Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

DoJ, binulabog ng bomb threat

$
0
0

NABULABOG ng bomb threat ang Department of Justice (DoJ) sa Padre Faura, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon sa isang guwardiya, nakatanggap ng tawag sa telepono na nagbabanta sa mismong Opisina ni Sec. Leila de Lima.

Pasado alas-10:00, Miyerkules ng umaga, nang palabasin ang mga empleyado.

Agad namang rumesponde ang Explosives and Ordinance Division (EOD) ng MPD.

Matapos ang ilang oras ng paghalughog ay negatibo sa bomba ang tanggapan. TERESA TAVARES


Kelot, utas sa tandem sa Caloocan

$
0
0

TODAS ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo habang nakatambay sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City, Martes ng gabi, Enero 27.

Dead-on-arrival sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Virgilio Avelino, 35, ng Phase 4-G, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis sina Joey Cadena at George Bandillo.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, nakatambay sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang dumaan ang mga suspek sakay ng itim na Yamaha Mio kung saan walang salitang pinaulanan ng bala ang nasawi.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa TH ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril. RENE MANAHAN

2 sugatan sa tumagilid na delivery truck sa Skyway

$
0
0

SUGATAN ang dalawa katao nang tumagilid ang isang delivery truck na may kargang mga construction materials makaraang pumutok ang gulong sa bandang hulihang bahagi ng nabatid na sasakyan habang binabagtas ang Skyway Southbound lane, Sucat, Parañaque City kahapon.

Kasalukuyang ginagamot sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Michael Mariano, 32, driver, tubong Tarlac, gayundin ang pahinante nitong si Dennis Bozar, 30, ng #77 Sitio Baesa, Quezon City sanhi ng mga tinamong mga sugat at pasa sa katawan.

Sa ulat ng Skyway Traffic and Security Department head na si Retired General Louie Maralit, alas-6:45 ng umaga nang maganap ang insidente malapit sa Alabang Exit at Viaduct, Southbound, Sucat,
Parañaque.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas umano ng isang 6-wheeler truck na may plakang ZGH-447 na minamaneho ni Mariano ang kahabaan ng Skyway Alabang Southbound at pagsapit sa exit ng Alabang Viadict ay biglang pumutok ang kanang gulong sa likuran hanggang sa tumagilid sanhi ng pagkakasugat ng driver at pahinante nito.

Hinihinalang overload ang naturang truck dahil punong-puno umano ito ng mga construction materials na sana’y idedeliber sa Batangas nang maganap ang insidente. JAY REYES

No. 2 most-wanted sa Caloocan, nadakip na

$
0
0

NADAKIP na ng mga pulis ang pangalawa sa kanilang listahan ng most-wanted sa Caloocan City, Martes ng hapon, Enero 27.

Kinilala ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, ang nadakip na si Emiliano Caina, 49, ng Tullahan Road, Sta., Quiteria ng lungsod.

Nabatid na nagbaba ng warrant of arrest si Judge Remigio Escalada Jr., ng RTC Branch 123, laban sa suspek ng kasong murder.

Dahil may direktiba sa mga pulis na hulihin ang mga nagtatago sa batas ay hinagilap ang suspek hanggang sa matiyempuhan sa nasabing lugar alas-5 ng hapon.

Hindi na nakapalag ang suspek nang ihain ang warrant of arrest kung saan lumalabas na sangkot din ang una sa bentahan ng droga sa nabanggit na lugar. RENE MANAHAN

Hipag, dedo sa pulis-Maynila

$
0
0

PATAY ang isang 34-anyos na umano’y police asset nang barilin ng isang pulis-Maynila habang nanonood ng cara y cruz sa isang lamayan sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Daniela Dela Cerna, may-asawa, ng 835 Geronimo St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kanang bahagi ng mukha.

Kusang loob namang sumuko kay Supt. Jackson Tulliao, Hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 2 ang itinurong suspek na si PO1 Ronald Balcos, 31, nakatalaga sa Asuncion Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Station 2.

Sa report ni SPO3 Jonathan Bautista ng MPD-homicide section, dakong 10:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa isang lamayan sa Geronimo St., Sampaloc, Maynila.

Nauna rito, nanonood umano ng cara y cruz ang biktima nang lapitan siya ng suspek at barilin subalit daplis lang ang tama sa kanyang mukha kaya tumakbo ito at pumasok sa loob ng isang bahay sa 835 Geronimo St. compound.

Sinundan umano siya ng suspek at doon muling binaril.

Sinasabing isang Randy Didoy, 31, ng nasabi ring compound ang tinamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc.

Ayon kay Insp. Steve Casimiro, Hepe ng MPD-homicide section, pinaniniwalaang nag-ugat ang krimen nang maghinala ang suspek na ang biktima ang sanhi ng pagkakaaresto sa kapatid ng suspek.

Ayon pa kay Casimiro, hipag umano ng suspek ang biktima.

Tikom din ang bibig ng suspek hinggil sa insidente na kasalukuyang nakadetine sa MPD-homicide section. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rest house ng ex-TESDA director, muling nilooban

$
0
0

TINATAYANG halos P100,000 ang natangay ng mga magnanakaw  makaraang muling looban ang isang resto house ng dating TESDA Regional Director sa Sariaya, Quezon.

Nabatid na nilooban ng hindi pa matukoy na mga salarin ang rest house na pag-aari ng dating TESDA Regional Director na si Emmanuel Sotto Isaac, 70.

Natangay ng mga suspek ang isang horse power motor pump na mayroong pressure tank na nagkakahalaga ng P12,000; personal freezer na nagkakahalaga ng P10,000; LPG tank na mayroong dalawang burner na nagkakahalaga ng P2,000; isang rice cooker na nagkakahalaga ng P600; isang casserole na nagkakahalaga ng P200; iba pang kitchen utensils na nagkakahalaga rin ng P500; isang wall clock na nagkakahalaga ng P120; dalawang piraso ng gulong na nagkakahalaga ng P5,000; iba’t ibang mga tools na nagkakahalaga ng P15,000; dalawang spray gun heavy duty na nagkakahalaga ng P7,000; tatlong cooler ice cream na nagkakahalaga ng P33,000; dalawang amplifier na nagkakahalaga ng P5,000 at isang jacket na nagkakahalaga ng P3,500.

Noong nakaraang taon ay nilooban na rin ang nasabing resthouse kung saan libu-libong halaga rin ng mga gamit ang natangay. MARJORIE DACORO

2 tigbak sa pamamaril sa Tondo

$
0
0

PATAY ang isang tricycle driver at isang sekyu sa naganap na pamamaril sa Moriones, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, unang binaril ng hindi pa kilalang suspek ang driver na si Fernando Gloria, na isinugod sa Mary Johnston Hospital dahil sa tama ng bala sa katawan, pero namatay bago pa sumapit sa pagamutan.

Sunod nito, tumakbo sa Pinoy Lodge ang suspek at nakabarilan at napatay naman ang guwardyang si Justini Garido.

Hindi pa malinaw ang motibo sa insidente at patuloy pa ring iniimbestigahan at tinutugis ang suspek. JOHNNY ARASGA

Bangkay ng mga napatay na PNP-SAF, dadalhin sa Villamor Airbase

$
0
0

DADALHIN na ngayong araw sa Maynila ang bangkay ng higit 40 PNP-SAF commandos na napatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay PNP Deputy Spokesman, Sr. Supt. Robert Po, bibigyan ng full military honors ang mga namatay na SAF paglapag sa Villamor Airbase.

Sasalubungin din ang mga ito ng mga opisyal ng pamahalaan.

Dalawang araw naman silang ibuburol sa Camp Bagong Diwa. Inaayos na ang mga bulaklak at markado na rin ang paglalagyan ng kanilang mga kabaong.

Miyerkules nang bigyan ng 21-gun salute habang inililibing si PO3 Jedz-in Asjali sa Zamboanga City.

Iniuwi na rin sa Zamboanga del Sur ang labi ni PO3 Amman Esmula. JOHNNY ARASGA


7 gangsters, natiklo sa QC hideout

$
0
0

NAKUWELYUHAN ng pulisya kaninang madaling-araw (Enero 29) ang pitong miyembro ng isang kilabot na gang na sangkot sa gunrunning, drug trafficking, robberies at hired killings sa Quezon City.

Sinabi ni Chief Inspector Elizabeth Jasmin, public information officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang mga suspek na hindi muna pinangalanan ay nahulihan ng apat na kalibre .45 pistol, dalawang kalibre .38, isang kalibre .22, isang granada, mga bala at shabu.

Sa ulat, inilatag ang pagsalakay dakong 5:30 a.m. sa hideout ng mga suspek sa NAPOCOR Compound sa BIR Rd., Bgy. Central, Q.C.

Bago ito, isinilbi aniya ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang arrest warrant na ipinalabas ni QC Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Fernando Sagun, Jr., laban sa mga suspek dahil sa pagtatago ng mga armas sa kanilang hideout.

Nabulaga naman ang mga suspek at hindi na nakapalag pa nang mapaligiran ng kapulisan ang kanilang lungga.

Ang mga naarestong suspek ay konektado aniya sa Tala crime group, na kaya tinawag sa bansag sa kanila ay dahil madalas silang nag-ooperasyon sa Tala, Caloocan City pero ang hideout nila ay sa Q.C. ROBERT TICZON

2 kritikal sa kasugal

$
0
0

KRITIKAL ang dalawang lalaki matapos pagsasaksakin ng kasugal na naghihinala na pinagkakaisahan ng mga una habang nagto-tong-its sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Enero 29.

Ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng saksak sa katawan sina Rolly Boy Maayon, 28, at Ronald Medenilla, 36, kapwa ng Baltazar St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Botchok.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw ay kasugal ng suspek ang mga biktima sa Esguerra St., ng lungsod kung saan natatalo na ang una.

Naghinala ang suspek na nagkakampihan ang mga biktima kaya siya natatalo hanggang sa hugutin ng una ang dalang patalim at magkasunod na undayan ng saksak ang dalawang kasugal.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa CMC ang mga biktima. RENE MANAHAN

Granada sumabog malapit sa MPD-PS7, 1 pang granada natagpuan

$
0
0

ISANG granada ang sumabog malapit sa istasyon ng pulisya ng Manila Police District (MPD) – Station 7 sa Abad Santos, Maynila ngayong umaga.

Bunsod nito, nagdulot ng tensyon sa lugar lalo pa’t may isa pang granada ang natagpuan sa ilalim ng isang nakaparadang kotse sa lugar.

Na-disrupt naman ang nasabing granada na huling nadiskubre matapos rumesponde ang mga tauhan ng MPD-Bomb Squad and Explosive Division.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagsabog.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente habang inaalam na rin kung sino at ano ang motibo sa paghahagis ng granada sa nasabing himpilan ng pulisya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Drug pusher, tigbak sa raid

$
0
0

NAMATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang tumalon sa ikalawang palapag ng kanilang bahay habang isinisilbi sa kanya ang warrant.

Ayon pa kay PDEA Davao region Director Emerson Rosales, iaabot sana nila ang search warrant sa suspek na kinilalang si Ador Albao Mano, ng Purok 13 Tibungco nang bigla na lamang itong tumalon mula sa ikalawang palapag.

Sinasabing bangkay na nang marekober ang katawan ni Mano na posibleng nabagok sa pagtalon mula sa 2nd floor.

Dagdag pa ni Rosales, nakuha sa bahay ng suspek ang higit 100 gramo ng shabu at marijuana, lighter, mga bala, salapi, mga armas gaya ng kalibre .45 at 38, automatic uzi at granada.

Napag-alaman mula sa opisyal, na sa bahay ng suspek pumupunta ang mga drug pusher na mula sa ilang barangay sa siyudad gaya ng Tibungco, Sasa, at Boulevard para kumuha ng suplay at sa bahay rin ng napatay na suspek sila nagsasagawa ng pot session.

Katuwang ng PDEA sa isinagawang operasyon ang Bunawan PNP, CIDG, Maritime Police at SOCO. JOHNNY ARASGA

Cebu Pacific, nagmulta ng P52M sa naaberyang Christmas flights

$
0
0

NAGMULTA ang Cebu Pacific ng P52-milyon sa pamamagitan ng manager’s check sa Civil Aeronautics Board (CAB).

Ito’y sa kabila ng una nilang pahayag na maghahain sila ng mosyon para kwestyunin ang milyon-milyong multa.

Matatandaang pinagmulta sila dahil sa mga delayed at kanseladong flight noong kasagsagan ng Christmas rush.

Ibinase ng CAB ang multa sa formula na P5,000 kada pasaherong naabala sa mga naantalang biyahe noong Disyembre 24 hanggang 26.

Idiniretso naman sa National Treasury ang ibinayad.

Samantala, maaari nang lumapit ang mga naabalang pasahero sa Cebu Pacific para magpa-refund o rebook ng kanilang nakanselang mga flight. JOHNNY ARASGA

Makupad na snatcher, kalaboso

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang kilabot na snatcher matapos hablutin ang mamahaling cellphone ng isang babae sa Quezon City kagabi, Enero 29, 2015 (Huwebes).

Kinilala ang suspek na si Anthony Concepcion, 30, binata, vendor, ng 57 Purok 12, Bgy. Commonwealth, Batasan, QC.

Nagharap ng reklamo ang complainant na si Jennelyn Culamar, 28, dalaga ng 63-A Interior 5 Banahaw St., Bgy. San Martin de Porres, Cubao, QC.

Ayon kay PO1 Bryan Busto ng Quezon City Police District (QCPD) station 10 – Kamuning, nadakip ang suspek sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) Diliman, QC dakong 8:30 ng gabi.

Sinabi sa reklamo ni Culamar na naglalakad siya sa loob ng QC Memorial Circle nang pwersahang hablutin ang kanyang IPhone 4 na nagkakahalaga ng P20,000.

Agad nagsisigaw ang biktima na nakatawag naman ng pansin sa security guard ng parke na si Fratuso Taguilid at nadakip ang suspek.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong robbery snatching. SANTI CELARIO

Kelot, dakip sa rape sa Pampanga

$
0
0

ISANG lalaki ang arestado sa kasong rape sa bayan ng San Fernando, Pampanga.

Sa ulat sa tanggapang ni P/Ssupt. Rodolfo Recomono, Jr. PPO provincial director, kinilala ang nasabing suspek na si Remnan Baluyut, may asawa, ng  Bgy. Dolores.

Dakong 9:10 ng gabi ng isagawa ang manhunt operation at hindi na nakapalag pa ang suspek nang ihain dito ang kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Hon. Adelaida Ala Medina, ng Regional Trial Court Branch 45, ng City of San Fernando, Pampanga na may nakarekomendang piyansang P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kanyang kaso.

Sa ngayon ay nakakulong na si Remnan sa san Fernando municipal police station. GARY BERNARDO


P50-milyong halaga ng shabu nakumpiska sa QC, 4 arestado

$
0
0

AABOT sa P50-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos madakip ang apat katao sa isang buy-bust operation sa Quezon City kaninang umaga, Enero 30, 2015, Biyernes.

Kinilala ni Quezon City Police District director Senior Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng 144 Reyna Regente St., Binondo, Manila; Zhi Gui Wang, Filipino Chinese, Buddhist, 32, tubong Fu Jiang China, ng Cubao, QC; Al-Insan Pangandag, 26, Filipino, tubong Marawi, ng Block 9, Lot 1, Santan St., Dasmariñas, Cavite; at Michelle Permali, Filipino, 30, dalaga, ng Samuel St., Bgy. Bungad, QC.

Ayon kay Insp. Maricar Taqueban, Public Information Office (PIO), nadakip ang mga suspek sa Alvero St., malapit sa kanto ng Katipunan St., Bgy. Loyola Heights, QC sa harap ng Shakey’s Restaurant dakong 7:45 ng umaga.

Sinabi sa ulat na nadakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation ng mga operatiba ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs sa pangunguna ng hepe nitong si C/Insp. Roberto Razon.

Nabatid sa ulat na naglunsad ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa mga suspek matapos pagbilhan ng dalawang kilong shabu ang isang police poseur buyer ng halagang P3-milyon.

Matapos iabot ang droga ay agad dinakip ang mga suspek at nakumpiska pa sa mga ito ang walong supot ng tig-iisang kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng isang itim na paper bag sa loob ng isang sasakyan na Ford Focus (AAO-7880).

Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang isang Mazda 6 na gray (SXM-908) AT Toyota Altis na silver (AAX-1689).

Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs. SANTI CELARIO

Ama, tinaga ng anak na may sayad

$
0
0

SUGATAN ang isang 47-anyos na ama ng tahanan nang saksakin ito ng kanyang sariling anak na may sakit umano sa pag-iisip makaraang sabihan umano siya ng nauna na huwag ng magpuyat at matulog na nang maaga habang nagte-text ang biktima kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Rommel Villanuac, 47, mananahi, ng 613 Teacher’s Bliss Condominium 1, Bgy. 201, Merville ng naturang lungsod, sanhi ng tinamo nitong ilang saksak sa katawan buhat sa isang kutsilyo.

Nakatakda namang dalhin sa mental institution ang suspek na si Martin Villanuac, 23, ng naturang lugar.

Sa isinumiteng ulat kay S/Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya Villanuac.

Sa halip umano na sumunod sa utos ng ama ay nagpunta ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo hanggang pagtatagain ang kanyang ama.

Matapos ang pananaksak ay agad namang dinala ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital. JAY REYES

Bebot todas, sa proposal ng nobyo

$
0
0
TODAS ang isang babae makaraang tumalon sa cliff nang mag-propose ng kasal ang kanyang kasintahan sa Spain.
Nabatid na nasawi si Dimtrina Dimtirova, 29, nang atakihin sa puso matapos tumalon umano sa 65-foot cliff.
Nadala pa ito sa pagamutan pero sinawimpalad na masawi.
Dumating ang kasintahan ng biktima sa Ibiza dalawang araw bago ang insidente.
Naulila ng biktima ang dalawang anak nito na edad 5 at 6. MARJORIE DACORO

P28M naabo, sa CDO Hall of Justice

$
0
0
MAHIGIT P28-milyon ang naitalang danyos sa pagkakasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes St., Cagayan de Oro City kagabi.
Nabatid na umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nasabing tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay BFP District Fire Marshall Supt. Shirley Teleron, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na electrical short circuit ang isa sa posibleng dahilan sa pagsiklab ng apoy.
Kasalukuyan namang inaalam ang ulat na mayroong dalawang katao ang missing matapos ang malaking sunog.
Una nang nakitang nagsimula ang apoy sa mismong tanggapan ni Regional State Prosecutor Jaime Umpa na sinasabing siyang may hawak ng kontrobersyal na extra judicial killings na kinasasangkutan ng apat na akusadong mga pulis at isang abogado.
Isinara naman ang compound ng hall of justice dahil maraming nakatambak na ebidensyang baril at granada ang nakadeposito sa magkaibang korte. MARJORIE DACORO

2 tigok sa pagbagsak ng Air Force training plane sa Batangas

$
0
0
NAMATAY ang dalawang sakay ng two-seater plane na bumagsak sa Nasugbu, Batangas.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Air Force (PAF), isa sa kanilang training plane mula sa Lipa ang nag-crash.
Isa ito sa tatlong eroplanong may training flight sa lugar.
Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon hinggil dito. JOHNNY ARASGA
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>