BALIK-SELDA na ang dalawa sa limang nakapugang preso sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City. Ito ang kinumpirma ngayon ng Eastern Police District.
Puspusan ngayon ang pagtugis ng pulisya sa tatlong iba pang nakatakas.
Patuloy ang imbestigasyon sa naganap na jail break at inaalam kung may kasabwat na jailguard ang mga tumakas.
Una rito, kahapon ng umaga ng tumakas sa Pasig City Jail ang limang preso.