Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Bagong laya, inutas sa harap ng asawa

$
0
0

DEDBOL ang isang tricycle driver matapos malapitang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng kanyang live-in partner Miyerkules ng hapon, Oct. 11, sa Malabon City.

Si Enrico Bernal, 22, ng 80 Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat ay namatay mismo sa pinangyarihan sanhi ng tama ng bala sa ulo habang ang isang hindi pa nakikilalang suspek ay mabilis na tumakas patungong Brgy. Tanza matapos maisagawa ng krimen.

Sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO2 Virgilio Agustin, Jr., si Bernal at ang kanyang ka-live-in na si Ethelin Suay ay abala sa kanilang ginagawa sa harap ng Hulong Duhat Public Market sa Women’s Club St. pasado alas-10:25 ng gabi kung saan isang hindi pa nakikilalang suspek ang biglang lumapit at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Ayon sa Duty desk officer na si Insp. Ferdinand Espiritu, dating may kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 at kakalaya pa lamang sa Malabon City Jail nitong nakaraang Mayo 2, 2017.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Follow-Up Unit subalit bigo nilang makilala at maaresto ang suspek.

Dalawang empty shells ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang narekober sa lugar na pinangyarihan. ROGER PANIZAL


Babae nilason saka inabandona sa apartelle

$
0
0

BANGKAY na nang matagpuan ang isang babae na pinaniniwalaang nilason ng kanyang kasamang lalaki sa may apartelle sa Quezon City kaninang Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa mga imbestigdor ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa bag ng babae, kinilala itong si Girlie Villahermosa, 48, at isang imbestigador ng Violence Against Women and Children Desk ng Brgy. Silangan, Q.C.

Blangko pa ang CIDU kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

Sa ulat, nadiskubre ang krimen dakong 4 a.m. sa loob ng kuwarto ng isang apartelle sa Commonwealth Ave. sa Brgy. Old Balara.

Kwento ng bellboy na ayaw magpakilala, may kasamahang lalaki ang babae nang mag-check in sa apartelle ala-1:00 ng umaga.

Pero umalis aniya ang lalaki makalipas ang isang oras at sinabing manisngarilyo lang sa labas pero hindi na bumalik pa.

At nang mapaso na ang tatlong oras na short time period, kinatok na ng mga tauhan ng apartelle ang kuwarto pero walang sumagot sa kanila.

Sa pamamagitan ng spare key, nabuksan ang kuwarto at tumambad sa kanila ang bangkay ng babae na nasa ibabaw ng kama na bumubula ang bibig.

Ayon sa CIDU investigators, malabong pinagnakawan si Villahermosa ng kasama nitong lalaki dahil ang tablet at wallet nito ay hindi nawawala.

Teyorya ng pulisya, may plano na talaga ang suspek na patayin ang biktima kaya isinama sa naturang apartelle upang maging malinis ang krimen na kanyang gagawin. BOBBY TICZON

Muslim wedding rinatrat, biyenan patay, groom sugatan

$
0
0

ISA ang tepok habang isa pa ang sugatan makaraang pasukin ng armadong suspek ang isang mosque na nagaganap ang isang kasalan sa Cotabato City, Huwebes ng umaga.

Namatay sa pamamaril ang ama ng babaeng ikinakasal na si Nasifh Abdullah Sampiano, isang dating barangay chairman sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, tinamaan din ng bala ang lalaking mapapangasawa ng anak ng biktima na si Abil Gampong Balindong.

Ayon kay C/Insp. Reynaldo Delatien, hepe ng Cotabato City police Station 2, ikinakasal ang babaeng anak ni Sampiano sa groom na si Balindong sa isang mosque sa Mall of Alnor compound nang biglang pumasok ang mga armadong salarin at namaril.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang suspek samantalang nadala pa sa pagamutan ang mga biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng salarin sa pamamaslang. JOHNNY ARASGA

Anak ng MNLF commander, dedo sa tandem

$
0
0

PINAGBABARIL ng kilabot na riding-in-tandem ang lalaking anak umano ng isang Moro National Liberation Front (MNLF) commander sa Cotabato City kaninang Biyernes ng umaga.

Namatay noon din sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Butigen Bryan Jack, 29, anak ng isang MNLF Commander at residente ng Buliao 1, Poblacion Mother, Cotabato City.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang umatake sa biktima at kung ano ang motibo sa pagpatay dito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:35 a.m. sa isang gasolinahan sa Almonte St., Cotabato City.

Bago ito, sakay ang biktima sa kanyang pampasaherong motorsiklo at huminto sa naturang gas station para magpagasolina.

Habang naghihintay na mapuno ng gasolina ang tangke ng kanyang motorsiklo, biglang dumating ang mga suspek at rinatrat ang biktima. BOBBY TICZON

NPA umatake, sundalo dedo, 1 pa sugatan

$
0
0

NALAGAS ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa nang lusubin ng mga miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) ang isang eskwelahan sa Patiacan, Quirino, Ilocos Sur kaninang Lunes ng umaga.

Sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan, dead-on-arrival sa Quirino Primary Health Care Facility ang biktimang si Private 1st Class Peter John Villanueva, 27, taga-Santiago, Botolan, Zambales habang nakaratay naman sa Ilocos Training and Medical Center sa San Fernando City, La Union sanhi ng tama ng bala sa katawan ang isa pang biktima na si Private 1st Class Ismael Michael Mama, 26, binata, taga-Macabebe, Pampanga.

Ang dalawa ay kapwa miyembro ng 81st Infantry Batallion ng Philippine Army.

Tinutugis na ng awtoridad para panagutin sa krimen ang mga NPA rebels na ang bilang ay nasa 20.

Sinabi ni Lt. Col. Julio Osias IV, bago ang insidente ay tumutulong ang mga sundalo sa paglilinis at pagsasaayos ng isang elementary school sa Brgy. Patiacan nang biglang ratratin ng rebeldeng grupo.

Dahil inuna ang kaligtasan ng mga estudyante at guro para mailigtas sa tiyak na kapahamakan ay tinamaan sina Villanueva at Mama.

Bagama’t walang nadamay na estudyante at guro, nagdala naman ng matindinig takot sa kanila ang naturang insidente.

Kung maaalala, noong nakaraang linggo ay inatake ng NPA ang katabing barangay ng Patiacan at pinasabugan ang mga nagbabantay na sundalo ngunit sa kabutihang palad ay walang nasugatan. BOBBY TICZON

MCJ hinalughog

$
0
0

ININSPEKSYON ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) ang ilang dormitoryo ng Manila City Jail kasunod ng mga ulat na may nakapuslit na kontrabando kasabay ng isang selebrasyon kamakailan.

Partikular na hinalughog ang Dorm 13 at 14 kung saan naging positibo ang impormasyon dahil sa pagkakarekober ng mga bote ng alak, mga patalim, sigarilyo, bingo cards, cellphone, drug paraphernallia, ligthers, porn DVD, condoms at lubricants.

Bukod dito, meron ding syringe at petroleum jelly na natagpuan ang mga tauhan ng BJMP.

Posible umanong ginagamit ang mga ito na pampalaki ng ari.

Pawang mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik gang ang mga nakakulong sa dorm 13 & 14.

Natuklasan din ang nasa anim na kubol ng mga preso sa naturang dormitoryo na ipinagbabawal ng BJMP. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Senglot na nang-trip, kinatay sa restobar

$
0
0

BINATO ng baso sa mukha kaya nagalit at pinagsasaksak nito ang isang kapwa lasing habang nag-iinuman sa loob ng isang restobar kagabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang tinatayang nasa hanggang 35-anyos ang edad, 5’7 ang taas, at nakadilaw na T-shirt at itim na shorts.

Habang nakatakas naman at ngayo’y tinutugis na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Rolly Caballero, 26.

Sa report ni PO3 Joel Jasareno, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, nabatid na dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Kalix Restobar, sa 944 Ilaya St., kanto ng Padre Rada St., Tondo.

Sa imbestigasyon, kapwa nakikipag-inuman ang dalawa sa kanilang mga kaibigan sa magkahiwalay na mesa sa naturang bar.

Dahil sa kalasingan ay bigla na lamang nambato ng baso ang biktima dahilan para tamaan naman sa mukha ang suspek.

Ikinagalit ito ng suspek kaya gumanti at pinagbabato ng bote ang biktima na nauwi sa kanilang pagsusuntukan hanggang sa makarating sila sa kalsada.

Sa kainitan ng kanilang away ay biglang bumunot ng matulis na bagay ang suspek at pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka mabilis na tumakas.

Dumiretso naman ang biktima sa naturang ospital upang magpagamot ngunit binawian rin ng buhay makalipas ang mahigit isang oras.

May nakapagsabi naman sa mga pulis na sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center na nagpagamot ang suspek kaya’t kaagad na nagtungo roon upang arestuhin ito, ngunit hindi na nila ito naabutan nang payagan ding makauwi ng mga doktor matapos malapatan ng lunas. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Babaeng recuiter ng Maute-ISIS, huli sa NBI

$
0
0

NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng muslim na nangangarap ng mga dayuhan para magkalat ng terorista at rebelyon sa Pilipinas gamit ang internet at social media.

Iniharap sa media ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naarestong si Karen Aizha Hamidon, 36, nanunuluyan sa isang condominium sa Bonifacio Global City kung saan nakuha sa kanya ang mga cellphone, laptop, tablets at iba pang electronic device na ginagamit niya sa kanyang illegal online activities.

Naaresto si Hamidon ng mga ahente ng NBI-Counter Terrorism Division noong Oktubre 11 sa Taguig City sa bisa ng Seach warrant at may isang linggong isinailalim sa interogasyon bago ipinrisinta sa mga mamahayag.

Nakatakdang sampahan ng 14 na kasong paglabag sa Article 318 (Inciting a rebellion or Insurrection) sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabagsa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 at kaso pang rebelyon dahil sa na-retreive sa kanyang cellphone na 296 post ng isinasagawa niyang paghihilayat at pagre-recruit ng mga fighters na muslim para tumulong sa pakikipaglaban ng Maute-ISIS group sa Marawi City.

Ayon kay Aguirre, ginamit ni Hamidon ang “Telegram” application para sa panghihikayat ng mga dayuhang fighters na pumunta sa Pilipinas at maghasik ng terorismo.

Nabatid na isang araw bago maaresto si Hamidon nag-post pa ito sa Telegram ng propaganda sa social media na nagsasaad na “The soldiers of Taghut are desperate to defeat the Muhajireen of the Islamic State of Marawi City…but Wallahi they won’t be successful. They won’t be able to defeat the force of Dawlah because Allah (Azza wa Jaal is on their side). That is why the Dawlah is once again inviting all our ikhwaanil Muslimeen in all parts of the Philippines and around the world to support our Muhajireen of East Asia. Let us go to Marawi, in Mindanao to join the war against the Conquerors of the soldiers of Tawagheet.”

Patuloy umanong inaalam ng NBI kung gaano na karami ang na-recruit na fighters ni Hamidon na pumunta sa Marawi at ito ay nagsimula sa kalagitnaan pa ng 2016 kung saan matagumpay niyang na-recruit ang ilang Indian nationals na pumunta sa Pilipinas at umanib sa Islamic extremist group sa Mindanao.

Si Hamidon na tubong Zamboanga pero ipinanganak sa Quezon City ay asawa ni Mohammad Jaafar Maguid, alyas Tokboy, at Abus Sharifa, dating lider ng Ansar Khalifa Philippines (AKP) group na responsible sa pambobomba ng Davao City night market noong Setyembre 2016 sa pakikipagtulungan sa Maute group, gayundin sa tangkang pambobomba sa US Embassy sa Maynila noong Disyembre 2016.

Una rin naging asawa ni Hamidon si Muhammad Shamin Mohammed Sidek,isang Singapore national na nakakulong dahil sa pagkakaugnay nito sa ISIS at kaibigan rin ni Musa Cerantonio, isang Australian Islamist preacher na nakapaghikayat ng maraming dayuhan na umanib sa ISIS at isinasailalim rin ng iba pang foreign intelligence agencies dahil sa posibleng pagkakaugnay nito sa international terrorist financing at pagapalaganap ng Islamic propaganda. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Lolo todas sa suntok

$
0
0

TODAS ang isang 62-anyos na lolo nang makipagsuntukan sa isang sa isang batang tricycle driver sa Paco, Maynila.

Kasalukuyang nagpapa-blotter hinggil sa insidente sa tanggapan ng Paz Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District (MPD)-Station 5, ang biktimang si Dominador Corpuz, 62, sari-sari store owner, ng 1249 Sagat St., Paco, kasama ang kanyang anak, nang bigla na lang mawalan ng malay ang biktima.

Isinugod ng mga pulis ang biktima sa Philippine General Hospital (PGH) ngunit idineklara na itong patay dakong 5:35 ng hapon.

Pinipigil naman ng pulisya para maimbestigahan ang itinuturong suspek na si Normar Salisi, alyas ‘Butchoy,’ 25, binata, tricycle driver, ng 6047 Santiago St., Paco.

Sa report ni SPO3 Richard Escarlan, ng MPD-homicide section, nabatid na bago nasawi ang biktima ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng suspek sanhi upang hamunin siya nito ng suntukan dakong 5:00 ng hapon sa harapan ng kanyang tindahan.

“Domeng, lumabas ka diyan, magsuntukan tayo!” hamon ng suspek sa biktima.

Kaagad namang lumabas ng kanyang tindahan ang biktima at nakipagsuntukan sa suspek hanggang sa bumagsak ito sa lapag.

Nakita naman ng ilang kapitbahay ang pangyayari kaya’t inawat ang pagsusuntukan ng dalawa.

Kaagad namang sinamahan ng kanyang anak na si David ang biktima sa Paz PCP upang magpa-blotter hinggil sa pangyayari ngunit pagdating doon ay bigla na lang itong nag-collapse at nasawi. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

17-anyos na rider tigok sa kalasingan

$
0
0

PIDIGAN, ABRA – Dahil sa kalasingan, patay ang isang menor-de-edad na lalaki habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos mahulog ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa irrigation canal sa Brgy. Naguirayan, Pidigan sa nasabing lalawigan kahapon, October 18.

Kinilala ang namatay na si Ricardo Teneza, Jr., 17, driver ng motorsiklo, ng Suyo ng nasabing bayan.

Samantala, under observation naman sa ospital ang backrider nitong si John Neria Sumulong, 16, ng Pamutic, Pidigan.

sa report ng Pidigan police, galing ang mga biktima sa inuman sa Brgy. Poblacion, Pidigan at pauwi na nang mangyari ang insidente.

Dahil nakainom ang mga ito, nawalan ng kontrol sa manibela si Teneza, Jr. kung kaya’t nagpagewang-gewang ito hanggang sa mahulog sa kanal ng isang irrigation na may lalim na kulang 10 metro.

Nabasag ang bungo ni Teneza at nag kabali-bali ang mga buto nito sanhi ng kanyang agarang pagkamatay at agad namang isinugod sa Abra Provincial Hospital si Sumulong.

Napag-alamang ang dalawa ay walang suot na helmet nang mangyari ang aksidente. ALLAN BERGONIA

6 pulis-Olongapo, nangreyp ng detainee

$
0
0

ANIM na pulis-Olongapo ang isinailalim sa restrictive custody matapos umanong ireklamo ng isang babaeng detainee na kanilang ginahasa umano may apat na buwan na ang nakalilipas.

Kabilang sa sinampahan ng kaso ng 30-anyos na detainee ang mga pulis na sina PO1 Raymond Diaz, PO3 Diosdado Alterado, PO3 Stevie Rivera, PO2 Nelson Abalos, PO1 Ed Mesias, at PO1 Gaylord Calara.

Ayon sa ulat, naganap umano ang panggagahasa at sexual assault noong June 29, habang nakadetine ang ginang sa police station 5 ng Olongapo City police sa Brgy. Sta. Rita dahil sa kanilang may kinalaman sa droga.

Diumano, pinagtripan muna ng isa sa mga pulis ang biktima at pinagsayaw ito sa kanilang harapan.

Matapos ito, ginahasa na umano ng isa sa mga pulis ang complainant habang nanonood ang iba pang mga alagad ng batas.

Nagkaroon lamang umano ng lakas ng loob na magreklamo ang biktima laban sa mga pulis matapos itong ilipat na detention facility.

Mariin namang itinatanggi ng mga pulis ang akusasyon laban sa kanila. JOHNNY ARASGA

Rider nagulungan ng cement mixer, pisak

$
0
0

PATAY ang isang rider matapos magulungan ng cement mixer nang tangkain nitong mag-overtake kaninang madaling-araw, Oktubre 20, sa Maynila.

Inaalam pa ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang pagkakilanlan ng biktimang naka-itim na T-shirts, naka-shorts at walang helmet.

Sa report ng Manila Traffic Bureau, dakong 2:00 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa San Marcelino St., kanto ng Ayala sa Ermita, Maynila.

Hawak na rin ng pulisya ang driver ng cement mixer (NUX 633) na si Joey Fajardo, 35.

Nauna rito, binabaybay ng suspek ang nasabing lugar nang sumingit ang biktima sakay ng kanyang motorsiklong Kawasaki.

Sa lakas ng pagkakabangga, napisak ang tadyang ng rider at nasawi noon din sa pinangyarihan ng insidente.

Nakatakda naman sampahan ng kasong rekless imprudence resulting to homicide si Fajardo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Fish broker binoga habang kumakain, tigok

$
0
0

TIGOK ang isang 59-anyos na fish broker matapos barilin habang nag-aalmusal sa loob ng isang restaurant kaninang umaga, Oct. 20, sa Navotas City.

Si Reynaldo Gungon, ng 55 S. Policarpio St., Brgy. San Jose ay namatay mismo sa pinangyarihan sanhi ng tama ng bala sa ulo na binaril nang malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin saka mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Paul Roma, nag-aalmusal sa loob ng Tita Fanny’s Eatery sa kanto ng C-4 Rd. at San Marcos St., Brgy. Bagumbayan North kung saan dumating ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo pasado alas-5:00 ng umaga kahapon at agad pumasok sa loob ng nasabing kainan.

Palinga-linga muna bago bumunot ng baril ang suspek saka malapitang binaril sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng empty shell at deformed slug ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon kay PO3 Roma, nag-request siya na makakuha ng kopya ng CCTV footage na nakakabit sa nasabing lugar na posibleng makatulong para makilala ang suspek at patuloy na inaalam kung anong tunay na motibo sa nasabing krimen. ROGER PANIZAL

2 dyip nagkarera, 1 dedo, 4 sugatan

$
0
0

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Dahil nagkaasaran sa karera ng pampasaherong dyip, isa ang patay habang apat ang malubhang nasugatan matapos humampas ang isang dyip sa waiting shed sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City sa nasabing lalawigan nitong Martes, October 17.

Kinilala ni Dagupan City police investigator PO1 Michael Calaunan ang biktimang si Alfredo Paulino, 45, ng nasabing barangay.

Samantala, nakilala ang mga sugatanng sina Salvador Brumuela, 32; Lelia Bambakan, 71; Haide Dawana, 53; at Charisma Libutan, 34.

Sa imbestigasyon, ayon kay Calaunan, nagkakarerahan umano ang dalawang pampasehong dyip sa kahabaan ng Brgy. Bonuan Gueset kung saan biglang nag-overtake ang driver na sinasakyan ng mga biktima.

Dahil dito, nawalan ito ng kontrol at dumire-diretso sa isang waiting shed.

Ayon sa mga doktor, hindi namatay si Paulino sa mga sugat kundi sa cardiac arrest.

Patuloy ang imbestigasyon ng Dagupan City police hinggil sa nasabing aksidente. ALLAN BERGONIA

Niligtas ang anak, ama pisak sa mixer

$
0
0

PARACELIS, MT. PROVINCE – Dahil lamang gustong mailigtas ang anak, isang 32-anyos na ama ang patay matapos maipit ng isang mixer truck sa Turod, Palitod, Paracelis sa nasabing lalawigan kahapon, October 22.

Kinilala ni Paracelis police investigator SPO1 Milo Danglapen ang biktimang si Roderick Dayag Bautista, tubong Asingan, Pangasinan at residente ng Katubagan, Palitod, Paracelis.

Samantala, ang driver ng mixer ay si Rodolfo Kipan Corpuz, 55, at residente rin sa naturang lugar.

Ayon kay Danglapen, nagkaroon ng mechanical defect ang mixer habang patungo ito sa mixing plant sa isang ilog.

Dito ay naibangga ang mixer sa isang punong-kahoy sa gilid ng kalsada hanggang sa bumaliktad ito na nagresulta upang madaganan si Bautista.

Nagtamo naman ng iba’t ibang sugat ang limang pahinante na kasama ng biktima.

Dahil dito, nakaligtas naman ang batang anak ni Bautista matapos niya itong itulak sa maluwang na bahagi ng kalsada bago ito maipit ng mixer.

Dahil sa tindi ng pagkaipit ng biktima ay agad itong binawian ng buhay at isinugod naman ang mga pahinante sa pinakamalapit na ospital. ALLAN BERGONIA


Target na riding-in-tandem, huhulihin nang buhay

$
0
0

HANGGA’T maaari ay hulihin nang buhay ang mga tatargetin na motorcycle-riding suspects, ayon sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa kanyang mga tauhan.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na hindi niya matiyak kung ang mga ilalatag na operasyon ay hindi magiging madugo.

“Keep them alive para walang problema, walang kaso. It’s so foolish of us to insist on killing these suspects unnecessarily. We have been facing a lot of criticisms already bakit namin patayin ‘yan na hindi naman dapat patayin,” pahayag nito sa isang press conference kaninang Lunes ng umaga.

Nauna nang sinabi ng PNP chief na prayoridad nila ngayon na bantayan ang mga riding-in-tandems matapos na alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato na mamuno laban sa illegal drugs.

Pero nilinaw naman ni Dela Rosa na nais din niya na ang kanyang mga tauhan ay manatili ring buhay.

Ang mga motorcycle-riding criminals aniya ay armado at mapanganib kaya kailangang preparado ang kanyang mga tauhan para ipagtanggol ag kanilang sarili.

Base aniya sa datos na nakalap ng Directorate for Investigation and Detective Management, 33% ng mga napatay na naitala mula July 1, 2016 – September 30, 2017 ay kagagawan ng motorcycle-riding criminals. BOBBY TICZON

Walang trabaho, nagbigti

$
0
0

NAGBIGTI ang isang 28-anyos na lalaki makaraang hindi makayanan ang problema sa sarili sa Quezon City kahapon, Oktubre 23, Lunes.

Si Roger Cortez Mangampo, Jr., walang trabaho, ay nakitang nakabigti sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa South 17 Scout Tobias cor. F. R. Martinez St., Brgy. Obrero, QC alas-5:45 ng hapon.

Sa inisyal na ulat, natagpuan si Roger na nakabigti ng kanyang inang si Aling Victoria.

Ayon sa ina nito, pinuntahan niya ang anak sa silid nito upang gisingin dahil hapon na ay hindi pa bumabangon, subalit ilang minuto na umano siyang kumakatok sa pintuan nito ay wala pa ring nagbubukas.

Dahil dito, minabuti ni Aling Victoria na tawagin ang anak na babae na si Ruby at dito na puwersahang sinira ang pinto ng kuwarto.

Nagulantang ang mag-ina nang bumungad sa kanila ang nakabiting katawan ng biktima kaya agad pinagtulungan ng mag-ina na ibaba ang huli mula sa kisame kung saan nito itinali ang cable wire na ipinulupot sa leeg.

Nabatid na nitong mga huling araw ay napapansin ng mga kapatid ang palaging bugnutin, malungkutin at pagkukulong ng biktima sa loob ng kanyang silid.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito. SANTI CELARIO

Ex-wife ng Quezon drug personality, dedo sa tandem

$
0
0

TUMIMBUWANG sa pananambang ang dating asawa ng itinuturing na top drug personality sa Quezon nitong Martes ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Rhine Christine Briones Alcala alyas Arlene Alcala, 34.

Si Arlene ay asawa ni Sajid Alcala na una nang sumuko sa awtoridad matapos masangkot sa illegal drug trade at maikabit sa Alcala Drug Group na nag-o-operate sa Quezon. Manugang ito ni Athel Alcala na umano’y mga top drug personality sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:35 p.m. sa national highway ng Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City.

Bago ito, minamaenho ng biktima ang kanyang puting sasakyan kasama ang kanyang mga kaibigan nang pagsapit sa lugar ay niratrat ng mga suspek.

Ayon sa talaan ng pulisya, dati na nilang naaresto si Arlene matapos ma-raid ang kanyang bahay at nakuhanan ng mga iligal na droga noong September 22, 2016.

Nakalaya naman daw ito matapos makapagpiyansa.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya para mahuli ang mga bumaril kay Alcala at malaman ang tunay na motibo sa pagpatay. BOBBY TICZON

Helper nabagsakan ng pader, dedo

$
0
0

PATAY ang isang truck helper matapos aksidenteng mabagsakan ng tipak na bato mula sa binanggang pader ng kanilang sasakyan kagabi, Martes, Oct. 24, sa Navotas City.

Si Leonard Marquez, 23, ng Bldg. 14, Aroma, Brgy. 105, Vitas, Tondo, Manila ay nagawa pang madala ng kasamahan sa Tondo Medical Center subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo.

Agad naman sumuko ang driver ng nasabing trak na si Deram Taub, 32, ng San Rafael Villarge, Navotas City, sa pulisya matapos ang aksidente na ngayo’y kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in homicide sa Navotas City Prosecutors Office.

Sa imbestigasyon ni Navotas police traffic SPO2 Guiama Nasa Ibrahim, nakatayo ang bikitma malapit sa uluhan ng trak na may plakang CMW-855 para asistihan ang kanyang driver sa loob ng kanilang garahe sa San Rafael St. pasado alas-10:00 ng gabi nang aksidenteng natumbok ito ang sementadong pader.

Hindi naman agad nakaalis ang biktima kaya nabagsakan ito ng mga tipak ng bato sa ulo na naging sanhi ng kanyang agaran pagkamatay. ROGER PANIZAL

Sekyu nag-suicide habang naka-duty

$
0
0

PATAY ang isang security guard makaraan umanong magbaril sa sarili sa kanyang binabantayang gusali sa Quezon City kagabi, Oktubre 24, 2017, Martes.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District–Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Mark Joseph Pia, 23, security guard ng Ultimate Shield Security Agency at residente ng No. 065 Lope K. Santos St., San Joaquin, Pasig City.

Namatay noon din si Pia sa tinamong tama ng bala ng caliber .9mm pistol sa kaliwang dibdib na tumagos sa likuran.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Ereno ng CIDU, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa binabantayan gusali ng biktima sa Ibon Center Bldg. sa 114 Timog Ave., Brgy. Sacred Heart ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Rolando Calvez, kasamahang guwardiya ng biktima, naglalakad umano siya papasok sa gusali para palitan sa pag-duty ang biktima nang makarinig siya ng isang malakas na putok ng baril.

Agad niyang tinungo ang pinagmulan ng putok at doon ay nakita niya ang biktima na duguang nakahandusay at wala nang buhay. Agad niyang ini-report ang insidente sa kanilang superior na siya namang nag-report sa pulisya.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD ang isang cal. 9mm pistol na may laman na apat na bala at isang basyo na ginamit sa pagpapakamatay ng biktima.

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng biktima sa pagpapakamatay. SANTI CELARIO

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>