong sa ilang mga nakatambay sa lugar.
Nang balikan ay naabutan si Feliciano na naging dahilan upang bitbitin sa presinto.
Sunod naman nahuli sina Bolivar at Macadangdang na positibong kinilala ng mga biktima.