Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Stude patay sa riding-in-tandem

$
0
0

PATAY ang isang 16-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem matapos dumalo sa birthday party sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City kagabi, Oktubre 25, Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Kevin Reantaso, binata, ng 8-E St., Benedict Paradise Village, Brgy. Sangandaan, QC.

Si Reantaso, grade 10 student, ay nasawi noon din sa tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat ni PO3 Jerome Dollente ng Quezon City Police District Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa General Ave. cor. Babuyan Alley, Brgy. Bahay Toro, QC dakong 7:45 ng gabi.

Sinabi sa ulat, dumalo ng birthday party ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Maria Shean Assuncion at Jerico Salgado sa no. 13-G Babuyan Alley cor. General Ave., Brgy. Bahay Toro.

Nabatid na makalipas ang ilang oras na pagdalo sa birthday party ay nagyaya nang umuwi ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan na witness.

Habang naglalakad sa kahabaan ng General Ave., Proj.8, isang lalaki umano ang lumapit sa biktima na naka-helmet at jacket at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Matapos bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek saka sumakay sa nag-aantay na motorsiklo ‘di kalayuan sa lugar.

Sinisiyasat pa ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang naturang kaso ng pamamaril. SANTI CELARIO


Rider, dedbol sa hit-and-run

$
0
0

DEDBOL ang isang 47-anyos na rider matapos bundulin ang kanyang motorsiklo ng isang rumaragasang pampasaherong dyip kagabi, Oct. 26, sa Malabon City.

Si Bienvenido Zagala, Jr., ng 214-P I Gozon Cmpd., Brgy. Tonsuya, ay namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Ayon kay Malabon police traffic investigator SPO3 Israel Aguinaldo, mabilis na sumibat ang driver ng pampasaherong dyip na may plakang PWC-529 na ngayo’y pinaghahahanap na ng mga awtoridad.

Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ang biktima ng kanyang Kawasaki motorcycle (OZ-8901) at habang tinatahak ang southbound lane ng Araneta Ave. pasado alas-11:25 ng gabi ay nahagip ito ng rumaragasang dyip sa kanto ng Mango Road, Brgy. Potrero.

Sa malakas impact, tumilapon ang biktima at tumama ang kanyang ulo sa gutter na naging sanhi ng kanyang pagkamatay na hindi man lamang binaba ng driver at sa halip ay mabilis na tumakas. ROGER PANIZAL

84-anyos na ina, hinataw ng sa ulo ng adik na anak

$
0
0

SA kabila ng paglapastangan at sugat sa ulo na tinamo ng isang 84-anyos na ginang nang paluin ng silya ng kanyang anak, umiral pa rin ang pusong ina nito na siya pang nakiusap sa mga tanod sa Caloocan City na huwag na itong ipakulong.

Si Ginang Flora Pancho, ng Blk 17, Lot 3, Landaska Torsillo, ng nasabing lungsod ay agad na isinugod ng mga tanod ng Brgy. 28 sa Caloocan City Medical Center upang mabigyang-lunas ang malaking sugat sa kanyang ulo matapos itong hatawin ng silya ng kanyang anak na si Eduardo Pancho, 47.

Agad din namang naaresto ang suspek na umano’y kilalang gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa kanilang lugar.

Nabatid, na dakong 4:00 kahapon nang dumating sa kanilang bahay ang lasing na suspek at pilit na hinihingan ng pera ang kanyang matanda nang ina.

Ayon sa isang kapatid ng suspek, nang wala umanong maibigay ang kanilang ina ay bigla na lamang kinuha ng suspek ang isang upuan at ipinalo sa ulo ng matanda.

Bagama’t tutol ang ina na ikulong ang kanyang anak ay pinag-aaralan pa rin ngayon kung dapat itong kasuhan dahil senior citizen ang nasabing ginang. RENE MANAHAN

Pamangkin ni Executive Sec. Medialdea, huli sa drug ops  

$
0
0

NATIKLO ng anti-narcotic authorities ang apat na drug suspect at nakumpiska ang may P780,000 cash sa magkahiwalay na operasyon nitong Sabado ng gabi sa Camarines Sur.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur ang mga suspek na sina Ryan Medialdea, na nagpakilalang pamangkin ni Executive Secretary Salvador Medialdea; Romeo Guevarra alyas Mansy o Amang; at Christian Bañaria alyas Chano.

Hindi naman makontak si Medialdea para hingan ng komento hinggil dito.

Ayon sa PDEA, nasilo nila ang tatlo sa Lendes Tourist Inn, La Medalla, Baao, Camarines Sur at nakumspika sa kanila ang P480,000 na halaga ng shabu.

Sa isa pang buy-bust operation, naaresto naman ng PDEA operatives, ang isang nagngangalang Leo Peyra sa kanyang bahay sa Brgy. Sta. Teresita, na nasa Baao rin.

Nakumpiska kay Peyra ang P300,000 halaga ng shabu.  BOBBY TICZON

P100K na pabuya vs killer ng Grab driver, inilaan

$
0
0

NAGLATAG ang ride-hailing service Grab Philippines ng P100,000 para sa anumang impormasyon para maaresto ang pumatay sa isa sa kanilang partner-drivers nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Grab Philippines spokesperson Leo Gonzales kaninang Lunes ng umaga, kung sino ang may nalalaman sa pagkakakilanan ng pumatay sa biktimang si Gerardo Amolato Maquidato, Jr. ay mangyari lamang na tawagan sila sa numerong 09176178731.

“We just put out a reward for any information leading to the capture of the perpetrators, P100,000 initially,” pahayag ni Gonzales.

Si Maquidato ay namatay matapos barilin at hinulog palabas ng kanyang minamanehong silver na Toyota Innova (YV-7109) ng kanyang killer na nagpanggap na pasahero.

Matatandaang si Maquidato ay ang Grab driver na nagdala sa isang may sakit na pasahero sa ospital nang walang siningil na bayad.

Sinabi ni Gonzales na tinignan na nila ang huling booking ni Maquidato para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek. Ang lahat aniya ng impormasyon ay naipasa na nila sa awtoridad. BOBBY TICZON

Bangka tumaob sa palaisdaan, 8 dedo

$
0
0

HUMANTONG sa isang malagim na trahedya ang simpleng pagse-selfie at pamamsyal ng magkakaibigan nang malagas ang walo sa kanila kabilang ang dalawang paslit matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa isang palaisdaan sa Binangonan, Rizal nitong Linggo ng hapon.

Sinabi ni Noli Celestro ng Binangonan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRRMO), na ang mga namatay sa pagkalunod ay nakilalang sina Neymaret Mendoza, Malou Gimena, Marilou Barbo Papa, Frederick Orteza, Weldie Pareno, Roleno Pareno, Sean Wilfred Orteza, 6-anyos at si Jajannah Jensom Parseno, 2-anyos.

Lima lamang sa mga pasahero ang nasagip na nakilalang sina Grace Parena, Merlita Hominez, Gerson Decreto, Joash Pareno, 10, at Maxine Orteza, 7.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado ala-1:25 p.m. sa isang palaisdaan sa Laguna Lake na malapit sa boundary ng Binangonan.

Bago ito, sumakay ang mga biktima sa bangka para mag-ikot-ikot sa Laguna Lake na kilalang may mga palaisdaan.

“Ayon sa kwento ng bangkero na hindi nakuha ang pangalan, ‘yung mga pasahero niya nagkukuha ng picture, nagseselfie-selfie. ‘Yung bigat napunta du’n sa lugar na walang katig, kaya tumaob ang bangka.”

Naniniwala ang pulisya na na-trap ang mga biktima sa pagitan ng bangka at burak kaya hindi nagawang makalangoy paitaas ng lawa.

Nabatid pa na walang suot na life vest ang mga biktima nang maganap ang insidente at nabatid pa na ang lahat ay lumagda sa isang affidavit na hindi nila maidedemanda ang operator sakaling magkaroon ng aksidente.

“Siguro may pagkukulang din ‘yung operator ng bangka. Hindi niya nabigyan ng briefing ‘yung pasahero niya. Isa pa sa nangyari du’n, walang mga life vests na kailangang-kailangan ‘pag bibiyahe tayo sa tubig,” pahayag ni Celestro. BOBBY TICZON

Ex-US Army dedo sa tandem

$
0
0

BUMULAGTA sa tama ng baril ang isang dating miyembro ng US Army nang manlaban sa dalawang armadong kalalakihan sa probinsya ng Cotabato kaninang Lunes ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Cruzado Medical Center (CMC) sa Pikit sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Michael Jeff Keith, 60, negosyante, ng Cagayan de Oro City.

Habang hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang mga tumakas na suspek.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:55 a.m. sa may Brgy. Poblacion, Pikit Cotabato.

Bago ito, lulan ang biktima sa isang delivery van at pabalik ng Cagayan de Oro City nang sa hindi pa malamang dahilan ay tumigil ito sandali sa nasabing barangay.

Sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakataon at nilapitan ang biktima saka nagdeklara ng holdap.

Pero imbes ibigay ang kanyang pera, nanlaban ang dayuhan kaya pinagbabaril ito ng isa sa mga suspek.

Tumakas ang mga suspek lulan sa isang motorsiklo tangay ang bag ng biktima na naglalaman ng P200,000.

Nito lamang nakaraang linggo, isang negosyanteng Pakistani national naman ang hinoldap din at pinatay sa Brgy. Dalingaoen, Pikit, Cotabato.

Hinala ng pulisya na ang pumatay sa Pakistani national ay siya rin pumatay kay Keith. BOBBY TICZON

3 killer ng magkasintahan, tiklo

$
0
0

ARESTADO na ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang magkasintahang estudyante sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat, nahuli ang mga suspek matapos ituro ng nakonsensya nilang kasabwat sa pagpatay kina Charmaine Villarias at John Vincent Umiten, mga mag-aaral ng Colegio de Montalban.

Bukod sa pagpaslang, pinaghihinalaang ginahasa pa ng mga ito si Villarias, na umano’y “bread winner” ng kanilang pamilya.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Leonador alyas “Tonton”, Jesus Ubani, Jr. alyas “Jojo”, at Michael Sales.

Unang naaresto, ayon sa pulisya, si Leonador nitong Oktubre 6 dahil sa kaso ng iligal na droga.

Inamin ni Leonador sa isang panayam sa lokal na media na kasama siya nina Ubani at Sales sa pagpaplanong nakawan ang dalawang biktima.

Nagtagumpay umano sila sa pagnanakaw sa dalawa ngunit nagpumilit pa si Ubani na gahasain si Villarias.

Nagalit aniya si Ubani nang magpumiglas si Villarias kaya nilaslas nito ang kanyang leeg at saka pinatay na rin ang nobyo nito.

Parehas nakagapos ang mga biktima nang matagpuan sa liblib na bahagi ng Brgy. San Jose. -30-


Magkapatid sinuwag ng kotse, dedo

$
0
0

BUMALANDRA sa kalsada ang isang magkapatid na babae matapos masuwag ng kotse habang tumatawid sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan kaninang Martes ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa ospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Jean dela Rosa, 45, at Jennylyn, 24, kapwa ng nabanggit na bayan.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek na nakilalang si Maynard Espiritu, 31, ng Brgy, Mabalasbalas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:35 a.m. sa national highway ng Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Bago ito, patawid ang magkapatid sa nasabing kalsada nang mabunggo ng humaharurot na sasakyan ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasuwag ay tumilapon ang magkapatid nang ilang metro saka bumagsak sa sementadong kalsada. BOBBY TICZON

Rider tepok, 2 kritikal sa salpukan ng motor

$
0
0

CALASIAO, PANGASINAN – Patay ang isang lalaki habang dalawa pa ang malubha nasugatan matapos magbanggan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. San Miguel, kahapon (October 31), bisperas ng Undas.

Dead-on-arrival ang motorcycle rider na si Michael John Tuliao habang kritikal naman sa ospital ang magkaangkas na sina Jose De Vera, Jr. at Merlo de Nieva.

Ayon sa Calasiao police, harapang nagsalpukan ang dalawang motorsiklo at sa lakas ng impact ay tumilapon pa sa kalsada ang mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng police na nakainom ng alak si De Vera na nagmamaneho ng motorsiklong nakabanggaan ni Tuliao. Napag-alaman ding walang helmet na suot si Tuliao.

Sa ngayon, patuloy na iniimbistigahan ang naturang kaso. ALLAN BERGONIA

Senglot naatrasan ng tinulugang dyip, dedo

$
0
0

SARRAT, ILOCOS NORTE – Isang lalaki na natutulog sa ilalim ng dyip ang patay matapos maatrasan ng sasakyan kahapon (November 1) sa bayan ng Sarrat sa nasabing lalawigan.

Ayon sa Sarrat policee, galing sa inuman ang biktimang si Ismuel Rasay, 16, noong Martes ng gabi.

Dahil sa sobrang kalasingan, natulog si Rasay sa ilalim ng pampasaherong dyip na naka-park sa gilid ng barangay hall.

“Bale itong biktima ay nakatulog sa ilalim ng passenger jeep kasi nakainom, galing kasi sa inuman, umuwi sa bahay at nagwala pa doon. So bumalik ito sa Barangay 1 at doon nga inabot ng antok at natulog sa ilalim ng jeep,” ani Supt. Sarrat police commander Roldan Suitos.

Kahapon, habang inihahanda at pinaaandar daw ng driver na si Bienvenido Basug ang dyip, nagulat na lamang ito na ang akala niyang sementong naatrasan at nagulungan ay tao pala.

“Inatras ko, wala pa naman akong napansin na tao. Nang inabante ko at kinabig pakaliwa ang sasakyan, akala ko ang aking naatrasan ay ang semento sa gilid na dati ko nang naaatrasan, tao na pala,” ani Basug.

Nagtamo ng matinding tama sa tiyan, mukha, at ulo ang biktima na agad itong kinamatay.

Samantala, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng dyip sa sumuko sa pulisya. ALLAN BERGONIA

69-anyos, kinatay ng 2 bagets na hardinero

$
0
0

PATAY ang isang 69-anyos na babae matapos pagsasaksakin at sakalin ng kanyang dalawang menor-de-edad na hardinero nang mahuling niyang nagnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Diamond Subd., Angeles City, Pampanga nitong Lunes, October 31.

Kinilala ang biktimang si Florida Velazquez na pinatay ng kanyang 15 at 17-anyos na mga hardinero na kapapasok lamang noong October 21.

Ayon kay Angeles Police Station 4 commander C/Insp. Aris Gonzales, nahuli ni Velasquez sa akto ang dalawang suspek na puwersahang sinisira ang protective screen ng bahay at door lock ng backdoor nito.

Ayon kay Gonzalez, inamin ng dalawang menor-de-edad ang krimen dahil nahuli sila na nasa loob ng bahay at nililimas ang mga kagamitan nito.

Nagtano si Velazquez ng 16 na saksak at sinakal pa hanggang sa mamatay gamit ang cable wire.

Makalipas lamang ang ilang oras ay naaresto na ang dalawang suspek na nagtago sa kanilang mga magulang.

“Nagkasala po sila, natural pagbabayaran nila ‘yung kasalanan. Kasalanan ‘yun eh, ‘di naman po dapat kunsintihin,” anang isang ama ng mga suspek.

Dinala na ang dalawang suspek sa Angeles City Department of Social Welfare and Development (DSWD) office dahil sa pagiging menor-de-edad. ALLAN BERGONIA

QC Jail riot sumiklab sa presong binangungot

$
0
0

DAHIL lamang sa hindi pagkakaintindihan, nagrambol ang mga miyembro ng dalawang magkaribal na gang sa isang kulungan sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Naawat naman agad ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Special Weapons and Tactics (QCPD-SWAT) team at Bureau of Jail Management and Penology Special Tactics and Response (BJMP-STAR) Team ang ilang minutong kaguluhan kaya ilan lamang sa mga preso ang bahagyang nasaktan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4 a.m. sa loob mismo ng Quezon City Jail (QCJ) sa Brgy. Kamuning, QC.

Bago ito, biglang binangungot ang isang miyembro ng Bahala na Gang (BNG) kaya tinangka itong i-revive ng kanyang mga kasamahan.

Pero sa pagmamadaling maibigay ang balde na may tubig ay nabitiwan ito ng isang presong nagdadala at nasabuyan ang mga Batang City Jail na natutulog.

Sa pag-aakalang sinadya, umalma ang mga miyembro ng BCJ at sinugod ang kanilang karibal na gang na humantong sa ilang minutong upakan.

Agad naming pinulong ni Quezon City Jail warden Superintendent Ermilito Moral, ang kapwa lider ng magkabilang gang at sa huli ay nagkapaliwagan na hindi pagkakaunaawan ang ugat ng kaguluhan.

Sa kabila nito, binawian ng buhay ang bilanggong binangungot na hindi nakuha ang pangalan. BOBBY TICZON

4 na balot vendors, tiklo sa paglalako ng shabu

$
0
0

NASILO sa buy-bust operation, ang apat na drug pushers na nagpanggap na balut vendor para mailako ang kanilang itinutulak na shabu sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni PDEA-12 Dir. Gil Castro, ang mga naarestong mag-aama ay nakilalang sina Angelito Ulangkaya, 57, mga anak na sina John Michael Ulangkaya, 23, estudyante, at Freeman Ulangkaya, 38, pawang mga taga-Brgy. Katungal, GM Homes Zone 1, Tacurong City, at Rahib Abdullatif, 30, negosyante, ng Brgy. Malingao, Shariff Aguak, Maguindano.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Purok Rosas, Brgy. Buenaflor, Tacurong City.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang PDEA hinggil sa kakaibang modus operandi ng mga suspek na magtinda ng balut kasama ang shabu at marijuana.

Tawag ng tungkulin, ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Nakumpiska sa kanila ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P330,000, drug paraphernalia at mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Isinampa na laban sa mga suspek ang kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. BOBBY TICZON

Misis tumanggi sa sex, mister nagbigti

$
0
0

WINAKASAN ng isang driver ang kanyang buhay matapos umanong tumangging makipagtalik ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 4, Sabado.

Kinilala ang biktimang si Gary Andes, 38, may-asawa, ng 225 Lot 16, Phase 8, Path St., North Fairview, QC.

Sa ulat ni PO1 Christian Loyola ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang walang buhay na biktima sa second floor ng kanilang bahay sa North Fairview, QC dakong 5:00 ng umaga.

Nabatid na nitong nakalipas na Nobyembre 1, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at asawa nitong si Maricris matapos umano itong tumangging makipagtalik sa mister.

Ito ngayon ang hinihinalang dahilan kaya sumama ang loob ng biktima na labis umano nitong dinamdam.

Kahapon ng madaling-araw, pinuntahan ng misis ang biktima sa kuwarto nito at laking gulat nang makita ang biktima na nakabitin gamit ang electrical wire.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na tumanggi na ring ipa-autopsy ng misis ang bangkay ng biktima. SANTI CELARIO


RIT umatake, trike driver todas

$
0
0

TODAS matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang 19-anyos na tricycle driver habang nakaupo sa harap ng isang establisimyento sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jomar Casila, 19, tricycle driver,ng 443 Camia St., Tondo bunsod nang dalawang tama ng bala sa dibdib at braso.

Inaalam naman ang pagkakilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan ng Minitel sa 14 Gumamela St., Road 10, Tondo.

Sa imbestigasypn, nakaupo sa harap ng naturang establisimyento ang biktima nang hintuan siya ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Agad na bumaba ang backride at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang isang kalibre .9mm na baril.

Nang makitang duguan ang biktima ay agad nang sumakay sa motorsiklo ang backride saka tumakas.

Naisugod pa ng kanyang kapatid na lalaki sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pera ng kumpanya nilustay sa casino, messenger kulong

$
0
0

KULONG ang isang 24-anyos na messenger nang lustayin sa casino ang daan-daang libong pambayad ng pinapasukang brokerage and freight services sa isang shipping lines, sa Binondo, Maynila.

Ang suspek na si Jhon Ace Tanedo, ng Tramo St., Pasay City, at empleyado ng Fortune Brokerage and Freight Services, Inc., ay isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong qualified theft na inihain ng kinatawan ng kumpanya na si Freddie Niceta III, 48.

Sa ulat mula sa tanggapan ni C/Insp. Eduardo Pama, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, si Tanedo ay inireklamo ng suspek ng assistant finance manager na si Niceta matapos umamin na naipatalo niya sa casino sa Sta. Cruz, Maynila ang halagang P200,000 na ipinagkatiwalang ipadala sa kanya para ibayad sa Ben Line Shipping Lines.

Napag-alamang nitong Nobyembre 3 nang umalis si Tanedo alas-9:30 ng umaga para magtungo sa nasabing shipping line upang magbayad at maiproseso na mga papeles sa paglalabas ng mga kargamento sa Pier subalit umabot na ng hapon ay hindi pa rin makontak ang suspek sa kanyang cellphone.

Dakong 4:00 ng dumating sa opisina ang suspek na hindi makasagot sa mga katanungan kung nakabayad na ito.

Maya-maya ay nakiusap ang suspek na mag-usap sila sa labas at doon ay may isang lalaki na naghihintay at nagsabing nakasangla ang motorsiklo ng suspek.

Sa puntong iyon ay ipinagtapat na ng suspek na naipatalo sa casino ang dalang malaking halaga kaya hindi nabayaran ang shipping line.

Dahil sa pangyayari, isinama ang suspek sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Malaking pagsisisi naman para sa suspek ang pangyayari dahil nasira na ang tiwala sa kanya ng manager na ninong pa naman niya sa kasal at malapit na ring manganak ang kanyang misis. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kotse sumalpok sa puno, 4 patay, 2 sugatan

$
0
0

APAT ang namatay habang dalawa naman ang sugtan nang sumalpok ang isang kotse sa mga puno ng niyog sa Roxas City kaninang madaling-araw.

Dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Bryan Macalintal ng Brgy. Culasi, Patrick James Llave at Jomer Baes ng Brgy. Tanque, at John Bert Chinggo ng Fuentes Subd., Roxas City.

Sugatan naman at ginagamot sa ospital ang driver ng Mitsubishi Mirage na si Happy Oronio Singh, Indian national, at Joy Felarca, kapwa ng Brgy. Dolores, Dumalag, Capiz.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:45 a.m. sa People’s Park, Brgy. Baybay, Roxas City.

Ayon sa nakasaksi, mabilis ang pagpapatakbo ng nasabing sasakyan dahilan para magdire-diretso ito sa mga puno ng niyog.

Sa lakas umano ng pagkakasalpok ay tumilapon sa daan ang apat na mga biktima na kanilang ikinamatay.

Napag-alamang nagro-road tripping at nagkakasiyahan ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Bago ito, nanggaling pa ang magkakaibigan sa isang bar sa lungsod ng Roxas upang uminom kaya hinihinalang lasing ang nasabing driver.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng traffic section ng Roxas City PNP ang nasabing pangyayari. BOBBY TICZON

Babae dedo, Indian nat’l sugatan sa holdaper

$
0
0

NAMATAY agad ang isang backrider habang sugatan naman ang nagmamaneho ng motorsiklo na Indian national matapos silang tambangan sa Camarines Sur kaninang Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktimang si Mary Jane Sañano, 26, ng Brgy. Bulawan, Lupi.

Sugatan naman sa kaliwang hita at isinugod sa pagamutan ang motorcycle driver na nakilalang si Dupinder Singh, 30.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:30 a.m. sa spillway ng Brgy. Tapi.

Bago ito, magkaangkas ni Singh at si Sañano para maningil ng mga pautang nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Nang matumba ang magkaangkas, itinakas pa ng isa sa mga suspek ang motorsiklo ni Singh.

Ayon naman sa mga residente, tatlong putok ng baril ang narinig nila at nakita ang mga suspek na itinakbo ang motorsiko ni Singh.

Inilatag na ang hot-pursuit operation laban sa mga suspek na kilalang tirador ng mga Bumbay na may lending business. BOBBY TICZON

2 Nigerian nat’l, tiklo sa P5M shabu

$
0
0

NAKWELYUHAN ng awtoridad ang dalawang Nigerian national matapos mahulihan ng shabu sa isang buy-bust operation sa Cavite town, kaninang Miyerkules ng madaling-araw.

Hindi na nakaporma pa at agad na sumuko ang mga suspek na nakilalang sina Solomon Lewi Anochiwa, 34, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Bicutan, Parañaque.

Isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P5-milyon ang naibenta ng dalawang suspek sa isang poseur buyer sa operasyon na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Camarines Sur at Region 4-A sa Centennial Road, Kawit, Cavite.

Pinursige ng PDEA-Camarines Sur na madakip ang dalawang Nigerian matapos silang ikanta ng isa sa apat na nahuli ng awtoridad na si Olivia Encinas sa isang buy-bust operation naman sa Almeda Highway, Naga City noong Nobyembre 4.

Ayon kay Encinas, sila Anochiwa at Ozoma rin ang isa sa kanyang suppliers ng shabu na ibinebenta niya naman sa Kabikulan at Visayas region.

Nahaharap sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sila Anochiwa at Ozoma. BOBBY TICZON

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>