Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

2 pulis, taxi driver sa Carl, Kulot killings, kinasuhan sa DOJ

$
0
0

ISINAMPA na sa Department of Justice (DoJ) kaninang Huwebes ng umaga ang kasong kriminal laban sa dalawang pulis at taxi driver na sangkot umano sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Kasama ang Public Attorney’s Office (PAO), isinampa ng mga magulang nina Arnaiz at De Guzman ang kasong double murder laban kina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita na pawang miyembro ng Caloocan City Police at ang taxi driver na si Tomas Bagcal.

Kinasuhan din ang tatlo ng pag-torture, pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Depensa nina Perez at Arquilita, napatay nila si Arnaiz sa isang gunfight noong madaling-araw ng Agosto 18 matapos umanong holdapin nito si Bagcal. Gayunman, sinabi ng PAO at base sa kanilang forensic analysis, nakaposas si Arnaiz at posibleng nakaluhod nang pagbabarilin.

Si De Guzman naman ay ang huling nakitang buhay na kasama ni Arnaiz sa Cainta, Rizal. Ang bangkay na pinaniniwalaan ng PAO at ng kanyang magulang na si De Guzman at may 26 stab wounds, ay natagpuan sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija noong September 6.

Gayunman, naglabas naman ang Philippine National Police (PNP) nitong nakaraang Lunes ng DNA testing results na nagpapatunay na ang narekober na bangkay na nakuha sa creek ay hindi sa 14-anyos na si De Guzman.

Umalma naman ang magulang ni De Guzman na sina Eduardo at Lina Gabriel, at maging ang PAO sa naging resulta at pinalagan ang kahilingan ng Criminal Investigation and Detection Group na makuha ang bangkay para isailalim muli sa eksaminasyon.

Tumanggi rin si Eduardo na magsagawa ng isa pang DNA test at sa halip ay nagprisinta ito ng death certificate na mula sa National Bureau of Investigation’s Medico-Legal Division bilang pruweba sa pagkakakilanlan ng bangkay.

Inilibing na si De Guzman nitong nakaraang Miyerkules sa Pasig Public Cemetery habang si Arnaiz naman ay sa Pateros cemetery inilibing noong September 5. BOBBY TICZON


2 Indian kidnaper dedo sa engkwentro

$
0
0

DALAWANG hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group ang nalagas nang kumasa sa pulisya sa Imus City, Cavite, kaninang Huwebes ng madaling-araw.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na nakilalang sina Kumar Pardeep at isang alyas Hunny, kapwa Indian national.

Ayon kay Supt. Norman Ranon, hepe ng Imus police, sinundan ng Anti-Kidnapping Group ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo na bumibiyahe at balak kumubra ng ransom.

Nakatunog aniya ang dalawang lalaki na sinusundan sila kaya pinaputukan ang mga pulis pagdating sa Palanas Road, Anabu 1G.

Sa pagganti, napatimbuwang ng mga operatiba ang mga suspek. Narekober sa mga ito ang dalawang 9mm pistols at hindi pa malamang halaga ng salapi.

Ayon sa awtoridad, ang dalawa rin ang pumatay sa kapwa nila Indian na si Lilat Kumar kahapon, bago ito itinapon sa General Trias.

Inaalam na rin ng Anti-Kidnapping Group kung may connection ang dalawa sa tatlong hinihinalang kidnaper na napatay rin sa engkwentro sa Biñan City noong isang buwan.

Dagdag pa ng pulisya, karaniwang target kidnapin ng grupong ito ang mga kapwa nila Indian national. BOBBY TICZON

Nakialam sa away, helper pinagsasaksak

$
0
0

DAHIL sa pakikialam sa away-mag-asawa, isang helper ang nasa malubhang lagay matapos pagsasaksakin ng suspek na mister sa Quezon City kagabi, Setyembre 15, Biyernes.

Nakilala ang biktimang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) na si Elizer Pineda, 35, ng No. 164 Tandang Sora, Brgy. Old Balara.

Habang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si alyas Rio, 38, barker, at naninirahan sa Ilalim ng Tandang Sora flyover sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Arvin Oballo ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa ilalim ng nasabing flyover.

Bago ito, nag-aaway ang suspek at misis nito nang basta na lamang namagitan ang biktima sa away ng mag-asawa na ikinagalit naman ng suspek ķaya bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima.

Sa kabila ng mga saksak ay nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol pa rin ito ng suspek hanggang sa maabutan at pinagsasaksak ulit ito sa likod at kanang braso, saka mabilis na tumakas. SANTI CELARIO

Technician rinatrat ng tandem, tigbak

$
0
0

RINATRAT ng riding-in-tandem ang isang 24-anyos na computer technician kagabi sa harap ng isang bahay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Angelo Enriquez, na binaril sa tapat ng isang bahay sa Quirino St., Brgy. 107, Tondo.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen na sakay ng motorsiklo at pawang nakasuot ng puting face mask.

Ayon sa ilang residente sa lugar, limang putok ng baril ang kanilang narinig bago nakitang nakabulagta ang biktima.

Sinabi naman ng tiyuhin ng biktima na nakatira sa lugar, napasyal lamang ang kanyang pamangkin at wala naman aniya itong alam kung nasangkot ito sa ipinagbabawal na droga.

Nakarekober ang pulisya ng pitong basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima ang pagkakakilanlan ng mga gunman. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot na nakaharang sa parking lot, utas sa kapitbahay

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ariel Rivera Baloloy, ng Fajardo St. cor. Loyola St., ng nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Joel Olat, 34.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan.

Dumating umano ang suspek at nagalit sa biktima dahil nakaharang umano ito sa kanyang parking lot.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang umabot sa suntukan at bumunot ng baril ang suspek saka pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Law student ng UST, dedbol sa hazing

$
0
0

POSIBLENG biktima ng hazing ang isang 22-anyos na first year law student ng University of Sto. Tomas (UST) na natagpuang patay sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Horacio Tomas Castillo III, tinatayang 5’7 ang taas, naka-jersey short pants at kulay puting t-shirt na may nakasulat ng Political Science-University of Sto Tomas.

Sa report ni PO3 Jorlan Taluban ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:00 ng umaga nang natagpuang ang bangkay ng biktima sa kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta St., Balut, Tondo.

Ayon sa isang testigo, sakay siya ng kanyang motorsiklo papunta sa San Lazaro Hospital nang mapadaan siya sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo nang napansin ang bangkay ng biktima na nakahandusay at nakabalot ng isang kumot.

Sa tulong ng isa pang motorista, dinala ang biktima sa Chinese Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Sa pagsusuri, nakitaan ng mga pasa sa braso ang biktima at sangkaterbang patak ng kandila o paso sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na indikasyon na pinahirapan ito.

Una nang iniulat ang biktima na nawawala ito ilang araw na hanggang sa natagpuan itong patay.

Ayon kay Horacio II, ama ng biktima, nakatanggap ito ng text dakong 1:00 ng madaling-araw na nasa Chinese Geneal Hospital ang kanyang anak at patay na.

Hindi naman aniya matanggap ang pagkamatay ng kanyang anak sa ginawang pagpapahirap ng umao’y kasapi ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon naman kay Minnie Castillo, ina ng biktima, hindi niya lubos maaisip na kayang gawin ito ng isang may matinong pag-iisip.

Humihingi ngayon ang pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak na panibagong biktima ng hazing.

Paliwanag naman ni Dra. Milagros Probador ng MPD Crime Laboratory at nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay ng biktima na sobrang pagpapahirap sa katawan nito ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Archangel Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

Wala pa namang ibinibigay ang pamunuan ng UST hinggil sa brutal na pagkamatay ng biktima sanhi ng hazing. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

UST: Pananagutin ang fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III

$
0
0
TINIYAK ng pamunuan ng  pamunuan ng University of Sto Tomas na pananagutin ang mga sangkot sa pagkamatay ng kanilang first year law student na si Horacio Castillo III.

Sa ipinadalang press statement ni Associate Professor Giovanni V. Fontanilla, Director of Office of Public Affairs ng UST,  nakasaad na natanggap na nila ang report hinggil sa sinasabing  pagkamatay sa hazing ni Castillo na kinasasangkutan umano ng Aegis Juris fraternity.

Mariin din aniyan nilang kinokondena ang hazing at hindi nila pinapayagan ang anumang uri ng karahasan  sa kanilang institusyon lalo na sa UST na nagbibigay ng mataas na pagpapahalaga at pagsusulong sa charity and compassion.

Tiniyak din ng UST na wala silang sasantuhin sa insidente at pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa marahas na kamatayan ni Castillo.

Dagdag pa ni Fontanilla na  nagsasagawa  na sila ng imbestigasyon  upang mapalabas ang katotohanan, matukoy ang mga may kasalanan at bumalangkas ng legal na action.

Muling iginiit ng UST  ang pagpapahalaga nila sa Christian values and ideals na patuloy na nagbibigkis sa kanilang mga institusyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

UST student namatay sa hazing – MPD

$
0
0

KINUMPIRMA ng Manila Police District (MPD) ngayong umaga, Lunes, Setyembre 18, na namatay sanhi ng hazing ang freshman law student ng University of Santo Tomas law na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III.

Ayon sa MPD medico-legal doctor, si Castillo ay namatay sanhi ng massive heart attack sanhi ng kanyang tinamong kapansanan.

Dumating ang medico-legal team mula MPD sa morgue dakong 9 a.m. para magsagawa ng awtopsya sa labi ni Castillo.

Matapos ang pageksamin, kinausap ng naturang doctor ang pamilya Castillo at kinumpirma na isa itong kaso ng hazing.

Ang bangkay ng biktima ay may hematoma sa parehong braso pero walang burn marks.

Napahagulgol naman ang tatay ni Horacio Castillo Jr., nang sabihin sa kanya ang autopsy results.

Hinamon niya ang may responsable na harapin ang kahihitnan ng krimen. BOBBY TICZON


Aegis Juris fratmen, sinuspinde na

$
0
0

SINUSPINDE na ng dekana ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law na si Atty. Nilo Divina ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ito ay para matiyak na hindi makakasagabal ang mga ito sa kasalukuyang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 1st year law student na si Horacio Castillo III na nakumpirmang isinailalim sa hazing.

Kaugnay niyan, hindi muna makakapasok sa unibersidad at makakapasok sa kanilang mga klase ang mga nasuspinde hangga’t hindi tapos ang imbestigasyon.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang nasabing fraternity.

Una rito, sumali si Castillo sa Aegis Juris matapos makumbinse ng kaklase, sa kabila ng pagtutol kanyang mga magulang.

Biyernes ng gabi nang magpaalam ito para dumalo sa welcome rites at sinabing walang hazing na magaganap, ngunit hindi na ito nakauwi.

Umaga nitong Lunes nang mapagalamang patay na si Horacio, kung saan natagpuan umano itong nakabalot ng kumot sa bangketa sa Balut, Tondo. BOBBY TICZON

AFP slow down muna sa pag-atake sa Maute Group

$
0
0
INAMIN ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nagdadahan-dahan na sila ngayon sa kanilang pag-atake sa Maute group dahil mas lalong naging kaunti at maliit na ang lugar na ginagalawan ng nasabing grupo sa Marawi City.
Sa Mindanao Hour briefing sa Kalayaan Hall, Malakanyang ay sinabi ni BGen. Padilla na nag-dobleng hirap naman para sa tropa ng pamahalaan ang i-clear ang mas maraming gusali dahil sa bilang ng mga improvised explosive device (IED)  na iniwan ng mga nasabing grupo.
“And at the same time, the complexity of the battlefield because the enemies are already very close at hand. In fact, the street-to-street fighting is ongoing as of this moment, and our forces are focused and determined to push the envelope so that soon we can say that Marawi is totally liberated,” ayon nito.
Karapatan ng gobyerno na ilagay ang kanilang security forces sa isang level o angkat na kapasidad upang makatugon sa mga banta na kanilang hinaharap.
Ani BGen. Padilla, kung may malaking banta na maglalagay sa alanganin ng ilang mga buhay ay irerekumenda na huwag magsabi ng kahit na anumang bagay.
“Isa pa pong pagpapahambing ano. Itong kamakailan, alam ko batid niyo at sinusundan niyo ang mga kaganapan sa buong mundo. Ang ibang bansa ay may banta rin galing sa mga terorista tulad ng nangyayari sa United Kingdom. So ganun din po sa atin. Ganun din po ang ire-recommend ng ground commander,” ani BGen. Padilla. KRIS JOSE

Fr. Suganob, nailigtas sa tulong ng special rangers

$
0
0
NILINAW ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nailigtas ng special operations ng special rangers si Father Chito Suganob  at hindi ito pinakawalan o pinalaya dahil sa ano pa mang kadahilanan o sa pamamagitan ng back channel talk.
Binigyang diin nito na hindi naniniwala si Pangulong Duterte sa ganitong paraan.
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyang matitigil  ang giyera sa Marawi City kapag napatay na ang kahuli-hulihang terorista roon.
Aniya, imposibleng matuldukan ang giyera sa Marawi hangga’t may nakatayong terorista at nakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan.
Hindi napigilan ng Pangulong Duterte ang mainis sa nabalitaan niyang ilang beses na ginahasa ang mga kababaihang bihag ng Maute group.
Labis-labis ang pasasalamat at tuwa ng Simbahang Katolika sa pagkakaligtas kay Father Chito Suganob at isa pang bihag ng lokal na teroristang Maute group makaraan ang mahigit sa 100 araw na digmaan sa Marawi City.
Sinabi ni Iligan Bishop Elenito Galido na ang pagkakabawi kay Father Suganob ay isang magandang pagsalubong ng Panginoon kina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na pauwi mula sa Roma.
Pinuri at pinasalamatan nito ang mga sundalong nagligtas kay Suganob at sa isang bihag na guro.
Itinuturing ng nasabing obispo na “good news at answered prayers” ang pagliligtas sa dalawang bihag ng Maute. KRIS JOSE

P1-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa Mandaluyong

$
0
0

AABOT sa P1-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang condominium unit sa Mandaluyong City kaninang Martes ng madaling-araw.

Sa bisa ng search warrant na nakapangalan sa isang Jovet Atilano o alyas OJ, nakumpiska ng PDEA Special Enforcement Service ang ilang piraso ng Valium at Mogadon na itinuturing na mga illegal drugs.

May nakuha rin na 50 pakete ng ecstasy, at 10 sachet ng hinihinalang shabu. BOBBY TICZON

 

1,000 Davao pulis, planong ilipat sa Caloocan City

$
0
0

BALAK ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ilipat ang 1,000 mga police personnel ng Davao bilang kapalit sa 1,000 mga police Caloocan na isinailalim sa retraining.

Ito ang pahayag ng PNP chief sa pagdalo nito sa 116th Police Service Anniversary sa lungsod at sinabi na sa pamamagitan nito ay mabago nila ang imahe ng Caloocan Police.

Ayon kay PNP chief Dela Rosa gusto niyang ipakita sa mga pulis sa Luzon kung papaano gumawa ng kanilang trabaho ang PNP personnel mula Davao.

Nakita umano ng opisyal ang pagkakaiba ng mga pulis sa Luzon partikular na sa Caloocan na hindi nito nalulutas ang problema sa lugar  kaya niya tinanggal ang mga ito.

Magmumula anya ang mga ililipat na mga PNP personnel sa lungsod ng Davao, Digos City, Tagum City at Compostela Valley. BOBBY TICZON

4 bangkay tumambad sa tangke ng tubig

$
0
0

APAT na bangkay ng kalalakihan ang nadiskubre na nasa loob ng isang tangke ng tubig sa Lipa City, Batangas kaninang Martes ng umaga.

Ang mga bangkay ng mga biktima na nakilalang sina Jimuel Dimaculangan, Enrique Erolon, at isang Jasper at Jose ay namamaga na sanhi ng matagal na pagkabababad sa tubig.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng krimen.

Sa ulat, nadiskubre ang karumal-dumal na krimen dakong 7:15 ng umaga sa may Purok 4, Sitio Barandal, Brgy. San Francisco.

Ayon sa mga residente, nagsimulang makalanghap sila ng nakakasulasok na amoy sa kanilang lugar kaya hinanap nila ang pinanggagalingan ng mabahong amoy.

Natagalan din ang naging paghahanap hanggang sa may nagsabing residente na tila nanggaggaling ang masangsang na amoy mula sa tangke ng tubig.

Nang akyatin ang tangke at sa pagsilip ay tumambad sa kanila ang apat na bangkay na nasa rainwater storage tank na may dalawang butas na 30-pulgada ang lapad at tatlong metro ang lalim. May laman din na isang metro ng tubig ang tangke.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para malaman ang motibo sa pagpatay sa mga biktima. BOBBY TICZON

2 MILF dedo, 6 BIFF sugatan sa Maguindanao encounter

$
0
0

NALAGAS ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang anim naman ang nasugatan sa mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa kalat-kalat na sagupaan sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga namatay na sina Mustapha Musa, 24, at Muhammad Kadil, 40, na kapwa mga tauhan ni Kumander Zacaria Guma ng 105th Base Command ng MILF.

Ayon kay Maguindanao police provincial director S/Supt. Agustin Tello, muling nagkasagupa ang mga tauhan ng MILF Task Force Ittihad at grupo ni Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Torayfe ng BIFF/ISIS sa hangganan ng Brgy. Tee at Brgy. Andavit Datu Salibo, Maguindanao.

Tumagal aniya nang isang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Napaatras naman ang BIFF nang tumulong sa MILF ang militar at binomba ang mga terorista gamit ang 105 mm. howitzers cannon.

Sa ngayon, pinaigting pa ng Joint Task Force Central ng militar at MILF Task Force Ittihad ang pagtugis sa mga terorista sa loob ng SPMS Box sa lalawigan ng Maguindanao. BOBBY TICZON


Lolong jeepney driver binaril habang namamasada, patay

$
0
0
ISANG matandang lalaki ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang riding –in tandem habang ang biktima ay sakay ng pampasherong jeep malapit sa presinto ng pulis  kaninang umaga  Sept. 19 sa Malabon City.
        
Si Eden Chuanico, 78, balo ng  84 Maryland St. Cubao, Quezon City ay binaril sa leeg at sa ulo na agad namang isinugod  ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 2  sa  Manila Central University (MCU) hospital subalit hindi na ito umabot na buhay.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Julius Mabasa ang biktima sakay ng public utility jeep sa mula sa  Dagohoy Street sa Caloocan City patungong  Obando, Bulacan habang tinatahak ang kahabaan ng Gov. Pascual sa Brgy. Potrero, Malabon biglang dikitan ito ng motorsiklo sakay ng dalawang suspek isa dito ang biglang bumaba at dalawang beses binaril ang bikitma na tinamaan sa leeg at sa ulo
 
Matapos ang pamamaril ang mga suspek mabilis na tumakas sakay ng gateaway motorsiklo habang ang driver ng nasabing pampasaherong Jeep na si Edgardo De Guzman, 51 at ang nag respondeng tauhan ng PCP-2  ay agad dinala ang biktima sa nasabing ospital.
 
Ayon kay Insp. Paul Dennis Javier hepe ng investigation section kanilang inaalam kung may koneksyon sa pag paslang kay  Chuanico sa pagpatay din sa kapatid niotng babae na pinatay din ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng Malate Church  noong nakaraang August 8, 2015  sa Malate, Manila.
Sinabi naman ni Nora Eubanas, 71, may-ari ng isang restaurant habang pauwi sila matapos mesa ng bigla na lamang nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril sa lob ng sasakyan mabuti na laman ay hindi nadamay ang kanyang hipag na isa ring pasahero
Ayon kay Insp. Javier pauloy silang makiki-coordinate sa baragay opisyal at may ari ng establishmento sa lugar para makuha ang kopya ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa nasabing lugar. BOBBY TICZON

Professor natagpuang patay sa loob ng banyo

$
0
0

PATAY na nang matagpuan sa loob ng banyo ang isang 47-anyos na guro sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Ruel Rodil Castilla , walang asawa, Professor ng Arrellano University ng 1317 room 201 Jhocson St., Lardizabal Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Joel Jasareno ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:30 ng hapon ng matagpuan ng kanyang kapwa teacher na si Eugene Dayao sa loob ng banyo ng bahay ang biktima.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Setyembre 16 sa nasabing unibersidad.

Nadiskubre umano ni Dayao ang pagkamatay ng biktima nang puntahan ito ng co-teacher sa kanyang bahay matapos magtaka dahil hindi nakapasok sa kanyang klase.

Dito na nalaman ang nangyari nang buksan ang kanyang bahay nang makitang nakaupo ang biktima sa inodoro at wala nang buhay. Wala namang nakitang bakas na sugat o pinahirapan sa katawan ang biktima at hinala ng pulisya na posibleng inatake sa puso ang biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Obrero, binaril sa ulo, todas

$
0
0
TODAS ang isang 32-anyos na metal worker matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Brgy. Commonwealth,Quezon City kagabi Setyembre 18, 2017 (Lunes).
 
Kinilala ang bikima na si Ronald Barba,32, ng Gold St., Brgy, Commonwealth, QC.
 
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan naganap ang insidente dakong alas – 6:30 ng gabi sa Brgy. Commonwealth matapos pagbabarilin ang biktima ng suspek.
 
Nabatid sa ulat na nakarinig umano ng mga putok ng baril ang witness na si Rosemarie habang nagtitinda sa may Martan St., sa Brgy. Commonwealth at ng alamin ang pinanggalingan ng putok sa Martan St., tumambad sa kanya ang duguang  bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo at katawan.
 
Sinabi pa sa ulat na namataan ang isang lalaki na mabilis na tumakas  dala ang ginamit na baril sa pamamaril matapos ang insidente. SANTI CELARIO

Nagsugod sa ospital kay Castillo, nahaharap sa kasong perjury

$
0
0

POSIBLENG maharap sa kasong perjury o pagsisinungaling ang lalaking nakakita at nagtakbo sa hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III sa Chinese General Hospital (CGH).

Ito’y matapos makakita ang Manila Police-Homicide investigators ng inconsistencies o hindi nagkakatugma sa kanyang mga pahayag.

“He’s already a person of interest. His statement is under oath. We can file appropriate perjury charges against John Paul Solano” pahayag ni Manila Police District (MPD) spokesman Erwin Margarejo.

Ayon kay Solano natagpuan niya ang katawan ni Castillo na nakasalampak sa bangketa sa kanto ng H. Lopez Boulevard at Infanta Street sa Balut, Tondo, noong Linggo ng umaga.

Gayunpaman, pinasinungalingan ito ng Barangay officials at nagpalabas ng isang sertipikasyon na walang nakitang bangkay sa kanilang lugar.

Namatay si Castillo, 22-anyos at  University of Santo Tomas (UST) student, matapos dumalo sa “welcoming rites” ng  Aegis Juris fraternity noong nakaraang Sabado ng gabi. Kinumpirma ng MPA na namatay si Castillo sanhi ng hazing.

“Well, kakasuhan natin siya (Solano) considering [na] dinispute na nung barangay [‘yung sinabi niya],” pahayag ni Margarejo.

“Kaya, definitely under oath ‘yung iyong testimony. If it is under oath, sinumpaan mo ‘yan tapos biglang dinispute ng baranggay through CCTV eh di siguro naman the video will always speak for itself,” dagdag nito.

Inaalam pa ngayon ng MPD ang ulat na si  Solano ay isa rin law student.

Nalaman na lamang ng pamilya Castillo ang nangyaring masama sa kanilang mahal sa buhay nang makatanggap ang nanay ng biktima na si Carminia Castillo ng isang  anonymous text message na nagsasabi na ang kanyang anak ay dinala sa Chinese General Hospital. BOBBY TICZON

Nagpakilalang empleyado ng gobyerno, nanggulo sa MPD headquarters

$
0
0

ISANG nagpakilalang empleyado ng gobyerno ang nanggulo at nanagasa ng mga miyembro ng media kaninang madaling-araw sa Manila Police District (MPD) Heaquarters.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang persuit operation ng pulisya laban kay Arvin Tan.

Nabatid na dumating sa headquarters si Tan bago mag-a-alas-2:00 ng madaling-araw at dumiretso sa Homicide Section na noo’y abala naman ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga sa kaso ng UST law student at hazing victim na si Horacio Castillo.

Ayon sa pulisya, naroon umano ang suspek dahil magrereklamo ito laban sa pulis ng MPD-Station 8 na nanutok umano sa kanya.

Habang kinakausap ng mga pulis at mga miyembro ng media si Tan ay pabalang itong sumagot at tila nakikipagtalo pa.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Tan sa opisina ng Homicide Section na sinundan naman ng mga pulis hanggang sa pasakay ito ng kanyang kulay itim na Camri na may plakang ACA 3829.

Mayroon ding sticker ng Presidential Security Group (PSG) ang sasakyan ng suspek.

Muli itong kinausap nang maayos ng mga awtoridad kong ano ang kanyang reklamo ngunit nagmura ito kaya’t napilitan ang mga operatiba na hilahin at pababain ng sasakyan si Tan subalit imbes na bumaba ay bigla nitong pinaharurot ang sasakyan.

Ilang media at nakaparadang mga sasakyan naman ang nahagip ng kanyang sasakyan gayundin ang gate ng headquarters ay binangga rin ng suspek.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang suspek at pinaputukan ngunit nakatakas pa rin ito patungong Kalentong, Maynila.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng MPD ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pulisya ang anomang impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.

Kasong malicious mischief, damage to property, resisting arrest, unjust vexation ang kasong isasampa laban kay Tan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>