Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

50 bahay nasunog sa QC

$
0
0

TINUPOK ng apoy ang isang residential area sa kabahaan ng Commonwealth Ave. sa South Suzuaregui, Brgy. Old Balara, QC.

Umabot ng ikatlong alarma ang naturang sunog sa lugar.

Ayon kay Fire Marshall Supt. Manuel Manuel ay nasa 50 bahay ang nasunog at aabot sa 150 na mga pamilya ang naapektuhan.

Sa paunang imbestigasyon nagmula aniya ang sunog sa bahay ng isang Alfredo Montemayor.

Ayon naman kay Brgy. Captain Alan Fransa, mga informal settlers ang mga naapektuhan at pawang gawa sa light materials ang mga bahay nito.

Karamihan sa mga biktima ay walang mga naisalbang gamit.

Ayon sa mga naapektuhang residente, hindi na nilang na gawang makapagsalba dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Nanawagan naman si Neneng isang residente ng tulong para sa kanilang mga nasunugan ng bahay.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga residente kung saan sila ngayon tutuloy matapos masunugan.

Kaugnay nito, wala namang nasaktan dahil sunog maliban na lang sa isang nagka-high blood at nahirapang huminga.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ang naging sanhi ng sunog. JOHNNY ARASGA


Filipino-Pakistani nat’l, tiklo sa pamba-blackmail

$
0
0

TIMBOG ang isang Filipino-Pakistani national matapos ireklamo ng dati niyang girlfriend dahil sa pagpo-post nito ng kanyang mga hubad na larawan sa social media nang makipaghiwalay sa isang entrapment operation sa Quezon City.

Kinilala ng NBI-Anti-Cybercrime Division ang suspek na si Abdul Razaq Bukhari, na may hawak ng parehong Pilipino at Pakistani citizenship.

Sa reklamo ng complainant na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan nakilala niya ang suspek sa kanyang Facebook account at kalaunan ay nagkaroon sila ng long distance relationship.

Gamit ang Facebook Messenger, nag-demand umano ang suspek na ipakita ng dalaga ang mga pribadong bahagi ng kanyang katawan na hindi niya naisip ang magiging resulta nito dahil napamahal na rin siya sa suspek.

Pero kalaunan ay nadiskubre ng complainant na may asawa pala ang
suspek kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang kanilang relasyon.

Hindi umano ito tinanggap ng suspek at matapos na mabigong himukin ang dating girlfriend na magbalikan sila ay blinackmail ng suspek ang dalaga sa pamamagitan ng pag-post online ng kanyang mga hubad na larawan at pagpapadala sa mga ito sa kanyang mga kaibigan.

Nagbanta ang suspek na magpo-post pa ng iba niyang larawan kung hindi siya makikipagkita at makikipagtalik sa kanya kaya humingi na ng tulong sa NBI ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act, Article 282 ng Revised Penal Code kaugnay ng RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act at RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act ang isinampang kaso sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, pinasabugan

$
0
0

NAGKAROON ng dalawang magkasunod na pagsabog sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division, ang unang pagsabog ay naganap 6:35 ng umaga ng Biyernes, Jan. 19, na sinundan ng isa pang pagsabog makalipas lang ang 10-minuto.

Sinabi ni Encinas na naganap ang insidente hindi kalayuan sa kanilang training school.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa dalawang pagsabog na hinihinalang mula sa improvised explosive device (IED).

Iniimbestigahan na ng lokal na pulisya ang pangyayari para matukoy kung sino ang responsable sa insidente. JOHNNY ARASGA

Retired army, inutas sa ‘love triangle’

$
0
0

BOLINAO, PANGASINAN – Dahil sa “love triangle”, isang retired na Philippine Army (PA) ang patay matapos barilin sa bayan ng Bolinao sa nasabing lalawigan kahapon, January 18.

Nakilala ang biktima na si Marciano Sicaty, 62, ng Brgy. Mal-ong sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, kinilala ang bumaril sa biktima na si Jonas Tabucol kung saan nakita ng mga saksi na agad itong tumakas matapos barilin si Sicaty gamit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa pulisya, may relasyon ang kinakasama ng suspek at ang biktima na ikinagalit ng una dahilan para gawin ang krimen.

Sa ngayon, naglunsad na ng manhunt operation ang Bolinao police laban sa suspek. ALLAN BERGONIA

Stude dakip sa pagbebentaa ng marijuana

$
0
0

NADAKIP ang isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Aurora Blvd., Quezon City.

Nakilala ang nahuling suspek na si Mikey Santos, 21, 4th year marketing student sa isang kolehiyo sa Mandaluyong.

Nakuha mula kay Santos ang 10 sachet ng kush o high-grade na marijuana na tinatayang aabot sa halagang P25,000.

Ayon kay Sr./Insp. Joel Cabauatan ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police, isang tauhan nila ang nagpanggap na buyer para bumili kay Santos.

Matapos maisagawa ang transaksyon ay doon na dinakip ang suspek.

Ani Cabauatan, nauuso na umano ngayon ang kush dahil malakas ang tama nito kumpara sa ordinaryong marijuana.

Mas delikado aniya sa katawan ng tao ang kush.

Nabatid pang pawang mga estudyante at mayayaman ang customer ni Santos. JOHNNY ARASGA

Trike driver sapul sa trak, tepok

$
0
0

TEPOK ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang kanyang pasahero matapos silang aksidenteng masalpok ng isang trak sa Los Baños, Laguna, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Noel de Vera, ng Brgy. Bambang habang ang sugatang pasahero naman ay si Jessa Mangana na isinugod rin sa ospital.

Ayon sa hepe ng Los Baños police na si Supt. Alex delos Santos, naganap ang aksidente pasado alas-3:00 ng hapon sa national highway sa bahagi ng Brgy. Lalakay.

Patungo sa Calamba City ang tricycle nang bigla silang mabunggo ng trak na nagmula sa kabilang lane ng highway.

Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang truck driver na kinilalang si Francisco Cabigas mula Meycauayan, Bulacan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung anong dahilan ng pagkawala sa kontrol ng trak upang sumalpok sa naturang tricycle. JOHNNY ARASGA

Wanted na Kano huli sa Dagupan

$
0
0

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang American national na wanted sa Estados Unidos dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at gun possession.

Nasakote ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang suspek na si Larry John St. Clair, 45, sa Dagupan City.

Sa impormasyon mula sa US Embassy, nahatulang guilty si St. Clair at pinatawan ng 64-buwang pagkakakulong.

Gayunman, matapos ang 36-buwang pagkakakulong, nakalaya ang suspek matapos aprubahan ng California court ang kanyang petisyon.

Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, naglabas ang US district court sa Eastern California ng arrest warrant dahil sa paglabag sa kondisyon ng release at pagpunta sa Pilipinas.

Ipapa-deport din aniya ang suspek bilang undocumented alien sa bansa.

Ayon naman kay BI intelligence officer at FSU chief Bobby Raquepo, nagtago ang suspek sa bansa simula pa noong June 2015.

Kabilang din aniya si St. Clair sa blacklist oder na inisyu ng BI para sa possession of counterfeit visa extension stamps. -30-

Suspek sa Maguindanao massacre, swak sa checkpoint

$
0
0

NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG- ARMM) Sultan Kudarat PNP at Maguindanao Public Safety Forces Company ang isa sa mga suspek sa karumal-dumal na Ampatuan Maguindanao massacre.

Kinilala ang suspek na si Tho Amino na miyembro ng Civilian Volunteer Organization (CVO) at tauhan ni dating Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan, Sr.

Nahuli si Amino sa isang checkpoint sa Brgy. Dalumangcob Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nahaharap sa 56 counts of murder si Amino at hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng RTC National Capital Judicial Region, Branch 221, Quezon City.

Ang suspek ay kabilang sa national level ng most wanted persons’ list.

Sa ngayon ay nasa lock-up cell ng CIDG-ARMM si Amino at nakatakdang ipresenta sa korte sa Maynila. JOHNNY ARASGA


Siga sa Port Area itinumba

$
0
0

ITINUMBA ang 26-anyos na lalaki na sinasabing siga sa lugar nang tadtarin ng bala sa katawan ng kaaway nito sa Port Area, Maynila kagabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Sol Amil, walang trabaho ng Block 1, Aplaya, Baseco compound, Port Area, Manila dahil sa limang tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Rannie Tarrayo, alias Nonoy Topak, tinatayang 40-45 anyos, walang trabaho ng Block 1 Gasangan, Baseco compound, Port Area, Manila na tumakas dala ang baril na ginamit matapos ang pamamaril.

Sa report, alas-6:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa 670 Block 1 Aplaya, Baseco compound, Port Area, Manila.

Sa salaysay ng saksing si Deorita Pelenio, 49, isang street sweeper, na bago ang pamamaril ay napansin niya ang biktima at suspek na nag-uusap.

Ilang sandali pa nang nakarinig siya ng magkasunod na putok ng baril at nang lingunin ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa semento habang nakatayo pa ang suspek hawak ang baril at nagsabing “Ano, p_ina mo, buhay ka pa” at muling pinaputukan ang nakahandusay na biktima at nang matiyak na wala nang buhay ay kaswal lang na lumakad papalayo ang suspek.

Ilang sandali pa ay dumating ang live-in partner ng biktima na si Diana Bremon na nagdala sa kanya sa ospital.

Sinasabing ang biktima ay siga sa nasabing lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Piyesta hinagisan ng granada: 2 parak dedo, 12 sugatan

$
0
0

DALAWANG pulis ang namatay habang 12 pa ang sugatan kabilang ang isang alkalde at kongresista sa pagsabog ng granada sa plaza ng La Paz, Abra, kaninang madaling-araw, Huwebes.

Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzell Kitoyan ng La Paz municipal police.

Habang ang mga nasugatang opisyal ay sina La Paz Mayor Menchie Bernos at mister nitong si Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos. Sa ngayon ay ‘di pa nakikilala ang iba pang mga sugatan.

Ayon sa Cordillera police, naganap ang pagsabog 1:30 ng madaling-araw habang nagkakaroon ng fireworks display na bahagi ng mga pagdiriwang ng pista sa lugar.

May hawak nang suspek ang mga awtoridad at patuloy ang kanilang imbestigasyon dito. -30-

Binata, kinuyog ng 15 kabataan

$
0
0

NAGPAPAGALING ngayon sa Ospital ng Muntinlupa ang isang binata matapos itong kuyugin at pagbabatuhin ng nasa 15 kapwa kabataan sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si Alfred Real, 18 taong gulang at nagdiriwang ng kanyang kaarawan nang maganap ang insidente.

Ayon kay PO1 Billy Jean Gaerlan ng Muntinlupa Police Station 6 mismong ang mga kasama ni Real sa inuman ang kumuyog sa biktima.

Nadamay pa maging ang sasakyan ng mga otoridad sa pambabato nang dumating sila para awatin ang gulo.

Nang makita ang mga pulis at kawani ng barangay ay agad na nagsitakbuhan ang mga suspek ngunit naaresto ang dalawang menor de edad.

Ani Gaerlan, kasama sa gulo ang isang alyas Entong na dati nang nasangkot sa kaparehong insidente.

Ngunit dahil menor de edad ay pinakawalan din ito.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang dahilan ng insidente. JOHNNY ARASGA

Illegal recruiter, nasalisihan ang mga otoridad

$
0
0

HINDI pa man nakukulong ay nakatakas na agad ang babaeng illegal recruiter na nakapambiktima ng nasa mahigit 200 mga Pilipino na pinangakuan niyang makakapagtrabaho sa Japan.

Kinilala ang suspek na si Teresita Hassan na may kasong large scale estafa at illegal recruitment.

Gabi ng Huwebes nang maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) si Hassan.

Nang ipamedical ito ay bigla umano itong nakaranas ng asthma attack kaya nanatili ito sa ospital.

Laking gulat na lamang ng mga nabiktima ni Hassan nang malaman na nakatakas ito mula sa ospital matapos lumabas sa ibang exit at sumakay ng taxi habang kasama ang isang hindi nakilalang lalaki.

Ang guard pa ng ospital ang nagsabi tungkol sa pagtakas nito.

Hindi naman maipaliwanag ng mga otoridad ang insidente.

Ngunit paninigurado nila, nagsasagawa na sila ng followup operation upang muling maaresto si Hassan. JOHNNY ARASGA

293 tauhan ng PNP, nagpositibo sa droga

$
0
0

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang 293 na miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa record na inilabas ng PNP Internal Affairs Service, napag-alaman na karamihan sa nasabing mga pulis ay gumagamit ng shabu base sa resulta ng ginawang drug test sa 180,000 na mga opisyal at miyembro ng pambansang pulisya.

Ang resulta ay base sa ginawang surprise drug tests sa mga pulis mula noong July, 2016 hanggang sa huling quarter ng 2017.

Tiniyak naman ng liderato ng PNP na tuloy pa rin ang random drug tests bilang bahagi ng kanilang paglilinis sa kanilang hanay.

Ang mga pulis na magpopositibo sa drug tests ay isasalang sa confirmatory test at kapag sila ay muling nag-positive dito sila ay mahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal at posible rin na mapatalsik sa puwesto.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad na kakasuhan at sisibakin sa posisyon ang mga alagad ng batas na mapapatunayang adik sa ipinagbabawal na gamot. JOHNNY ARASGA

2 holdaper sa Bulacan, tepok vs pulis

$
0
0

PATAY sa mga pulis ang dalawang hinihinalang holdaper sa Malolos, Bulacan.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos Police Station, hinoldap umano ng dalawang lalaki ang isang restaurant manager na kinilalang si Yulbert de Guzman.

Nakatayo aniya ang biktima sa kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Bulihan nang lapitan at holdapin ng mga suspek.

Ayon kay Bruno, sinabi sa kanya ni De Guzman na dinala siya ng dalawang lalaki sa isang madilim na lugar at siya ay pinaghubad bago kinuha ang kanyang cellphone at pera.

Agad naman nagtungo si De Guzman sa pinakamalapit na police station at isinumbong ang insidente.

Sinabi ni Bruno na naabutan ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek sa Ople Road.

Nabaril at napatay aniya ang mga suspek matapos manlaban sa mga pulis.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad kung miyembro ba ng robbery group ang napatay na mga suspek. JOHNNY ARASGA

Kargador patay sa pamamaril, kasama sugatan

$
0
0

PATAY ang isang fish porter habang sugatan naman ang kasama nito matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin kagabi, January 26, sa Malabon City.

Patay mismo sa pinangyarihan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Roberto Brazil, 48, habang ginagamot naman sa Ospital ng Malabon sanhi rin ng tama ng bala sa kanang paa si Roque Mabansag, 45, kapwa ng Bagong Silang St., San Jose, Navotas City.

Ayon kay Malabon police C/Insp. Romulo Mabborang, pasado alas-8:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue kanto ng Leñio St., Brgy. Tañong, Malabon City.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rockymar Binayug, nakaupo ang mga biktima sa harap ng Phil Trust Bank sa nasabing lugar habang hinihintay ang kanilang trabaho bilang kargador nang lapitan si Brazil ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Tinamanaan naman ng ligaw na bala sa kanang paa si Mabansag na nagawa namang makatakas hanggang sa makahingi ng tulong sa ilang tambay na nagsugod sa kanya sa nasabing pagamutan.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis subalit, nabigo ang mga ito na matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at maaresto habang narekober ng mga tauhan ng Scene of Crimes Operative (SOCO) sa pinangyarihan ang anim na basyo ng bala mula sa kalibre . 9mm na baril.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente. ROGER PANIZAL


Bahay ng district engineer sa Basilan, binomba

$
0
0

BINOMBA ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bahay ng isang government engineer sa Basilan.

Ayon kay Isabela City Police Chief Supt. Restituto Pangusban, wala namang nasugatan sa nasabing insidente.

Naganap ang pagsabog sa labas ng bahay ni Basilan District Engineer Soler Undug, sa Purok Yakal, Barangay San Rafael, Isabela City.

Sinabi ni Pangusban, na masuwerteng sa labas ng bahay naganap ang pagsabog at dahil konkreto ang bakod ng bahay ni Undug, hindi napinsala ang mga nasa loob.

Sa isinagawang imbestigasyon sa lugar, may nakuhang battery pack ng cellphone, bahagi ng hinihinalang pipe bomb, bahagi ng cellphone keypad, wasak na GI pipe at wasak ng cellphone screen. JOHNNY ARASGA

Consignee ng P6.4B shabu shipment, timbog ng NBI sa Iloilo

$
0
0

TIMBOG ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), ang consignee ng P6.4 billion shabu shipment na nakapuslit papasok sa bansa.

Ayon kay NBI-Public Information Office Chief Nick Suarez, si Eirene Mae Tatad, na nadakip ng mga ahente ng NBI sa Iloilo, Biyernes (Feb. 2) ng umaga.

Isa si Tatad sa mga kapwa akusado ng customs broker na si Mark Taguba sa kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa nasabing shabu shipment.

Siya ang consignee o sa kaniya nakapangalan ang shipment ng shabu na nakalusot sa BOC at natuklasan sa warehouse sa Valenzuela City.

Nakatakdang dalhin sa NBI head office sa Maynila si Tatad. JOHNNY ARASGA

CPP leader nasakote sa Ozamis City

$
0
0

NASAKOTE ang isang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Ozamiz City.

Si Rommel Dorango Salinas, CPP secretary, ay dinakip sa Bernard Subdivision, City Hall Drive, Brgy. Aguada, Ozamis City.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao regional police, ang pagkakadakip kay Salinas ay dahil sa kasong frustrated murder at destructive arson.

Matapos maaresto, dinala si Salinas sa pasilidad ng Bureau of Jail and Management and Penology sa Brgy. Tinago, Ozamis City.

Magugunitang noong Miyerkules ng gabi, dinakip sa Quezon City si National Democratic Front peace consultant Rafael Baylosis. JOHNNY ARASGA

15-anyos nagbaril sa sarili

$
0
0

NAMATAY ang 15-anyos na binatilyo matapos magbaril sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Louie Ramirez Cubay, 15, grade 5 student.

Si Cubay ay natagpuang nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto sa No. 182 UNit N. Villa Angelina Catleya St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, QC. at may tama ng bala ng cal. 9mm ng baril sa kanang sentido.

Batay sa pahayag ni Donnel Dugan, step father ng biktima, alas-5:00 ng hapon nang dumating sila sa kanilang bahay ni Geralan, ina ni Cubay, mula sa kanilang trabaho.

Nakagawian na ng ina ng biktima na bago matulog ay pinupuntahan muna nito ang anak na si Cubay upang malaman kung nandoon na ito sa loob ng kaniyang silid.

Subalit pagbukas umano ni Geralan sa silid ng anak ay bumungad sa kanya ang duguang katawan nito kaya agad na humingi ito nang saklolo sa kanyang kinakasamang si Donnel.

Agad namang ipinagbigay alam ng stepfather ng biktima sa kanilang barangay ang pagpapakamatay ng stepson.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pagpapakamatay ng binatilyo dahil walang suicide note na iniwan ang biktima. SANTI CELARIO

Manyak na photog arestado

$
0
0

DAKIP ang isang lalaki na nagpanggap na photographer sa Quezon City.

Sa halip kasi na pagomo-modelo na ipinangako nito sa 17-anyos na biktima ay muntik na niya itong ipasok sa isang hotel.

Hindi naman na nagawang itanggi ng suspek na si Jonathan Ygot ang kanyang ginawa at humingi ng tawad sa pamilya ng biktima. JOHNNY ARASGA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>