NAKABINBIN pa rin ang plano ng gobyerno na pagbili ng 12 mga fighter jet plane na gagamitin ng hukbong lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Undersecretary Fernando Manalo, hanggang ngayon ay hinihintay pa rim ang dokumento mula sa gobyerno ng South Korea na gumagarantiya sa kasunduan sa kontrata sa pagbili ng mga jet.
Sinabi pa nito na magiging madali lamang ang naturang proseso kung ang mga fighter jet ay bibilhin sa mismong gobyerno ng South Korea upang magkroon ng government to government transaction.
Nangako naman si Manalo na gagawin ang lahat upang maiayos ang pre-bidding conference upang hindi mabulilyaso pa ang nasabing kasunduan.