Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Ina, 2 anak pinatay saka ibinaon

$
0
0

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng mag-iina na sinasabing pinahirapan at pinagbabaril saka ibinaon sa gitna ng palayan matapos na dukutin ng mga ‘di kilalang lalaki kamakalawa ng gabi, Bgy. San Antonio, Mexico, Pampanga.

Personal na kinilala ni Chairman Rodolfo Villena ng Bgy. Parian ang mga biktimang sina Pacita Villena Limpin, 59; Patrick Limpin, 30; at Christian Paul Limpin, 25, mga nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat, nakatanggap ng text message si Chairman Villena mula sa hindi nagpakilalang residente na matatagpuan ang mga bangkay ng mag-iina sa gitna ng palayan sa Bgy. San Antonio.

Kaagad namang rumesponde ang kapulisan kung saan natagpuan ang pinaglibingan sa mga biktima na nakatali pa ang mga paa at kamay na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na nawawala ang mga biktima noong Biyernes (Enero 16) na sinasabing dinukot ng mga ‘di pa kilalang suspek.

Base sa record ng pulisya, si Christian Paul ay sinasabing isa sa mga suspek sa kasong extortion at nagpakilala pa itong miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB).

Sa ngayo’y patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang mahuli sa lalong madaling panahon ang mga salarin. GARY BERNARDO


Bus terminal pinasabugan, 1 todas, 37 sugatan

$
0
0

ISA ang namatay habang may 37 naman sugatan nang pasabugan ang isang bus terminal sa Zamboanga City kaninang hapon, Enero 23.

Ayon kay Mayor Beng Climaco, wala pang pagkakakilanlan ang namatay habang kumpirmadong isang pulis ang kabilang sa mga sugatan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 3:00 ng hapon sa isang bus terminal sa Bgy. Guiwan, Zamboanga City.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya kung anong klaseng pampasabog ang ginamit ng mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng sa isang nakaparadang kotse nagmula ang pagsabog.

May ilan mga sasakyan din ang nadamay sa pagsabog.

Isa sa sinisilip na motibo ng pulisya ay may kinalaman sa extortion activities. ROBERT TICZON

11 pasahero, nailigtas sa lumubog na barko

$
0
0

NAILIGTAS ang may 11 katao nang lumubog ang sinasakyan nilang barkong sa Oahu, Hawaii.

Nabatid na may lamang 75,000 gallons ng diesel fuel ang naturang barko.

Nagkataong may dalawang barko rin ang nasa vicinity nang marinig ang distress call mulas sa Nalani, isang 95-foot towing vessel.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng paglubog ng barko. MARJORIE DACORO

Guro na naman, natagpuang patay sa Ilocos Norte

$
0
0

PAGUDPUD, ILOCOS NORTE – Isang head teacher ang natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto noong Huwebes ng gabi sa Pagudpud sa nasabing lalawigan.

Sa ulat, ang biktimang nakilalang si Alejandro Malapit, 57, ay natagpuang patay sa kanyang na may palantandaang pinalo sa ulo.

Ang cellphone at motorsiklo ay nawawala at hinala ng mga pulis na pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang.

Sinabi pa ng Pagudpud police na maaaring kakilala ni Malapit ang suspek dahil walang “force of entry” sa kanyang bahay.

“Base sa initial investigation, nawala kasi ang cellphone at kinuha ang motor niya,” ani Pagudpud police chief Senior Inspector Samson Aminstad.

Ang biktima ay head teacher ng isang elemtary school sa lungsod na inakusahan noon sa kasong child molestation. ALLAN BERGONIA

UPDATE: Zambo car bombing, 2 na ang patay; sugatan, 54 na

$
0
0

DALAWA na ang nalagas habang sumirit naman sa 54 katao ng mga nasugatan sa nangyaring pagsabog sa isang bus terminal sa may Bgy. Guiwan sa Zamboanga City nitong Biyernes ng hapon.

Sa kasalukuyan, wala pang pagkakakilanlan ang mga namatay na biktima na nagtamo ng tama ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sinabi ni city health officer Dr. Rodel Agbulos, nadagdagan ang bilang ng mga naitalang nasugatan dahil may mga biktima ang hindi naisama sa kanilang record kahapon dahil maagang pinauwi sanhi ng tinamong minor injuries.

Nakarekober ang pulisya sa pinangyarihan ng isang plate number na maaaring mula sa sumabog na kotse na ipinarada sa tapat ng naturang bus terminal.

Sa mas malalim pang imbestigasyon, lumabas sa record ng Land Transportation Office (LTO) na isang residente ng Parañaque City ang nagmamay-ari ng sumabog na pulang kotse. Inaalam na ngayon ng pulisya kung paano napunta sa lungsod ang kotse na ginamit na car bomb.

Kagabi, isang operasyon ang inilunsad ng pulisya sa Bgy. Cabatangan na target nilang damputin ay ang sinasabing lalaki na siya umanong nagparada ng kotse sa tapat ng bus terminal pero hindi na nila ito naabutan.

Sa halip ay ang misis nito at isang binata ang kanilang naabutan mula sa bahay na siyang isinasailalim ngayon sa tactical interrogation.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung may koneksyon ang pampasabog sa plano Abu Sayyaf Group sa lungsod na itakas ang higit 50 kasamahang nakakulong sa Zamboanga City Reformatory Center.

Dahil sa pagsabog, naka-full alert na ngayon ang kapulisan sa lungsod at maging sa Northern Mindanao. ROBERT TICZON

‘John Prats’ pinatay sa Cebu

$
0
0

BANGKAY na nang matagpuan ang katukayo ni John Prats sa Cebu kaninang umaga (Enero 23).

Nagtamo ng tama ng isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo ang naturang biktima, na isang helper sa isang tindahan sa Bgy. Valladolid, Carcar, Cebu.

Blangko pa ang Carcar-PNP sa kung sino ang bumaril sa biktima at kung ano ang motibo sa pagpatay.

Sa ulat, natuklasan ang bangkay dakong 6 a.m. sa isang nakaparadang trak sa nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Randy Chaves, Carcar City Police investigator, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Gerry Navarro na may taong patay sa driver’s seat ng trak.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at tumambad sa kanila ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Ayon kay Navarro, gagamitin niya ang kanyang minamanehong trak pero nakita niyang may patay sa loob nito.

Itinakbo pa sa Carcar City District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival. ROBERT TICZON

Miyembro ng Sputnik Gang, huli sa tangkang pananaksak

$
0
0

NAARESTO ng Manila Police District (MPD) ang isang 38-anyos na miyembro ng Sputnik gang nang pwersahang pasukin ang bahay ng isang commercial artist at saksakin ito sa Tondo, Maynila.

Hawak ngayon ng MPD-Station 2 ang suspek na si Almendes Monterola, binata, tricycle driver, ng 1133 Esmeralda St., Tondo dahil sa reklamo ni Nilo Dula, 55, may-asawa, ng 1133 Esmeralda St., Tondo.

Sa ulat ni C/Insp. Roberto Mupas, Deputy Station Commander ng MPD-Station 2, dakong 12:00 ng tanghali nang naganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Ayon kay Dula, nabigla ito nang puwersahang pumasok ang suspek sa loob ng kanilang bahay at walang sabi-sabing sinaksak ito, gayunman nakailag ito at nakalabas ng bahay kaya humingi ng tulong sa kanilang barangay na nagresluta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang dalawang screw driver na ginamit sa pananaksak.

Kasong attempted homicide at Batas Pambansa (BP) 6 ang isinampang kaso sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bangkay ng mga nasawing pulis, nasa camp Siongco na

$
0
0

NASA Camp Siongco na sa Maguindanao ang may 29 bangkay ng Special Action Force (SAF) police officers na napatay sa pakikipagsagupaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa ulat, ang mga bangkay ay madaliang dinala sa military camp’s laboratory para isailalim sa awtopsiya at para makuha ang pagkakakilanlan.

Marami pang bangkay ang inaasahang dadalhin din ngayong araw sa nasabing kampo sa mga susunod na araw habang patuloy na naglalatag ng clearing operation sa pinangyarihan ng bakbakan ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon naman sa PNP Autonomous Region sa Muslim Mindanao (ARMM), may 34 na bangkay na ang nakuha sa encounter site.

Samantala, may 11 police officers ang iniulat na nasugatan sa sagupaan at ngayo’y nagpapagaling na lamang sa pagamutan. ROBERT TICZON


8 preso pumuga sa Basilan jail

$
0
0

WALONG preso kabilang ang isang kilabot na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nakatakas sa provincial jail ng Basilan kaninang madaling-araw (Enero 27).

Sinabi ni Basilan Provincial Jail Warden Abdulhusin Atalad, na isa sa mga nakatakas na preso ay si ASG member Said Usman na may kasong kidnapping habang ang iba namang pugante na hindi muna pinangalanan ay may kasong murder, cattle rustling at illegal possession of drugs.

Sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom), nangyari ang jailbreak sa pagitan ng alas-3 a.m. hanggang 4 a.m.

Lumabas sa pagsisiyasat na tinungkab ng mga preso ang kisame ng gusali ng provincial jail sa Bgy. Sumagdang saka dumaan sa bubong at tumalon sa may damuhan.

Hindi naman sinabi pa sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung may kabilang na high risk detainees sa mga nakatakas na preso.

Sa ngayon, tinutugis na ng magkasanib na pwersa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga pulis at mga sundalo para maibalik sa kulungan ang mga presong tumakas.

Kung maaalala, may nangyari na ring madugong jailbreak sa Basilan Provincial Jail noong madaling-araw din ng Disyembre, 2009 na pinangunahan  ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang naturang jailbreak ay nag-iwan ng tatlong patay at may 31 naman ang mga nakatakas na karamihan ay mga Muslim guerrillas.

Kabilang sa mga tumakas noon ay si MILF Commander Laksaw Asnawi na nahaharap sa mga kasong multiple murder at inaakusahang kabilang sa mga namugot ng ulo sa mga sundalong Marino sa may Albarka na hanggang ngayon ay malayang nabubuhay sa lalawigan ng Basilan.

Nagpalabas na ng tracker team ang Basilan Provincial Jail para tugisin ang walong preso. ROBERT TICZON

Lolo, lasog sa tren sa Sta. Mesa, Maynila

$
0
0

PATAY ang 80-anyos na lolo nang makaladkad ng tren ng PNR sa Sta. Mesa, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Alfaldo Catalo, ng nasabing lugar.

Lumalabas na naglalakad ang matanda sa lugar nang makaladkad ng tren na kanyang agad na ikinamatay. GINA ROLUNA

Listahan ng PNP-SAF casualties sa Mamasapano clash, inilabas

$
0
0

INILABAS na ng awtoridad ang listahan ng mga napatay na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa naganap na malagim na misencounter sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Enero 25.

Ang bilang ng mga kaswalidad na umabot ng mahigit 40 ay nakilalang sina:

PS/Insp. Gednat Tabde
PS/Insp. Ryan Pabalinas
PS/Insp. Garamnbas Tria
P/Insp. Rennie Tyrus
SPO1 Lover Inocencio
PO3 Rodrigo Acob, Jr.
PO3 Virgil Villanueva
PO2 Roger Cordero
PO2 Peterson Carap
PO2 Nicky Nacino, Jr.
PO1 Angel Kodiamat
PO2 Glenn Bedua
PO3 Noel Golocan
PO2 Jerry Kayob
PO2 Noel Balaca
PO1 Romeo Cempron
PO2 Joel Dulnuan
PO2 Christopher Lalan
PO2 Walner F. Danao
PO2 Franklin C. Danao
PO2 Omar A. Nacionales
PO2 Godofredo B. Cabanlit Candano
PO1 Russel B. Bilog
PO1 Loreto Capinding
PO3 Junrel Kibete
PO1 Gringo Cayango
PO2 Rodel Ramacula
PO1 Joseph Sagonoy
PO3 John lloyd R. Sumbilla
PO2 Chum Agabon
PO3 Robert Allaga
PO1 Mark Lory Clemencio
PO1 Oliebeth I. Viernes
PO2 Richelle S. Baluga
PO3 Andres V. Duque
PO3 Jedz-in A. Asjali
PO2 Amman M. Esmula
PO3 Victoriano N. Acain
P/Insp. Joey S. Gamutan
P/Insp. John Garry A. Erana
PS/Insp. Cyrus P. Anniban. ROBERT TICZON

Bebot, inutas ng nobyo sa motel

$
0
0

UTAS ang isang 36-anyos na babae matapos tarakan sa likod ng kanyang boyfriend matapos mag-away sa loob ng isang motel sa Quezon City kaninang umaga, Enero 27, 2015, Martes.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Senior Supt. Joel Pagdilao ang biktimang si Vismelyn Jardinel, ng Alapan 2B, Imus, Cavite.

Agad namang naaresto ang suspek na si Genaro Manalo, 29, binata, ng Sitio Matiyaga, Balibago, Lobo, Batangas.

Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, dakong 9:45 ng umaga nang mag-check-in ang dalawa sa Relax Apartelle sa 1128 A. Blvd., cor. EDSA, Bgy. Scorro, QC.

Nabatid na ilang minuto matapos pumasok sa kanilang inupahang kuwarto ang dalawa ay nakarinig na lamang ng pagtatalo at malakas na sigaw ng isang babae ang guwardiyang si Vicente Bea kung kaya’t agad itong ipinaalam sa management ang narinig.

Humingi ng tulong sa pulisya kung saan ay puwersahang binuksan ng mga pulis ang pintuan at dito nadiskubre ang duguang katawan ng biktima sa ibabaw ng kama.

Kaagad na isinugod sa Quezon City Medical Center ang biktima subalit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa kanyang kasamang babae. SANTI CELARIO

Police station 4, hinagisan ng granada

$
0
0

BINALOT ng kaba ang mga pulis at ilang sibilyan sa Quezon City Police District (QCPD) station 4 – Novaliches matapos hagisan ng granada ng riding-in-tandem kahapon ng umaga, Enero 26, 2015 (Lunes).

Nabatid kay SPO4 Ronaldo Segio, desk officer, dakong 11:45 ng tanghali nang pasabugan ng dalawang suspek ang harapan ng Station 4 sa Quirino Highway, Novaliches proper, Bgy. Novaliches.

Matapos ang insidente  ay mabilis sumibat ang hindi nakilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Hindi naman sumabog ang granada na isang MK2 fragmentation grenade subalit naghatid ito ng takot sa mga nakatalagang police personnel at mga bystanders.

Ayon naman kay SPO3 Hernando Cruz ng EOD, ang nasabing MK2 fragmentation grenade ay hindi sasabog dahil sa wala naman itong explosive filler, blasting cap at fired primer.

Dinala na sa tanggapan ng EOD ang granada sa District Public Safety battalion ng QCPD.

Sinisiyasat na ng mga operatiba ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang naturang insidente. SANTI CELARIO

Tandem na viral sa social media video, tiklo ulit

$
0
0

NATIKLO ulit sa panghoholdap, ang isa sa tropa ng riding-in-tandem na sapilitan na umagaw sa cellphone ng isang babaeng estudyante habang kakwentuhan ang kanyang mga kaklase sa Quezon City may ilang buwan na ang nakalilipas.

Sa katunayan, naging viral pa ang nasabing eksena sa social media na nagpapakita sa suspek na si Gilbert Pascogin, 33, sa isang video na siyang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa kanilang pagtakas ng kanyang kasabwat.

Bagama’t itinatanggi ni Pascogin ang akusasyon sa kanya ng biktimang si Jethro Delima, 18, estudyante, hindi na ito nakapalag nang sabihin sa kanya ng Quezon City Police District (QCPD) operatives na positibo siyang kinilala ng kanyang huling biniktimang si Delima.

Bago ito, nagsuplong nitong Lunes ng hapon sa QCPD station 10 si Delima matapos mabiktima ng riding-in-tandem sa kanto ng Sct. Fernandez at Sct. Torillo sa Bgy. Sacred Heart, Q.C. dakong 2:15 p.m.

Ipinakita naman agad kay De Lima ang rogue gallery ng QCPD at sa dami ng mga kriminal at kawatan na ang larawan ay nandoon, agad nakilala ni De Lima si Pascogin na isa sa dalawang suspek na humoldap sa kanya.

Ikinasa naman agad ng QCPD ang isang follow-up operation at natiklo ang suspek sa kanyang bahay sa Bgy. Dela Paz, Antipolo City.

Hindi na nabawi pa sa suspek ang naholdap nito kay De Lima na isang Xiaomi Mi4 cellphone na nagkakahalaga ng P17,500.

Nabatid na nakapagpiyansa si Pascogin kaya nakalabas ng kulungan at luminya ulit sa panghoholdap. ROBERT TICZON

Bigtime tulak dedo, parak sugatan sa buy-bust ops

$
0
0

TODAS ang isang bigtime drug pusher, habang sugatan ang isang pulis at tatlo pang kasamahan ng una ang arestuhin at mauwi sa madugong buy-bust operation makaraang makatunog at makipagbarilan sa mga awtoridad ang mga suspek kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Dead-on-the-spot si Teofilo Pagtabunan, alyas Jojo, isang bigtime pusher, sa #78 Taganahan St., Bagong Bayan, Bgy. North Bay Blvd. South (NBBS) ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman at ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital si SPO3 Amadeo Tayag, miyembro ng District Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) Northern Police District (NPD) sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 sa tiyan.

Samantala, arestado si Stephanie Garcia, 27, ka-live-in ng napatay, Alfredo Diño, 62, alyas Boy at Michael Sulit, 43, pawang kasama sa bahay ni Pagtabunan na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Sa ulat ni PO3 Randulfo Hipolito, may hawak ng kaso, dakong 5:30 ng hapon nang maganap ang madugong buy-bust sa bahay ng mga suspek sa nasabing lugar.

Ikinasa ang buy-bust sa pamumuno ni P/Cinsp. Arnulfo Ibañez ng DAID-SOTG at ni Insp. Edcel Ibasco kung saan isa sa mga tauhan nito ang nagkunwaring bibili ng droga at nang mag-aabutan na ng droga kapalit ng P500 ay nakahalata si Pagtabunan na mabilis na binaril si SPO3 Tayag dahilan upang gumanti ng putok ang mga nakapaligid na pulis na ikinamatay ng pusher.

Matapos ito’y inaresto din ang tatlong kasamahan at nakuha sa mga ito ang isang bulto ng shabu na nakasilid sa isang malaking plastic, isang paltik na kalibre .38 na may anim na bala at isang granada.

Nabatid pa na ang napatay na si alyas Jojo ang responsable sa dalawang beses na paghahagis ng granada noong nakalipas na buwan sa tapat ng Northern Police District (NPD) headquarters. ROGER PANIZAL


Akyat-bahay, itinumba sa Navotas

$
0
0

ISANG miyembro ng Akyat-Bahay gang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad malapit sa kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Yiro Bonita, 18, ng Block 33, Lot 21, Phase 2, Area 2, Tumana, Bgy. NBBS ng nasabing lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa likod na tumagos sa dibdib.

Pinaghahanap naman ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente bitbit ang ginamit na baril.

Sa imbestigasyon, dakong 2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng Block 35, Lot 34, Phase 2, Area 2, Tumana ng nasabing barangay.

Naglalakad umano ang biktima nang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang nakatalikod na si Bonita.

Dalawang basyo ng bala ng baril ang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na tumama at pumatay sa biktima.

Ayon kay Mavotas police chief, S/Supt. Romeo Razon Uy, bata pa lamang  si Bonita ay paulit-ulit na itong tumatakas sa detention cell ng lokal na Social Welfare Department (SWD) ng Navotas City dahil sa dami ng kinakaharap na reklamo ng pagnanakaw at pagpatay. ROGER PANIZAL

3 karnaper, kalaboso sa CCTV

$
0
0

ARESTADO ang tatlong karnaper matapos makilala sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera sa Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang mga suspek na sina Wilmer Opelenia, Louie Banglay at Raffy Camelon.

Ayon sa MPD-ANCAR, unang naaresto kagabi ang suspek na si Opelenia matapos makita sa footage ng CCTV ang kanyang tattoo sa kanyang kanang braso na may tatak na “what would jesus do.”

Sumunod namang natunton ang dalawa pa nitong kasabwat na sina Bangaly at Camelon.

Nabatid na madalas umano ang nakawan ng motorsiklo sa Quirino Ave. sa Maynila kaya naman pinayuhan ng pulisya ang publiko na siguruhing maayos na naka-lock ang kanilang mga sasakyan bago ito iwanan o i-park.

Narekober naman ang isa sa motorsiklo na ninakaw ng mag suspek subalit hindi na kumpleto ang mga bahagi nito.

Ayon sa MPD-ANCAR, ipinapasa umano ng mga suspek ang ninanakaw motorsiklo sa second party na siya namang magpapasa rin sa iba.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek na ngayon ay kapwa nakakulong sa detencion cell ng MPD-ANCAR. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 bomb couriers, todas sa pagsabog sa Pikit Cotabato

$
0
0

TODAS ang dalawang hinihinalang bomb couriers sa pagsabog sa Pikit, Cotabato kagabi, Martes.

Nabatid na sakay ng motorsiklo ang dalawa kung saan dead-on-the-spot ang sinasabing may hawak ng improvised explosive device (IED) na si Asrad Muhammad habang dead-on-arrival sa ospital ang nagmamanehong si Jomar Palaguyan.

Isa pang sibilyan ang sugatan sa insidente habang umarangkada na ang post blast investigation ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team para imbestigahan ang insidente.

Matatandaang isang granada ang sumabog sa bayan din ng Pikit dalawang linggo pa lang ang nakararaan. MARJORIE DACORO

Marwan nasa Lanao – MNLF

$
0
0

MARIING inihayag ng Moro National Liberation Front (MNLF) na mali ang mga intelligence report na natanggap ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa paglusob sa kuta ng mga rebelde sa Mamasapano, Maguindanao para huliin si Zulkifli bin Abdul Hir, alyas Marwan.

Ayon kay Emmanuel Fontanilla, Spokesperson ng MNLF, nasa Lanao si Marwan noong sugurin ng SAF-PNP ang lugar kaya sigurado siyang hindi nila napatay ang terorista.

Kinondena ng opisyal ang polisiya ng administrasyong Aquino na ibinukod ang MNLF sa usaping pangkapayapaan at hindi pinaabisuhan sa isinagawang raid na nagbunga ng masamang insidente.

Maaari umano silang magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad para matukoy ang kinaroroonan ng suspek kapag nakipag-ugnayan lamang sila sa MNLF.

Tinawag din ni Fontanilla na “exclusion and greed combined,” ang nangyari matapos mapaulat na gusto umanong makuha at masolo ng PNP ang reward money na $5-million mula sa US government para mahuli si Marwan at teroristang si Basit Usman. JOHNNY ARASGA

Empleyado ng CENPELCO binaril sa ulo, tigbak

$
0
0

SAN CARLOS, PANGASINAN – Isang empleyado ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa San Carlos sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng San Carlos police ang bitimang si Jose Viray, 40, ng nasabing bayan, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Samantala, agad naman tumakas ang suspek pagkatapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon, sinabi San Carlos deputy of police Chief Insp. Gregorio Abungan, politika ang maaaring motibo ng pamamaril dahil may plano itong tumakbong barangay chairman ang biktima sa kanilang lugar.

Sinabi ng police na papauwi na ang biktima ng harangin siya ng suspek at barilin sa ulo nito.

Hindi na umabot nang buhay sa pinakamalapit na hospital ang biktima.

Sa ngayon nagsasagawa ng immediate arrest at pagkakakilanlan ng suspek. ALLAN BERGONIA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>