Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

16-anyos na rider, pisak sa oil tanker

$
0
0

PATAY ang isang motorcyle rider nang bigla itong sumalpok at masagsaan ang kanyang ulo ng oil tanker truck sa National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang biktimang si John Mark Navarro, 16, ng Marquez Cmpd., Subd. ng nasabing barangay.

Paliwanag ng driver ng trak na si Tedy Gotis, magdedeliber lamang siya ng langis sa gasoline station nang biglang sumingit ang isang motor.

Mabilis aniya ang tabko ng motor na naipit sa gilid na bahagi ng trak. Basag ang ulo ng biktima na walang helmet.

Hindi naman maisalarawan ang pighati ng kapatid ng biktima na si Angeline Navarro.

Aminado si Angeline na nakainom ang kapatid nang ito’y nagmaneho ng motor at kagagaling lamang sa birthday ng kaibigan.

Nahaharap ngayon ang driver ng oil tanker sa reckless imprudence resulting to homicide. JOHNNY ARASGA


Retired army binoga sa ulo ang misis, sumuko

$
0
0

CABA, LA UNION – Sumuko sa Caba Police Station (CPS) kahapon (Nov. 23) ang isang retired member ng Philippine Army (PA) matapos barilin ang asawa sa ulo na agaw-buhay ngayon sa Laur, Nueva Ecija noong Miyerkulas ng hapon, November 22.

Kinilala ng CPS ang sumukong suspek na si Jessie Mendegoria, 47, tubong Caba, La Union, ng Laur, Nueva Ecija.

Samantala, ang misis nitong agaw-buhay sa ospital dahil sa tama ng baril sa ulo ay si Maricel Mendegoria, 44, isang OFW, ng nasabi ring bayan.

Sa imbestigasyon, noong Miyeskules bandang 1:05 ng hapon, nag-inom ang suspek dahil sa selos at noong nakainom ito, isang mainitang pagtatapo ang naganap.

Dito, biglang binunot ng suspek ang baril sa kanyang baywang at pinaputukan ang misis sa ulo.

Sa kanyang pagsuko, binigay ng suspek ang kanyang Armscor 1911 at isang magazine na merong limang live ammunition sa CPS.

Sinabi naman ni PO2 Charlie Tahon, imbestigador, ang kaso ay iti-turnover nila sa Laur police para sa legal disposition. ALLAN BERGONIA

3 mag-uutol nasunog sa nakakandadong bahay

$
0
0

TIGOK ang tatlong bata matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Felisa, Bacolod City.

Ang tatlong magkakapatid na sina Arthur Diloy, 4, Ajericho Jr., 3, at Mary Auxencia, 2, ay hindi nakalabas mula sa nasusunog nilang tahanan bunsod na mabilis na paglaki ng apoy.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), pumasok sa trabaho ang ama ng mga bata na si Ajericho Diloy, Sr. at ikinandado nito ang bahay.

Ang isa pang nakatatandang kapatid ng mga bata ay nasa paaralan naman nang mangyari ang sunog Huwebes ng hapon habang ang kanilang ina’y isang OFW sa Saudi Arabia.

Halos 15 minuto lamang ang itinagal ng sunog at ayon sa BFP, suffocation ang ikinasawi ng tatlong bata. JOHNNY ARASGA

Mag-asawa itinumba sa Caloocan

$
0
0

KAPWA binawian ng buway ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang mag-asawang sina Mayet at Justine Bagay.

Si Mayet ay driver-body guard ni Caloocan First District Rep. Dale “Along” Malapitan, habang nagtatrabaho naman sa Botika ng Bayan ang asawa nitong si Justine.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Pauwi na galing sa pamamalengke ang mag-asawang Bagay nang pagdating nila malapit sa Tala Cemetery ay nilapitan sila ng riding-in-tandem.

Kapwa sa ulo ang tama ng mag-asawa na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa pamamaslang. JOHNNY ARASGA

SAF trooper dedo, 10 sugatan sa NPA ambush

$
0
0

ISANG araw matapos ikansela ang peace talks, isang police commando ang inambus habang 10 iba pa naman ang nasugatan nang ratratin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang sasakyan sa Iloilo province nitong Biyernes ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si P01 Joefel Odon, miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP.

Isinugod naman sa Iloilo City Hospital at Cabatuan Hospital sanhi ng iba’t ibang kapansanan sa katawan ang sampu pang SAF members na hindi nakuha ang mga pangalan.

Hinahanting na ngayon upang panagutin sa krimen ang mga rebeldeng armado ng matatas na klase ng armas.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:35 p.m. sa Brgy. Bolo sa Iloilo’s Maasin town.

Bago ito, lulan ang mga biktima sa PNP police van at pabalik na sa kanilang kampo nang ambusin ng mga NPA na agad din tumakas matapos ang pag-atake. BOBBY TICZON

2 binatilyo pinagsasaksak sa Tondo, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang dalawang binatilyo makaraang pagsasaksakin ng isang 21-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila kagabi.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Hospital ang biktimang sina Sonny, 14, at Joey, 17, kapwa ng Bldg. II, Permanent Housing, Vitas, Tondo, Manila dahil sa mga saksak sa katawan.

Tinutugis ngayon ng pulisya ang suspek na si Erickson una ng Bldg. 21 Unit 223 Permanent Housing, Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Police Station 1, dakong 8:20 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Building II, Permanent Housing, Vitas, Tondo.

Binabagtas umano ni Sonny, sakay ng kanyang bisekleta sa may Rodriguez Ext. nang lapitan ng suspek at biglang sinaksak sa leeg bago tumakas at nagtatakbo sa Permanent Housing at nang makita naman nito si Joey ay dalawang ulit rin niya itong sinaksak sa likurang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananaksak ng suspek sa mga biktima.

Habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ex-Ph Marine dedo sa tandem, parak sugatan

$
0
0

PATAY ang isang dating miyembro ng Philippine Marine matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem, habang malubhang sugatan naman ang isang pulis na rumesponde at ang electrician na tinamaan ng ligaw kagabi, Nov. 26, sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang dating Marine na si Philip Panelo, 39, ng Northbay Boulevard South sa nasabing lungsod.

Patuloy namang inoobserbahan sa nasabing pagamutan sanhi ng tama ng bala sa pantog si PO2 Clemencio Santos, 42, nakatalaga sa Navotas Police, at Danilo Montances, 54, ng Block 7, Lot 40, Phase 1-B na tinamaan ng ligaw na bala sa puwet habang naglalakad.

Sa imbestigasyon nina PO3 Philip Edgar Valera at PO1 Filbert Madio, pasado alas-9:30 ng gabi, naglalakad si Panelo sa kahabaan ng Bisugo St., Brgy. NBBS nang dumating ang apat na mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dating sundalo.

Naaktuhan ni P02 Santos ang insidente na agad rumesponde at nakipagbarilin sa mga suspek subalit tinamaan ito sa pantog kaya nabitawan ang baril.

Matapos ang barilan, kinuha ng isa sa mga suspek ang service firearm ni PO2 Santos bago mabilis na tumakas habang isinugod naman ang mga biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek, habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. ROGER PANIZAL

Lalaking nag-amok, patay sa parak

$
0
0

NAMATAY noon din ang isang lalaki matapos mabaril ng rumesponde at umaawat na pulis sa Vigan City, Ilocos Sur.

Kinilala ang lalaking si Randy Fabrigas, 31, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, pumunta si Fabrigas sa isang tindahan para umutang ng alak ngunit nang malamang walang tindang alak ay nagalit at nagwala ito.

Bumalik pa umano si Fabrigas sa kanyang bahay para kumuha ng itak.

Dito na umawat ang naka-day off na si PO1 Jefferson Ardiosa ngunit siya naman ang pinagbalingan ng galit ni Fabrigas.

Natumba si Ardiosa at tinangkang tagain ni Fabrigas kaya bumunot na ng baril ang pulis at binaril ito sa ulo at balikat.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Vigan City Police tungkol sa insidente habang desidido naman ang live-in partner ni Fabrigas na kasuhan si Ardiosa. JOHNNY ARASGA


2 karnaper utas sa shootout

$
0
0

UTAS ang dalawang hinihinalang karnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Balingasa, Quezon City kagabi, Nobyembre 28, 2017.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang nasawing suspek mula sa nakuhang Philhealth card sa isa sa mga suspek na si Emmanuel Melegrito, 52, tubong Tanay, Rizal at taga-Brgy. 666, Zone 72, District V, Ermita, habang hindi pa nakikilala ang isang suspek na tinatayang 45 – 50-anyos, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang balat at nakamaong pants at blue T-shirt.

Sa ulat ng QC police, ipinarada ng complainant na si Alejandro Dapadap ang kanyang Yamaha Mio Sporty motorcycle na may plakang no. 8908-SD sa harap ng fastfood store sa E. Rodriguez Ave., Quezon City dakong 11:45 kagabi ngunit nang balikan niya ito ay nawawala na.

Agad iniulat ng biktima ang insidente sa tanggapan ng District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Campo sa Kamp Karingal at inalarma ang insidente at nagsagawa ng dragnet operation.

Dakong 12:30 ng madaling-araw, naispatan ng mga pulis ang mga suspek sa Eleven Rd. cor. Harmony St., Brgy. Balingasa at agad sinita subalit sa halip na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nagresulta ng pagkasawi ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang isang cal. 380 pistol at magazine na may bala, at isang cal. 38 revolver na may bala.

Kaugnay nito, narekober din ang ninakaw na motorsiklo ng complainant, dalawang cellphones at dalawang bag ng babae na hinihinalang ninakaw din ng mga ito. SANTI CELARIO

Quiapo fire, 5 paslit, basurero dedo

$
0
0

LIMANG paslit at isang basurero ang namatay nang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan sa Arlegui, Quiapo, Manila nitong Miyerkules ng gabi.

Sa clearing operation ng Bureau of Fire and Protection (BFP), unang nakita ang bangkay ng magkapatid na nakilalang sina Jamayla Daku, 9, Jamaica, 2, at Jamila, 8, sa loob ng kanilang bahay.

Nakita rin sa loob ng naturang bahay ang bangkay ng isang Michael Ramos, 30, basurero, na hindi na rin nakalabas ng bahay nang tangkaing iligtas ang magkakapatid.

Sa katabing bahay naman ay nakita ang bangkay ng magkapatid na nakilalang sina Baby Love Sampaco, 8, at Gerard Sampaco, 10.

Hinihinala na ang ikinamatay ng mga biktima ay supokasyon.

Ayon sa ina ng mga biktima na si Ashliya Daku, iniwan niya ang mga anak sa loob ng bahay para bumili ng pagkain.

Pero sa kanyang pagbalik ay nagulantang siya nang makitang naabo na ang kanilang bahay kasama ang kanyang mga anak.

Halos dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog dakong 11 p.m.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials. BOBBY TICZON

Bebot iniwan, ‘ex-BF’ kinatay

$
0
0

PANGUNAHING suspek na ngayon ng pulisya ang babaeng kasama ng lalaking napatay sa saksak sa isang motel sa Tuguegarao City kahapon ng madaling-araw, Huwebes.

Ito ngayon ang resulta sa pagsisiyasat ng PNP hinggil sa stabbing incident na nangyari sa loob ng isang motel na ikinamatay ng biktimang si Demmy Addalot, 43, at ikinasugat naman ng ex-GF nitong si Charice Arios, 26, tubong Cagayan.

Sinabi ni S/Insp. Llewilyn Guzman ng PNP-Tuguegarao, na ayon sa nakitang CCTV camera sa motel, walang ibang tao na nakitang pumasok sa inupahang silid ng dating magkasintahan kaya si Arios lamang ang maaring sumaksak kay Addalot.

Isa sa nagpalakas pa sa motibo para patayin umano ni Arios si Addalot ay ang ginawang paghiwalay nito sa huli.

Ayon pa kay Guzman, malamang na humirit si Arios na magkita silang muli sa huling pagkakataon na pinagbigyan naman ni Addalot.

Pero nang hindi na aniya umano makumbinsi ni Arios ang dating nobyo na maging sila ulit ay pinatay na lamang niya ito. BOBBY TICZON

NPA ambush: Pulis dedo, 6 iba pa sugatan

$
0
0

PINASABUGAN muna ng landmine bago rinatrat ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang patrol mobile na puno ng mga pulis sa Camarines Norte kaninang Sabado ng madaling-araw.

Dahil sa pag-atake, isang pulis ang nalagas na nakilalang si PO2 Richard Abad habang sugatan naman ang iba pa na nakilalang sina PO2 Ronald Gutierrez, PO2 Ericson de Vera, PO1 Jeffrey Tarrobago, PO1 Pedro Valeros, PO1 Romar Umandap, at PO1 Johnson España na pawang miyembro ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO).

Isinugod ang mga nasugatan na pulis sa Camarines Norte Provincial Hosptal (CNPH) sanhi ng iba’t ibang pinsala sa katawan.

Naglatag na ng hot-pursuit operation ang military at pulis para mahuli ang mga ambushers.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 a.m. sa isang masukal na bahagi ng Sitio Binuang, Brgy. Daguit sa Labo town.

Bago ito, lulan ang mga biktima sa kanilang patrol mobile nang pagsapit sa lugar ay pinasabugan ng landmine saka pinaulanan ng mga bala ang kanilang sasakyan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, may nakitang bakas ng pumutok ng landmine sa ambush area.

Hinala ng awtoridad na mga rebelde ang sumalakay sa mga biktima dahil ang lugar ay kilalang baluwarte ng NPA.

Samantala, may isang motorcycle rider, na naipit sa pag-atake ang nagtamo ng minor injuries. BOBBY TICZON

University president, dedo sa tandem

$
0
0

SA tapat mismo ng sariling bahay, inambus ang isang university president sa Cagayan de Oro City kaninang Sabado ng madaling-araw.

Nagtamo ng walong tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nakilalang si Dr. Ricardo Enriquez Roturas, presidente ng University of Science and Technology in the Southern Philippines (USTSP).

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng pag-atake at kung ano ang motibo ng mga salarin sa pagapatay sa biktima na pangulo rin ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 a.m. sa bahay ng biktima sa isang eksklusibong subdibisyon sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa misis ng biktima, nagmula ang kanyang mister sa isang party sa lunsod at pagdating nito ng bahay saka siya inambus.

Nagtatag na ang Philippine National Police Region 10 ng isang special task force para imbestigahan ang insidente. BOBBY TICZON

573 rebelde, sumuko matapos ang ‘Proclamation 360’ – AFP

$
0
0

PATULOY ang panawagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na kung ayaw nilang matulad sa mga kasamahan nilang napatay sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, umaasa silang mas maraming miyembro ng NPA ang susuko pa sa mga susunod na araw.

Ito ang apela ng AFP lalo na’t tiniyak nilang magpapatuloy pa rin ang kanilang pinaigting na operasyon laban sa mga rebeldeng nagsasagawa ng karahasan at paninira laban sa mga komunidad.

Base sa impormasyon ng AFP, umabot na sa kabuuang 573 na rebelde ang sumuko sa mga pwersa ng pamahalaan mula nang kanselahin na nang tuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa National Democratic Front sa pamamagitan ng Proclamation 360.

Sa ngayon, ikinokonsidera ni Arevalo na nakalalamang ang AFP dahil nasa 264 na rebelde na ang napatay o nasukol nila sa kanilang mga operasyon mula Pebrero hanggang Nobyembre.

Gayunman, ipinahayag naman niya na bukas pa rin silang tumanggap sa mga sumusukong rebelde kahit na mas pinaigting na nila ang mga operasyon laban sa NPA.

Samantala, malabo naman aniya na magkaroon pa ng tigil-putukan pagdating ng Kapaskuhan tulad ng nakagawian. JOHNNY ARASGA

2 dedo, 7 pa sugatan sa bakbakan sa Maguindanao

$
0
0

DEDO ang dalawang sibilyan habang pito ang sugatan na kinabibilangan ng mga bata sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Shariff Aguak, Maguidanao.

Naganap ang engkwentro Linggo ng gabi sa pagitan ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at BIFF.

Ang mga napatay ay kinilalang sina Unti Kamama, 60, at Mohammad Kamama, 13.

Habang ang mga nasugatan naman ay sina Aila Amor, 25, Tukay Kamama, 26, at mga batang edad 2, 3, 4 at 6 na pawang ng Sitio Bacong sa Brgy. Tinambangan.

Kasama ring nasugatan si Reserve Army Private Clinton Vigor.

Ayon kay Sixth Civil Military Operations chief Col. Gerry Besana, inatake ng BIFF ang detachment ng Philippine Army sa Sitio Bacong.

Kinumpirma naman ni BIFF-Bongos faction spokesperson Abu Misry Mama, na sila ang nasa likod ng pag-atake. JOHNNY ARASGA


Service firearms, ‘di na bubusalan sa Bagong Taon

$
0
0

HINDI na ipatutupad ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang paglalagay ng selyo o busal sa mga baril ng mga pulis bago sumapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay Dela Rosa, malaki naman ang ibinaba ng mga kaso ng pagkamatay o pinsalang dulot ng indiscriminate firing na naitala noong nakaraang taon.

Sa taya ng hepe ng PNP, hindi na ito kailangang gawin pa, lalo’t kumpyansa siyang hindi masasangkot ang kanyang mga tauhan sa indiscriminate firing.

Paliwanag niya, nitong nagdaang pagdiriwang ng Bagong Taon ay isa lamang ang naitalang nasawi mula sa 12 kaso ng ligaw na bala na naitala sa buong bansa.

Banta pa ni Dela Rosa, masisibak sa puwesto ang mga mahuhuling pulis na magpapaputok ng kanilang mga baril nang wala namang kadahilanan.

Samantala, hindi lang ang mismong pulis ang masisibak sa puwesto oras na mangyari ito kundi maging ang kanilang mga commander na hindi agad kikilos para resolbahin ang mga isyu ng indiscriminate firing.

Mababatid na taun-taong ginagawa ang pagseselyo ng mga baril ng mga pulis gamit ang tape na pinipirmahan ng kanilang mga nakatataas na opisyal upang maiwasan ang walang pakundangang pagpapaputok tuwing Bagong Taon. JOHNNY ARASGA

Kotse sumalpok sa pader, 3 patay, 2 sugatan

$
0
0

TATLO ang patay habang dalawa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng isang kotse sa Dasmariñas City, Cavite, Linggo ng madaling-araw.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng Toyota Corolla lulan ang limang biktima ang naturang lansangan nang mawalan ito ng kontrol sa palikong bahagi ng kalye at sumalpok sa konkretong bakod sa gilid ng lansangan bago humampas sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng impact, dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Juan Paulo Devilla na nagmamaneho ng sasakyan at mga sakay nitong sina Janden Rysel Mercado at John Dave Ramirez.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa pang biktimang sina Noriel Candelaria at Kevin Devilla dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. JOHNNY ARASGA

Nandugas ng 1 case ng beer, tepok sa sekyu

$
0
0

TEPOK ang isang menor-de-edad nang barilin ng guwardiya matapos maaktuhang bitbit ang isang case ng beer sa isang warehouse kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Berlaser Berciles, 17, ng 168 Bukid St., Balut, Tondo sanhi ng tama ng bala sa hita.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na suspek na si Mark Anthony Saide, guwardiya sa nasabing bodega ng beer.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ryan Cayabyab ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng San Miguel Brewery warehouse sa Honorio Lopez Blvd. cor. Buendia St., Tondo.

Nagsasagawa umano ng roving inspection ang suspek sa loob ng bodega nang maaktuhan ang suspek bitbit ang isang case na beer kaya sinita nito pero sa halip sumuko ay tumakbo at umakyat sa isang puno para tumakas dahilan upang barilin ng guwardiya.

Tinamaan sa kaliwang hita ang biktima at agad pinosasan ni Matildo Umas-as, kasamahang guwardiya ni Saide.

Tinangka ni Umas-as na dalhin sa ospital si Berciles pero tumanggi si Saide at pinagbilinan na lamang siya nitong sabihin sa darating na mga pulis na siya ang binaril.

Pumasok sa opisina si Umas-as pero nang balikan niya si Berciles ay isinugod na ito sa naturang pagamutan kung san siya namatay. JOCELYN TABANGGURA-DOMENDEN

Dating pari rinatrat ng tandem, dedo

$
0
0

RINATRAT ng kilabot na riding-in-tandem ang isang retiradong pari habang sakay sa kanyang kotse sa Nueva Ecija town kagabi, Lunes.

Nagtamo ng siya na tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay habang ginagamot sa Gonzales General Hospital ang biktimang si Fr. Marcelito “Tito” Paez, 72, tumutuloy sa retirement home sa bayan ng Sto. Domingo.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero isa naman sa sinisilip na motibo sa pagpatay ay ang pagtulong nito sa pagalaya ng political prisoner na si Rommel Tucay na nakakulong sa Cabanatuan City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:45 p.m. sa national highway ng Jaen, Nueva Ecija.

Bago ito, lulan ang biktima sa kanyang kotse pauwi na binuntutan ng dalawang riding-in-tandem.

Pagsapit sa lugar, rinatrat ng mga suspek ang bahagi ng driver’s seat na kinauupuan ng biktima.

Ayon sa kapatid nitong si Ceferino, wala siyang maisip na kaaway o nakasamaan ng loob ng kanyang kapatid.

Simula nang magretiro ay nananatili na sa naturang retirement home at naiimbitahan na lang para magsagawa ng misa sa iba’t ibang lugar. BOBBY TICZON

Kelot utas sa lover ng ex-GF

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaking pinaniniwalaang pinatay ng kasintahan ng dating kinakasamang babae sa isang madilim na bahagi ng kalsada kaninang umaga sa Navotas City.

Ang bangkay ni Bonifacio Bohol, 27, mangingisda ng Brgy. North Bay Boulevard, ay natagpuan pasado alas-5:40 kaninang umaga ng mga barangay tanod na may nakakabit na kapirasong papel sa katawan na may nakasaad “Magnanakaw ako, ‘wag tularan.”

Sinabi sa pulisya ng tiyuhin ng biktima na si Leopoldo Baldomero, Jr., 67, hindi sangkot sa mga illegal activities ang kanyang pamangkin taliwas sa nakasulat sa karton sa ibabaw ng bangkay nito na maaaring inilagay lamanbg para iligaw ang mga imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Baldomero, huling nakitang buhay ang biktima noong Martes ng gabi kung saan kainuman ang dating kinakasamang babae na si “Cora” at ang bagong kinakasamang lalaki ni Cora na nakilala lamang sa alyas na “Balat” sa Area 1, North Bay Boulevard.

Base sa examination ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), napag-alamang nagtamo ang biktima ng malaking sugat sa ulo na pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay.

Ayon kay Navotas police deputy chief for operation Supt. Ferdinand Balgoa, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na imbitahan para pagpaliwanagin ang dating kinakasamang babae ng biktima at bagong lover nito na suspek ngayon dahil sa pagtatago matapos ang insidente. ROGER PANIZAL

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>