Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Grab driver killer: ‘Pera lang ang gusto ko pero lumaban siya’

$
0
0

AMINADO man na siya ang pumatay, depensa naman ng naarestong suspek sa pagpatay sa Grab driver Gerardo Maquidato, Jr. na ang kanyang motibo ay holdapin lamang ito pero lumaban kaya niya ito tinuluyan.

“Alam ko mahihirapan kayong mapatawad ako pero pera lang ang gusto ko sa kanya pero lumaban po siya,” pahayag ng suspek na si Narc Tulod Delemios, alyas Miko, sa isang press conference sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame kaninang Miyerkules ng umaga.

Si Delemios ay iprinisinta sa media at sa pamilya Maquidato ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Pero taliwas naman ang paniniwala ng misis ni Maquidato na si Brenda, at sinabi na kaya lumaban ang kanyang mister ay upang makabalik sa kanyang pamilya.

“Alam ko hindi lalaban ang asawa ko. Alam ko gusto niyang bumalik sa pamilya niya. Alam ko ang iniisip niya paano siya makaaalis sa ‘yo para makauwi sa amin,” umiiyak na sambit ni Brenda.

Tinanong naman ng nanay ni Maquidato kung bakit hindi niya binigyan ng tiyansa ang kanyang anak.

“Hindi mo pinagbigyan. Bakit mo ginawa? Napakawalang puso mo, masahol ka pa sa hayop,” sambit ng ginang.

“Napakasipag niya. Parang hayop ang ginawa mo sa kanya. Pagsisisihan mo nang habambuhay ang ginawa mo,” dagdag nito.

Naniniwala naman si Dela Rosa na gumagamit ng droga si Delimios kaya iminungkahi niya itong ipa-drug test.

Naaresto si Delemios nitong nakaraang Martes ng gabi sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Niño sa Pasay City.

Malaki ang naitulong ang pakikipag-koordinasyon ng hindi pinangalanang nobya ni Delimios sa pulisya sa pagkakahuli sa suspek dahil ang ginamit nitong cellphone sa pagrehistro sa serbisyo sa Grab ay sa kanya. BOBBY TICZON


OFW kinuyog sa beerhouse, malubha

$
0
0

ISANG 24-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang binugbog at pinagsasaksak ng grupo ng kalalakihan sa loob ng videoke kaninang madaling-araw, Nov. 9, sa Malabon City.

Si Aldrin Zulueta, ng Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, ay kasalukuyang nakaratay at inoobserbagahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa likuran, habang ang dalawa sa mga suspek na nakilalang sina Edmar Cruz, 26, at Mark Kerwin Tibulan, 25, mga taga-#77 Celia 2 Brgy. Bayan-Bayanan ay naaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 7.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Jose Romeo Germinal II, lumalabas na kasama ng biktima ang kanyang kaibigang sina John Edward Lachica at Harold Joy Velasco at nag-iinuman sa Over Stay KTV sa Gen. Luna Ave., Brgy. San Agustin pasado ala-1:00 kaninang madaling-araw.

Matapos makaubos ng ilang bote ng beer, nilapitan sila ng ilang grupo ng kalalakihan na nag-iinuman din sa nasabing KTV bar.

Dito na nagkainitan ang biktima at mga suspek kung saan agad bumunot ng patalim si Cruz at agad na pinag-uundayan ng saksak ang biktima habang si Tibulan ay sinaksak din ng basag na bote sa ulo.

Sa kabila ng mga tinamong sugat ng mga biktima ay nakatakbo pa ito palabas ng nasabing viedeoke bar habang patuloy na kinukuyog ng mga suspek pero nagkataon namang parating ang isang mobile car ng PCP-7 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. ROGER PANIZAL

Vendor mula Marawi, itinumba sa Maynila

$
0
0

ISANG 23-anyos na vendor mula pa sa Marawi City ang patay nang barilin ng hindi nakilalang gunman sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Abdulfarta Cabugatan, ng 15th St., Port Area, Maynila na agad binawian ng buhay dahil sa anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nakatakas naman ang suspek matapos maisagawa ang krimen.

Sa report ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Zaragosa at Delpan St., Tondo kung saan nakita pa ang biktima na tumatakbo habang hinahabol ng suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar ay nakabuwelo ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Golden Mosque sa Quiapo para sa tradisyunal na paglilibing sa isang muslim.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para alamin ang motibo ng suspek sa pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

NPA ambush: Sanggol, pulis dedo, 6 sugatan

$
0
0

NALAGAS sa ambush, ang isang pulis at sanggol habang anim katao naman ang nasugatan kabilang ang tatlo pang pulis nang ratratin ng New People’s Army (NPA) rebels ang dalawang behikulo na kanilang sinasakyan sa Bukidnon nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Supt. Lemuel Gonda, Region 10 spokesperson, nakilala ang ang napatay na si Machorao Malysha, 4-months old, at SPO3 Arnel Carillo.

Isinugod naman sa magkakahiwalay na ospital sa Bukidnon at Cagayan de Oro City ang mga nasugatang sina Ali Citi, 53, na tinamaan sa kaliwang dibdib, Ali Aminsalam, 37, na tinamaan sa kanang braso at isang Alexander Maniscan.

Sugatan din sina Insp. Joven Acuesta, hepe ng Bombaran Municipal Police Station sa Lanao del Sur, SPO1 Pacifico Cabudoy, at PO1 Nathaniel Ibal.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:30 p.m. sa Km. 28 Brgy. Tikalaan, Talakag, Bukidnon.

Bago ito, magkasunod na tumatakbo sa nasabing highway ang isang mobile patrol at isang gray na Toyota Fortuner (UNI 707) na pawang sinasakyan ng mga biktima.

Lingid sa kanilang kaalaman, nakapuwesto na pala ang mga rebelde at nang pagdaan nila sa naturang lugar ay saka sila inambus.

Hinahanting na ngayon ng pulisya ang mga rebelde para panagutin sa malagim na pag-atake. BOBBY TICZON

Nawawalang dalagita, natagpuan bangkay sa Iloilo

$
0
0

BANGKAY na nang matagpuan ang isang dalagita kahapon, Linggo ng umaga, na iniulat na nawawala sa Iloilo.

Ayon kay S/Insp. Samuel Vipinosa, hepe ng pulisya ng Dingle, Iloilo, ang bangkay ng 15-anyos na hindi pinangalanang biktima at taga-Brgy. Camambugan sa bayan ng Dingle ay nasa state of decomposition na.

Sa ulat, natuklasan ang bangkay dakong 6 a.m. sa isang ilog na sinasakupan ng naturang barangay.

Ayon sa lolo at lola ng biktima, may dalawang araw nang hindi nakauwi ang biktima simula ng utusan nila itong bumili sa tindahan.

Natagpuan ng dalawang mangingisda sa ilog, ang labi ng dalagita na nakahubot-hubad.

Naniniwala ang lolo at lola ng biktima na ginahasa ang kanilang apo bago pinatay saka pinaanod sa ilog. BOBBY TICZON

Maria Isabel Lopez, tatanggalan ng lisensya

$
0
0

POSIBLENG matanggalan ng lisensya ang aktres na si Maria Isabel Lopez matapos alisin ang traffic cones para makadaan sa ASEAN Lane sa EDSA nitong nakaraang Sabado.

Dahil dito, irerekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspensyon sa driver’s license ni Lopez.

“That lane has been the subject of a series of [meetings] ng security. We are the host country, mabuti at walang nangyaring banggaan otherwise the Philippine government particularly MMDA will be hit and not the beauty queen, who is also a [representative] of the country,” pahayag sa text message ni LTFRB board member Aileen Lizada sa mga reporters.

“LTO has been informed of her violation,” dagdag pa nito. “She is not a good role model as a beauty queen.”

Si Lopez, na siyang pambato ng bansa at Binibining Pilipinas Universe 1982 titleholder, ang umani ng batikos nang i-post niya sa kanyang FB account na tinanggal niya ang divider cones na naghihiwalay sa ASEAN Lanes na nakareserba para sa delagado para hindi matrapik sa Sabado.

“Driving with hazards ‘on’ at the #aseanlane. I removed the divider cones!! Then all the other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If you can’t beat ‘em, join them! #nosticker #leadership,” pahayag ni Lopez sa kanyang Facebook post.

Sinabi ni Lizada na sinabihan na niya si Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na imbestigahan si Lopez sa posibleng “security breach.”

“Paimbestigahan natin,” pahayag ni Dela Rosa sa isang text message kay Lizada na ipinakita naman ng LTFRB official sa mga mamamahayag.

Sinabi ni Lizada na rerebyuhin ng LTFRB ang closed-circuit television camera footage sa lugar para malaman ang iba pang detalye ng mga motorista na nagsunuran sa sasakyan ni Lopez. BOBBY TICZON

May kasong murder, inutas sa Malabon

$
0
0

PATAY ang isang lalaki na may kasong murder matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang magbanta ang una na babarilin nito ang isang pedicab driver na tetestigo laban sa kanyang kaso kagabi, Nov. 12, sa Malabon City.

Si Miomer Andrade alyas “Mutiong Derder”, ng Perez St., Brgy Tonsuya, ay hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng isang tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, pasado alas-7:43 ng gabi, lango sa alak ang nasawi nang komprontahin nito ang kanyang kapitbahay na si Tobias Arquio, 60, sa Roque St. at kanyang binantaang babarilin ng at pasigaw pa na sinabihang “gusto mo patayin kita ngayon ayaw mo rin lang magpa-areglo?”

Para makaiwas na lamang sa gulo si Tobias ay umalis ito at habang naglalakad ay bigla siyang nakarinig ng putok ng improvised shotgun mula kay Andrade saka sinundan naman ng isang putok pa ng baril mula naman sa hindi pa nakikilalang suspek na bumaril sa biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa saksi, nakita na lamang niyang tumumba si Andrade na duguan habang ang hindi pa nakikilalang suspek ay naglalakad lamang palayo.

Nakarekober ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng empty shell ng kalibre .45 at isang improvised shotgun na dinala na sa PNP Crime Laboratory para sa ballistic at cross-matching examination. ROGER PANIZAL

Rambulan sa Malabon, 1 patay, 2 sugatan

$
0
0

ISA ang patay habang dalawa pa ang malubhang sugatan sa naganap na rambulan ng dalawang grupo sa loob ng beerhouse kaninanag madaling-araw, Nov. 14, sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Lito Tumampil, 19, ng 27089 Custodio St., Brgy. Santulan, Malabon.

Ginagamot naman sa Valenzuela City Medical Center sanhi rin ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sina Michael Lanticsi, 27, ng Mabolo St., Brgy. Maysilo, at Ramil Afable, 25, ng Custodio St.

Naaresto naman ng mga pulis sa Valenzuela Medical Center kung saan ginagamot ang isa sa mga suspek na si John Mark Manalo, 23, ng Bukid St., Brgy. Arkong Bato, habang pinaghahahanap pa sina Joshua Sanye, 18, at Mark Anthony Gonzales, 18, kapwa ng Sagip St., Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon nina PO3 Julius Mabasa at PO3 Randy Billedo, dakong 12:10 ng madaling-araw, magkahiwalay ng mesa na nag-iinuman ang magkabilang grupo sa M. H. Del Pilar, Brgy. Santulan, Malabon nang takutin umano ng suspek na si Gonzales si Tumampil.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim si Gonzales at sinaksak sa dibdib si Tumampil.

Armado rin ng patalim si Sanye at inundayan ng saksak ang mga biktimang sina Afable at Lanticsi, habang nagtamo naman ng sugat sa ulo at katawan ang suspek na si Manalo sa gitna ng kaguluhan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman ang mga biktima sa nasabing mga pagamutan. ROGER PANIZAL


Taxi driver na dating drug user, inutas

$
0
0

TODAS ang isang taxi driver na dati umanong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City kahapon ng madaling-araw, Nobyembre 15, 2017.

Kinilala ang biktimang si Adrian Tresvalles, 39, ng No.31 Kalayaan – C, Brgy. Batasan, QC.

Si Tresvalles ay nasawi noon din sa loob ng kanilang bahay dahil sa tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ulat ni PO3 Alvin Quisumbing ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa bahay ng biktima dakong 1:30 ng madaling-araw.

Bago ito, natutulog ang biktima at kanyang asawang si Zaineth nang biglang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang hindi kilalang gunman at binaril nang dalawang beses ang biktima.

Nabatid sa QCPD station 6 Batasan police, dati umanong sumuko ang biktima sa sa “Oplan Tokhang” sa kanilang barangay dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek. SANTI CELARIO

Motor sumalpok sa kotse, 1 patay, 2 sugatan

$
0
0

PATAY ang isang rider habang sugatan naman ang dalawang babaeng angkas nito matapos sumalpok sa kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Quezon City kagabi, Nobyembre 15, Miyerkules.

Kinilala ni S/Insp. Josefina Quartero, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 6 ang nasawing si Jomar Rosas, 23, empleyado, ng Meycauayan, Bulacan.

Si Rosas ay namatay sanhi ng pagkabagok ng ulo at pinsala sa kanyang katawan nang humampas sa konkretong kalsada.

Sugatan naman ang dalawang angkas sa motorsiklo na sina Jovelyn Racelda, 20, ng Bocaue, Bulacan, at Maricel Valdez, 26, ng Brgy. San Agustin, Novaliches, QC.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO3 Arman Milad, traffic investigator, naganap ang insidente dakong 11:45 ng gabi sa kahabaan ng EDSA sa Brgy. Sto. Kristo, QC.

Sa ulat, sinita ng MMDA Traffic enforcer ang matulin na takbo ng motorsiklo ng biktima sa kahabaan ng North Ave. habang angkas sa likuran sina Jovelyn at Maricel.

Ngunit hindi umano tumalima sa MMDA enforcers ang mga biktima, at sa halip pinaharurot pa patungong EDSA.

Hinabol ng MMDA enforcers ang motorsiklo at pagsapit sa EDSA sa kanto ng Nueva Ecija St., Brgy. Sto. Kristo ay sumalpok ito sa kanang bahagi ng Honda Civic (OCW– 603) na minamaneho ng 40–anyos na si Gerwin Dagdag.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang tatlo mula sa nawasak nilang sasakyan na agad ikinasawi ni Rosas.

Naisugod ang tatlo sa Quezon City General Hospital subalit hindi na naisalba ang buhay ni Rosas. SANTI CELARIO

Bahay rinatrat, binatilyo dedo, nanay sugatan

$
0
0

BUMULAGTA sa loob ng bahay ang isang binatilyo habang sugatan naman ang kanyang ina nang pagbabarilin ang kanilang bahay sa Tondo, Maynila kaninang Biyernes ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Keifer Anselmo Ramos, 19, ng Alvarado Extension.

Tinamaan naman ng bala sa balikat at hita at ngayon ay nakaratay sa ospital ang nanay ng biktima na si Amapola, 39.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:25 a.m. sa bahay ng mag-ina.

Ayon kay Arthur Soriano, chairman ng Brgy. 250 Zone 23, tatlong lalaki ang pumasok sa bahay ng mag-ina at agad tinarget si Keifer.

Sinubukang pigilan ni Amapola ang pagpasok ng mga salarin sa kanilang bahay ngunit tinamaan na siya ng bala.

Tumakas ang mga salarin patungong Sanchez Extn. at pumasok sa isang eskinita.

Nabatid na may death threat si Soriano na may kinalaman sa kanyang karelasyon pero kinukumpirma pa ito ng Majila Police District Homicide Division. BOBBY TICZON

Holdaper nakulangan sa naholdap, taxi driver sinaksak

$
0
0

DAHIL nakulangan sa pera na nakulimbat, isang taxi driver ang nasugatan nang saksakin pa ito ng holdaper na nagpanggap na pasahero sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Nagtamo ng saksak sa kanang kamay ang biktimang nakilalang si Franklin Sasoter habang inilarawan naman ang suspek na 5’3 ang taas, medium built, maitim at naka-polo shirt, maong pants at rubber shoes.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1:15 ng madaling-araw sa Talayan area, Brgy. Batasan Hills, Q.C.

Ayon kay Sasoter, bago ang insidente ay pinara siya ng suspek sa Filinvest at nagpahatid sa Talayan area.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng naturang lugar, tinutukan siya ng kutsilyo ng suspek sa dibdib saka nagdeklara ng holdap.

Sa takot na tuluyan siya, ibinigay agad ng biktima ang kanyang kinitang P1,000 pero nakulangan ang suspek kaya sinaksak siya.

Nasalag naman ng biktima ang kutsilyo na dapat sana ay diretso sa kanyang dibdib.

Agad naman bumaba ng taxi ang suspek nang makitang duguan ang kanyang hinoldap at tumakbo sa madilim na bahagi dala ang perang nakulimbat. BOBBY TICZON

Mag-asawa, tiklo sa pambubugaw sa 8-anyos na pamangkin

$
0
0

TIKLO ang isang mag-asawa dahil sa pambubugaw sa kanilang walong-taong gulang na pamangkin sa isang hinihinalang cybersex den sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa pinagsanib na puwersa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), International Justice Mission at Mabalacat PNP ay nailigtas ang batang hindi na pinangalanan na ibinubugaw ng kanyang tiyuhin at tiyahin sa mga dayuhan na dumadayo sa naturang sex den.

Natagpuan doon ang ilang sex toy, laptop, web camera at mga condom.

Umamin naman ang tiyahin ng bata na nagawa lamang nila ito dahil sa ng pera.

Ngunit iginiit nitong kinukuhaan lamang nila ito ng video at walang nangyayaring sexual act.

Maliban sa walong-taong gulang na bata, natagpuan din sa naturang sex den ang tatlo pang mga batang edad apat, tatlo at isang apat na buwang sanggol.

Nahaharap naman sa patong-patong na kaso ang naturang mag-asawa. JOHNNY ARASGA

Drug war ibabalik

$
0
0

IBABALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa iligal na droga kung lalala ang problema nito sa bansa.

Ito ang naging bahagi ng pahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa isang business event sa Davao City.

Aniya, kung lulubha ang problema sa droga ay wala siyang magagawa kundi ibalik ang drug war sa PNP dahil aniya, gusto niyang matapos na ang problemang ito sa mabilis na panahon.

Dagdag pa ng pangulo, walang makapipigil sa kanya kahit na si US President Donald Trump o sinumang human rights advocate.

Matatandaang kasalukuyang pinangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya laban sa iligal na droga matapos batikusin ang sunod-sunod na pagpatay sa mga sinasabing gumagamit at tulak ng droga.

Ngunit mismong si PDEA Chief Arron Aquino ang nagsabi na posibleng mabawasan ang mga operasyon patungkol sa war on drugs kung wala ang kapulisan lalo na’t kakaunti lamang ang hanay ng kagawaran. JOHNNY ARASGA

Madugong magdamag sa QC, 2 dedo, 3 sugatan

$
0
0

NAGING madugo ang magdamag sa Quezon City nang dalawa ang iniulat na nalagas habang tatlo naman ang nasugatan kabilang ang isang 7-anyos na bata sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril nitong Lunes ng madaling-araw.

Sa Brgy. Commonwealth, nakikipag-inuman lang sa labas ng kanilang bahay sa Kasunduan Extn. ang isa sa mga biktima na nakilalang si Ronilo Emeterio, 31, nang sa hindi pa malanang dahilan ay pinagbabaril ito ng hindi pa nakikilalang lalaki dakong 12:00 ng hatinggabi.

Agad namatay si Emeterio habang nasugatan naman ang kanyang dalawang kainuman at 7-anyos na anak na natutulog sa loob ng kanilang bahay.

“Mabait ‘yan (Emeterio). Wala naman kaming alam na kaaway niyan,” anang kapatid niyang si Nilo.

Samantala, ilang oras lang ang nakakalipas, pinagbabaril din ang isang lalaki sa gilid ng kalsada sa Batasan Hills.

“May babae galing dito sabi may patay raw, nakarinig din ng putok, siguro 6, 7,” sabi ng barangay tanod na si Forperio de Leon.

Hindi pa nakikilala ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at grey na shorts, mayroon itong dragon tattoo sa kanang hita, 5’3″ ang taas at nasa 30 ang edad. BOBBY TICZON


Beki kinatay sa Tondo

$
0
0

HUBO’T HUBAD pa nang matagpuang patay ang isang bading na hinihinalang pinagsasaksak ng isang ‘di pa kilalang lalaki na kanyang kainuman sa loob ng bahay nito sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Arnold Borlongan, tinatayang 50-55-anyos, tubong Bulacan, nangungupahan sa Room D No. 1145 Interior A, B. Vargas St., Tondo, Maynila dahil sa saksak sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na inilarawan na nasa 5’4 ang taas at may edad 30-35.

Sa report ni SPO3 Donald Panaligan ng Manila Police District (MPD) -Homicide Section, dakong 11:45 ng tanghali nang madiskubreng duguan at wala nang buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na si Nenita Swing ang nakadiskubre sa insidente nang magawi ito sa lugar upang maningil ng renta.

Sumilip umano si Swing sa bahagyang nakabukas na pintuan ng silid at doon nakita na duguan at patay na ang biktima kaya ini-report sa MPD (Abad Santos Police) Station 7.

Base naman sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar, nakitang huminto ang biktima sa isang sari-sari store at habang naghihintay naman sa tindahan ang kasamang lalaki.

Nang bumalik ang biktima ay dala na nito ang mga basyo ng alak at magkasama silang bumili ng yelo at pulutan.

Nakita ring umalis ang suspek na naglakad sa direksyon ng Antipolo at Solis Sts., dakong 8:55 kamakawa ng gabi.

Sa loob ng silid ay makikita ang nagkalat na mga dugo at magulo na ang mga kagamitan na indikasyong nagkaroon ng panlalaban.

Narekober din sa crime scene ang isang 11-pulgadang haba ng isang duguang kutsilyo. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

15-anyos, dedbol sa riot

$
0
0

DEDBOL ang isang 15-anyos na lalaki matapos hampasin ng matigas na kahoy sa ulo at saksakin nang dalawang beses sa likod ng kanilang nakaaway na grupo ng kabataan kaninang madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial and Medical Center ang biktimang si Gary Oliveros, ng Blk. 8, 154 Baseco Cmpd., Port Area.

Pinaghahanap naman ang menor-de-edad na suspek na si Jodi Boy Rongcalles, 17, nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Baseco Market, Port Area.

Nauna rito, nagkaroon ng riot sa pagitan ng grupo ng biktima at suspek ngunit mas marami ang grupo ni Rongcalles kaya’t nadaig ang grupo ni Oliveros.

Dito na inabot ng suspek ang biktima at pinalo ito sa ulo ng matigas na kahoy hanggang sa bumagsak.

Hindi pa nakuntento kaya inundayan pa ng dalawang saksak sa likod ang biktima bago tumakas kasama ang kanyang grupo.

Isinugod pa sa nasabing pagamutan ang biktima nina Analyn Arabois at Mary Justine Villegas ngunit binawian din ito ng buhay.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at iba pang sangkot sa naganap na riot ng mga kabataan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bangkay ng 2 lalaking kapwa ginilitan, natagpuan sa Caloocan

$
0
0

NATAGPUAN na walang buhay ang dalawang lalaki na kapwa may laslas sa leeg sa sidewalk sa northbound lane ng EDSA sa Caloocan.

Natagpuan ang hindi pa nakikilang mga lalaki sa harapan ng Old Manila Press Building.

Isang Grab driver ang nakita sa dalawang bangkay dakong 3:25 ng madaling-araw.

May laslas sa leeg ang dalawa ay may nakitang cardboard na nakapatong sa isa sa mga ito.

Nakasulat sa carboard ang mga salitang “Lugar namin ito, ‘wag kayo dito, susunod na kayo”.

May mga pangalan ding nakasulat sa cardboard.

Ang isa sa mga biktima ay naka-pulang shorts at stripe na T-shirt habang asul na maong short at puting T-shirt naman ang suot ng isa. JOHNNY ARASGA

2 babaeng pusher, timbog sa fast food chain

$
0
0

TIMBOG ang dalawang babaeng pusher na aktong nagbebenta ng illigal na droga sa isang poseur buyer sa isang kilalang fastfood chain sa Maynila.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinamapahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) laban sa mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, pawang residente ng Quiapo, Manila.

Sa report, dakong 5:10 ng hapon nang naaresto ang mga suspek sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa kanto ng Taft Ave. at Pedro Gil St., Manila.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA sa pamumuno ng Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilaim ni Director Ismael Fajardo, Jr. kung saan ligid sa kalaaman ng dalawang babae ay poseur buyer ang kanilang tinangkang bentahan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Tinatayang nagkakahalaga ng P125,000 ang nakumpiskang shabu sa mga suspek.

Hawak na ng PDEA-NCR ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Drayber nilayasan ng ka-live-in, nagbigti

$
0
0

NILAYASAN umano ng kanyang kinakasama kaya nagawang magbigti ang isang 41-anyos na driver sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Blas Utang, Jr., ng Parola Cmpd., Tondo.

Sa ulat ni S/Insp. Dave Abarra ng Smokey Mountain Police Community Precinct, dakong 4:30 ng hapon nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kanilang bahay ng kaibigan nitong si Edward Island alyas Isla, 48.

Ayon kay Isla, dumalaw siya sa kanyang kaibigan subalit bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ng huli sa kanilang kisame.

Aniya pa, kamakailan ay tinangka na ring magpakamatay ng biktima na uminom ng silver cleaner dahil pa rin sa pang-iiwan ng kanyang kinakasama.

Gayunman, naagapan lamang ito nang madala sa pagamutan.

Subalit sa pangalawang pagkakataon ay muli nitong tinangkang magpakamatay at dito na natuluyan.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na paimbestigahan ang insidente sa paniniwalang walang foul play sa pagkamatay nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>