Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

2 piloto lagas sa airplane crash

$
0
0

NALAGAS sa isang malagim na trahedya ang dalawang piloto nang bumagsak ang eroplanong kanilang pinapalipad sa Batangas province kaninang umaga (Enero 31).

Hindi naman pinangalanan pa ang dalawang biktima dahil uunahin munang ipaalam sa kani-kanilang pamilya ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa karagatan na may 300 metro ang layo mula sa Bgy. Bucana, Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bago ang insidente ay nagsasagawa ng aircraft formation training mission ang tatlong two seater plane ng Philippine Air Force (PAF) bilang pagdiriwang ng 70th Liberation Day ng Nasugbu, Batangas.

Pero habang nasa gitna aniya ng palabas sa kalawakan, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang bumulusok sa karagatan ang isa sa tatlong PAF plane na SF-260FH Nr 1034 na pinapalipad ng dalawang biktimang piloto.

Nagpadala naman agad ang awtoridad ng mga helicopters mula sa Villamor Air Base sa lugar ng pinagbagsakan ng eroplano pero kapwa wala ng buhay nang matagpuan ang dalawang piloto.

Umalis aniya ang naturang eroplano sa Fernando Air Base sa Lipa City dakong 9:07 a.m., para maglatag ng 3-aircraft formation training mission. ROBERT TICZON


Holdaper dakip sa ng biniktima

$
0
0

KALABOSO ang isang binata matapos madakip ng kuya ng biniktimang dalaga sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Enero 31.

Nakilala ang suspek na si Marvin Calimbas, 33, ng Sta. Cecilia Capitol Parkland, Camarin ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Maria Majorie Magpayo, alas-11:30 ng umaga ay nakatayo siya sa tapat ng kanilang barber shop sa St. Isabel St., Capitol Parkland, Camarin ng lungsod nang lapitan at tutukan ng balisong ng suspek.

Kinuha ng suspek ang dalang pouchbag ng biktima na naglalaman ng P3,700 at mga kolorete sa mukha bago tumakas ang una.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang kuya ng biktima na agad na sinabi ng dalaga ang pangyayari.

Agad na umalis ang kuya ng biktima na naka-motorsiklo at nilibot ang nasabing lugar hanggang sa makita ang biktima na naglalakad habang bitbit ang bag ng biktima dahilan upang harangin at kumprontahin.

Nagawang madakip ng kuya ng biktima ang suspek at nabawi ang bag ng dalaga habang dinala sa presinto ang suspek na nakuhanan ng balisong. RENE MANAHAN

18 MILF, nalagas sa Mamasapano misencounter

$
0
0

INANUNSYO kaninang umaga (Enero 31) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na umabot sa 18 ang nalagas sa kanilang hanay sa sinasabing misencounter sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Enero 25.

Ito ang kinumpirma ni MILF chief peace negotiatior Mohagher Iqbal, sa isang joint press conference ng MILF at ng Philippine government sa Palace of the Golden Horses sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Sabado.

“The Bangsamoro people has also suffered a lot in the conflict in Mindanao as a result of several massacres in various parts of the Bangsamoro,” aniya bago ianunsyo ang bilang ng nasawi at sugatan sa kanilang hanay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mahmod Saga Monib, Salahudin Salindato, Esmail Abid, Abdorahim Abdila, Qur’an Reciter, Daglala Kamed, Ali Esmail, Musib Hasim, Omar Dagadas, Rasul Zukarnin, Mamarisa Omar Batrudin Langalen, Gibinun Angkay, Suweb Kemod, Nasrudin Saptulla, Salahudin Salindatu, Mahmod Salah, Kaharudin Baluno at Abdulrahim Abdullah.

Sugatan naman sa kanilang hanay ay sina Ali Surab, Zainudin Lampak, Salahudin Kunakon, Zumaidi Untong, Jomar Zailon, Abdulgani Ramos, Hamza Lampak, Joel Guiman, Abdulmaguid Pindi, Norhak Sekak, Saad Saya, Ketay Muhammad, Mustapa Pindi at Mahmod Lumbatan.

“It was a pure and simple misencounter. The operation was intended to BIFF which is coddling Marwan and Basit Usman,” dagdag pa ni Iqbal.

Nagpaabot din naman si Iqbal ng kanyang pakikiramay sa 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) na napatay sa naturang engkwentro. ROBERT TICZON

Binata kalaboso sa panghahalay ng dalagita

$
0
0

KULONG ang isang binata matapos ireklamo ng panghahalay ng dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Enero 30.

Mahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Adrian Alan, 24, ng Del Mundo St., ng lungsod.

Sa reklamo ng biktimang edad 15, alas-8 ng umaga nang ayain siya ng suspek sa loob ng kanilang bahay upang kumain.

Dahil kilala ay pumayag ang biktima subalit pagsapit sa loob ay sapilitan hinalay ang una at dahil malakas ang suspek ay nagawa ang panghahalay.

Nang makauwi ay nagsumbong sa mga magulang ang biktima na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek. RENE MANAHAN

Dalagita nabuntis sa panggagahasa ng amain

$
0
0

DAHIL sa paglaki ng kanyang tiyan, hindi na naitago pa ng isang dalagita ang panggagahasa sa kanya ng amain sa Iloilo.

Ayon sa 16-anyos na biktima na ngayon ay apat na buwang buntis, ginahasa siya ng kanyang amain na hindi nakuha ang pangalan noong nakaraang Setyembre habang wala ang kanyang nanay sa kanilang bahay.

“Hindi na ako nagsumbong kay mama natakot ako na baka ako saktan niya” pahayag ng biktima.

Noong una aniya ay wala siyang pinagsabihan sa kanyang naging karanasan hanggang mahalata ng kanyang mga kamaganak na lumalaki ang kanyang tiyan nang minsan ay magbakasyon siya sa bahay ng kanyang tiyahin.

Tinanong siya ng kanyang tiyahin kung bakit malaki ang kanyang tiyan ngayon at nang tanungin ulit siya nito kung siya ay nagdadalantao, tumango ang dalagita.

“Tinanong ko pa kung ilang buwan na siya hindi dinatnan, sinagot niya ako na tatlo. Sabi ko sino yung Tatay at sinagot niya akong si Tito,” pahayag ng tiyahin ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng hiwalay na ang mga magulang ng biktima at nagpaksal ulit ito sa suspect na humalay naman sa dalagita.

Inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa suspek na ngayo’y nakakulong na sa Iloilo City police Office detention cell. ROBERT TICZON

Japanese hostage na pinugutan ng ISIS, inaalam

$
0
0

INAALAM pa na ng pamahalaan ng Japan kung ang kanilang kababayan na si Kenji Goto ang laman ng video na inilabas ng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Makikita sa footage ang pugot na ulo ng isang lalaki at katawan nito.

Si Goto, 47, isang freelance journalist at film-maker ay nagtungo ng Syria noong Oktubre 2014.

Ang video ay isinapubliko ng mga militante, halos isang linggo makaraang pugutan din ang isa pang Japanese hostage na si Haruna Yukawa.

Matatandaang nag-demand ang ISIS ng $200-million na ransom para sa dalawang bihag ngunit hindi ito sinang-ayunan ng Japanese government. JOHNNY ARASGA

74 dayuhan, nasakote sa iligal na pagtatrabaho sa bansa

$
0
0

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 74 na dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.

Kabilang sa mga inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ay Chinese, Korean, Taiwanese, Thai at Indonesian nationals na nagtatrabaho sa isang BPO company sa Makati City.

Lumalabas sa verification ng immigration na 58 sa mga dayuhang ito ay mayroong hawak lamang na tourist visa at pinalaya na rin ang 16 na iba matapos magpakita ng valid visa sa ilalim ng Cagayan Special Economic Zone Act. JOHNNY ARASGA

Tangkang pagpapakamatay, naudlot sa naputol na lubid

$
0
0

SOLSONA, ILOCOS NORTE – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang empleyado ng isang kumpanya nang maputol ang tali na kanyang ginamit sa pagpapakamatay sa loob ng kanilang tanggapan sa Solsona, sa nasabing lalawigan kaninang umaga, February 1.

Kinilala ni Solsona police commander S/Insp. Leonardo Tolentino ang biktimang si Eric Tomas, 37, ng Bgy. Barcelona, ng nasabing bayan at empleyado ng isang farm supply.

Ayon sa pulisya, si Tomas ay magpapakamatay umano sa pamamagitan ng pagbibigti ngunit himalang naputol ang lubid na kanyang ginamit at bumagsak sa sahig.

Sa pangalawang pakakataon, uminom ng insecticide ang biktima ngunit naagapan ito dahil naitakbo siya agad sa town Rural Health Center ng Solsona.

Napag-alaman ang dahilan ng kanyang naudlot na pagpapakamatay ay problema sa collection sa kanilang opisina.

Sa ngayon ay nagpapagaling si Tomas sa kanilang bahay. ALLAN BERGONIA


Army vs ASG sa Sulu, sundalo patay, 4 sugatan

$
0
0

ISANG Army Scout Ranger ang namatay habang apat ang sugatan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Philippine Army at Abu Sayyaf sa Sulu.

Base sa Twitter post ni  Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs head Lt. Col. Harold Cabunoc, naganap ang sagupaan bandang alas-4:00 kahapon.

“A Scout Ranger paid the ultimate sacrifice while four others were wounded in a fierce gun battle with ASG bandits in Sulu at 4p.m. today,” ani Cabunoc.

Nalagasan din ang Abu Sayyaf bandit ng isang kasamahan habang isa ang sugatan.

Ayon kay Cabunoc, malalaman ang pangalan ng nasawi at mga sugatan pagkatapos ng clearing operations.

Maalalang noong Linggo naganap din ang madugong sagupaan sa pagitan ng Special Action Force ng PNP at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 troopers. MARJORIE DACORO

Mag-ina tepok sa pamamaril sa Pangasinan

$
0
0

PATAY ang mag-inang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Binawian ng buhay ang mga biktima na sina Virginia at Benjamin Macarang.

Nabatid na madaling-araw nang umalis ang mag-ina sa kanilang tahanan upang magtungo sa Tarlac para mamili ng mga gulay at prutas na ibebenta sa mga bahay-bahay sa kanilang lugar.

Walang kamalay-malay ang mga biktima na sinundan sila ng apat na lalaking lulan ng motorsiklo at hindi pa man nakalalayo ang mag-ina ay pinagbabaril na ang mga ito.

Tinamaan ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang walong basyo ng kalibre .45 na baril.

Napag-alaman ding nawawala ang wallet ni Benjamin na naglalaman ng P5,000. JOHNNY ARASGA

Pulis, tinumba sa pag-uwi ng labi ng SAF member sa Mt. Province

$
0
0

NILAPATAN ng lunas sa ospital ang sugatang pulis na nagsisilbing overseer sa area para sa iuuwing mga labi ni PO3 Noel Golocan na isa sa mga napatay sa Mamasapano encounter.

Kinilala ang biktimang si SPO3 Wilfred Degay mula sa intel unit ng Police Regional Office Cordillera (PRO-COR) na pinagbabaril ng pinaniniwalaang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Dugo Bangaan, Sagada, Mt. Province.

Nasa kritikal na kondisyon si Degay dahil sa apat na tama ng bala sa kanang dibdib na nilalapatan ng lunas sa St. Theodore Hospital ng Sagada pero inilipat sa Bontoc General Hospital.

Dahil sa nangyari ay hindi natuloy ang pagbibiyahe sa mga labi ni PO3 Golocan at napagdesisyunang ngayong madaling-araw ito dadalhin sa Sagada.

Sa ngayon ay nakalagak pa rin ang bangkay nito sa Bontoc, Mt. Province habang lalo pang hinigpitan ang seguridad sa naturang lugar at pinagbawalang pumasok ang mga hindi taga-Norte. JOHNNY ARASGA

Sunog sa Pasig: 40 pamilya nawalan ng tahanan

$
0
0

UMABOT sa 40 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang magkasunog sa Pasig City kaninang umaga.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan nang matupok ng apoy ang mga bahay sa Rodriguez cmpd. sa Bgy. Rosario, Pasig City.

Nagsimula ang sunog bandang alas-5:15 ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang under control bandang alas-6:00 ng umaga.

Tuluyan itong naapula alas-6:30 ng umaga.

Karamihan sa nilamon ng apoy ay ang mga bahay na gawa sa light materials. MARJORIE DACORO

7 katao, hinoldap saka hinubaran

$
0
0

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang pitong katao matapos holdapin at hubaran ng dalawang holdaper sa isang restaurant sa Quezon City ngayong araw, Pebrero 3.

Kinilala ni Quezon City Police district director Chief Supt. Joel Pagdilao ang mga biktimang sina Dan Marvin Anota, 31, database analyst ng Bernardino St., Guadalupe, Makati; Joana Tabas Saisaki, 26, medical representative ng Rainbow Village, Bayombong, Caloocan; Christian Cruz, 27, seaman, ng Pasong Tamo, QC; Dante Aquino, accountant ng Palmera Homes, Sta. Monica, QC; Rose Ann Bersale, 25, cashier, ng Bgy. Payatas, QC; Christian Liberata, 25, cook/waiter, ng Bgy. Dela Paz, Antipolo City at Anthony Villarin, stay-in cook ng hinoldap na restaurant.

Tumakas naman ang dalawang suspek na kapwa armado ng short firearms at sakay ng isang orange na Mio Motorcycle na hindi naplakahan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:50 ng hapon sa Hoy Panga Restaurant sa #73 Commonwealth Ave.m Bgy. Greater Fairview, QC.

Nabatid na nagpanggap na mga kostumer ang dalawang armadong holdaper at nang nasa loob na ng establisyimento ay nagsibunot ang mga ito ng baril sabay deklara ng holdap.

Isa-isa ring dinala sa comport room ang mga biktima saka hinubaran para hindi na magawang makahabol at makapagsumbong sa pulisya.

Tinatayang aabot sa P1-milyong halaga ng pera at mga kagamitan ang natangay ng mga suspek na patuloy ngayong tinutugis ng pulisya. SANTI CELARIO

Dyip nawalan ng preno, mag-utol dedo

$
0
0

TODAS ang magkapatid habang sugatan ang isang nene matapos araruhin ng jeepney na nawalan ng preno sa Caloocan City, Lunes ng hapon, Pebrero 2.

Namatay habang ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Jose Marifosque, 50, at kapatid na si Rey, 48, kapwa ng 1st St., Grace Park ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng mga galos sa katawan si Criscelle Athena Medes, 5, ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Passion Juanito, 50, driver ng dyip (TXF-467) ng Galauran St., ng lungsod.

Sa ulat, ala-1 ng hapon, nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod nang araruhin ng dyip ni Juanito na nawalan umano ng preno.

Dahil dito, itinakbo ang mga biktima sa CMC habang sumuko naman sa mga pulis si Juanito. RENE MANAHAN

Palengke sa Sultan Kudarat pinasabog, 3 sugatan

$
0
0

TATLO ang sugatan kabilang ang isang babae nang pasabugan ang isang pelengke sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat kaninang umaga, Pebrero 3.

Ang tatlong hindi nakikilalang biktima ay nagtamo ng tama ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan at isinugod sa pagamutan.

Tinutugis na ngayon ng pulisya ang tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na basta na lamang naghagis ng bomba sa loob ng nasabing palengke.

Sa ulat ng Isulan-PNP, naganap ang insidente dakong 11:15 a.m. sa isang pampublikong palengke sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon sa mga testigo, nagkunwaring mga mamimili ang mga suspek at nang nakapasok na sa nasabing palengke ay may initsang bagay sa may tindahan ng mga isda saka biglang lumabas at sumakay sa dalawang motorsiklo.

Maya-maya lamang, umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog na ikinasugat ng tatlong biktima. ROBERT TICZON


Sekyu, utas sa tandem sa Tondo

$
0
0

PATAY ang isang security guard nang barilin ng riding-in-tandem habang naglalakad pauwi mula sa trabaho kagabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Roger Diola, 42, may-asawa, security guard ng RIL, at taga-Bgy 105, Building 3, Temporary Housing, Tondo, Maynila.

Alas-7 kagabi nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima pauwi matapos ang kanyang duty kung saan pagsapit nito sa Infanta bridge ay dinikitan siya ng riding-in-tandem sakay ng itim na motorsiklo.

Armado ng ‘di mabatid na kalibre ng baril ang mga suspek at agad na pinaputukan ang biktima sa kaliwang bahagi ng katawan.

Nagawa pang makatakbo at makahingin ng tulong ng biktima ngunit muli siyang binaril ng mga suspek saka mabilis tumakas.

Itinakbo naman sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima subalit namatay din makalipas ang ilang oras. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ginang ginahasa, pinutulan ng daliri saka pinaslang

$
0
0

GINAHASA muna ang isang ginang saka pinatay sa Libmanan, Camarines Sur nitong Lunes ng hapon, Pebrero 2.

Dakong 5:45 p.m. nang matagpuan ang bangkay ng 25-anyos na biktima na itinago sa pangalang Anne sa isang kanal, na 50 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Natagpuan ang katawan nito na wala ng saplot, puno ng sugat ang buong katawan, may marka ng tali sa leeg at putol pa ang mga daliri sa kamay.

Ayon sa kinakasama nitong si Alwin Alman, iniwan niyang naglalaba ang kanyang misis sa kanilang bahay subalit dalawang oras lamang ang nakalipas nang matanggap niya ang balitang patay na ito.

Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktima bago pinaglaruan ng salarin ang katawan nito.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima. ROBERT TICZON

Mag-ina, 5 bata hostage ng armadong lalaki sa Pasay

$
0
0

HAWAK pa rin ng armadong lalaki ang isang mag-ina at limang bata sa nagaganap na hostage sa Pasay City kaninang alas-6:00 ng umaga.

Sa kasalukuyan ay nakikipagnegosasyon ang mga awtoridad sa hostage taker na nagbabantang papatayin ang mga biktima na nakakulong sa isang bahay sa Canoy St., M. dela Cruz sa naturang lungsod.

Hindi batid ng mga awtoridad ang dahilan ng pangho-hostage at inaalam kung lango sa droga ang ‘di pa kilalang suspek. JOHNNY ARASGA

Grade 5 pupil, ginahasa saka pinatay sa Pangasinan

$
0
0

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng 10-anyos na grade 5 pupil na ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa kilalang salarin sa Pangasinan.

Nakababa ang salawal at wala ng buhay nang matagpuan ang biktima sa isang maisan sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay Police Supt. Gaston Cafungtan, hepe ng Bayambang Police Office, hindi na nakauwi ang bata sa kanilang bahay matapos pumasok sa eskwelahan kaya ipinagbigay-alam na ng pamilya ang insidente sa kapulisan.

Dahil dito, hinanap ang bata at sa isang maisan sa barangay Idiong sa nabanggit na bayan natagpuang bangkay na ang biktima.

Hinihinalang ginahasa matapos sakalin ang bata base sa ginawang pagsusuri sa labi nito.

Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang mga pulis sa mga guro at mga kamag-aral ng bata upang matukoy ang huli nitong nakasama habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon. JOHNNY ARASGA

2 anak kinatay ng napraning na nanay

$
0
0

NAMATAY sa kamay ng sariling ina ang dalawang paslit sa Bgy. Hipgos, Lambunao sa Iloilo.

Ayon kay Renante Lasanas, padre de pamilya, ikinagulat na lang nito na wala ng buhay ang kanyang mga anak nang datnan sa kanilang bahay.

Ang walong-taong gulang na anak na babae ay may sugat sa leeg habang pinaniniwalaang sinakal naman ng ina ang lalaking anak na nasa kinder pa lamang.

Ang asawa naman nito’y nakahandusay din at may sugat sa leeg matapos magtangka ring magpakamatay.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ang isang karet na pinaniniwalaang ginamit ng ina sa pagpatay sa kanyang mga anak at sa pagtatangka rin nitong magpakamatay.

Ayon sa mister, maayos naman ang kanilang relasyon na mag-asawa sa kabila nang pagkakaroon nito ng nervous breakdown.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot sa ospital ang asawa at ayon dito, hindi rin niya alam ang kanyang ginawa dahil inatake ito ng kanyang sakit. JOHNNY ARASGA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>